CNW 31: Underwater (II)

8.8K 482 32
                                    

Maybe we should start expecting the things that we know that are unexpected.

“I think it's because of her ability.” Yvonne suddenly said after looking thoroughly at my so-called new discovered skin. Sabay-sabay kaming napabaling sa kanya pagkatapos nya iyong sabihin. Kahit nga si Weston na laging walang pakialam ay nakakunot ang noo at para bang malalim ang iniisip.

“But something changed.” Stanley added, in which, I saw Yvonne agreed by nodding her head. Gulong gulo ako, at alam kong halatang halata iyon sa kanila kahit na ang pokus nila ay nasa skin na nakuha ko.

“What?” Naguguluhan kong tanong sa kanila. Anong nagbago? Ah, malamang, iyong damit—

“Your hair color and your eyes.” Napabaling ako kay Weston nang magsalita sya at nakita kong matalim din ang tingin nito sa aking mukha na para bang pinag aaralan ako. “That's a legendary skin, in case you don't know.” Napanganga ako sa aking narinig. Legendary skin, iyong sobrang rare kung mahanap, ay nakakuha ako ng hindi ko manlang alam?

“Maybe it's connected in the glitch.” Glitch? What?

“Ano bang pinagsasasabi nyo?” Hindi ko na maiwasang sumabat sa kanilang pinag uusapan at sa totoo lang, sobrang gulong-gulo na ako. I mean, hello? Pwedeng pakiexplain? Hindi ko kasi talaga maintindihan, eh.

“Let just swim. I think they're already waiting for us.” Stanley spoke with his serious voice, which is really rare for him. Naramdaman kong hinawakan nito ang aking kamay at hindi naman ako kumontra dahil pakiramdam ko'y wala pa rin ako sa aking sarili.

I mean, gosh. Akala ko normal lang ako, eh! Pero… oo nga pala. Sa mundong ito ay walang normal! Pero hindi! Ang ibig ko kasing sabihin ay tulad lang nila ako na maiiconsider na normal, hindi 'yung ganito! My gosh!

I felt Stan's grip on my hand tightened. Napatingin ako sa kanya dahil don. “Don't think too much. You're so beautiful that it could be regal, by the way.” Namula naman ako sa kanyang papuri. Hindi ko alam kung nagbibiro ba sya o ano dahil tumawa lamang ito nang makita ang aking ekspresyon.

“Weston, tayo nga rin. Magpakasweet ka nga sa'kin kahit ngayon lang.”

“Tss.”

“Sige na, naiinggit ako eh.”

Tumingin ako sa likod sa pamamagitan ng aking balikat at napailing nang makita si Yvonne na hinahabol— este nilalangoy si Weston na patuloy ang paglangoy palayo dito. Natatawa akong napailing at saktong tumama ang aking paningin kay Stanley na nakangiti na parang tanga— pero syempre nagbibiro lang ako dahil gwapo talaga sya.

Sa totoo lang ay bumagay ang kulay asul atmay puting kaliskis sa kanyang mukha. His lips is also color blue and also his eyes. Ganito rin naman ang ayos ng iba ngunit ang damit— o sabihin na nating shell sa katawan ay magkakaiba ang ayos at itsura. Hindi ko rin alam pero ang cute ng taynga ni Stanley na parang taynga ng… hindi ko alam ang tawag! Aish, basta ang gwapo nya!

“Stop staring.” Natatawa nitong sabi. Napatirik ang mata ko ngunit hindi mapagkakaila ang pag iinit ng aking pisngi. Grabe, gravy! Pinupuri ko lamang ang kanyang pagiging magandang lalaki! Pero siguro nga'y nagtagal talaga ang pagtingin ko sa kanya?

Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya at lumangoy. The ocean was so deep. Papadilim at papadilim ang aming nasa paligid at kaming apat pa lamang ang nandoon. Hindi naman ako natatakot sa dilim sa totoo lang, medyo nakakatakot lang dito dahil parang walang hanggang kadiliman ang sasakubong sa amin, pero dahil hawak ni Stanley ang kamay ko at ramdam ko ang presensya ni Weston at Yvonne sa aking gilid ay hindi ako nakakaramdam ng kahit anong takot.

Napangiti ako. Siguro'y mukhang tanga ako kung makangiti ngayon. Natahimik naman na sa aming paligid ngunit hindi awkward ang katahimikan. It was like solace which is a source of comfort, and I found serendipity in their presence.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon