I know that once we step our foot outside the door, everything isn't the same anymore.
“Tandaan nyo, kailangan nating umiwas sa gulo hanggat maaari.” Muling paalala ni Dustine bago kami lumiban sa aming tahanan.
Hindi namin inakalang lilisan at iiwanan rin namin ito.
Sabay-sabay kaming tumango. That's his cue to open the door. Right. Aalis na kami dito at muli kaming magpapatuloy sa pakikipaglaban, pero sa pagkakataong ito'y ‘for good’ na kaming aalis dito. Bakit pa kami babalik kung dapat na naming tapusin ito?
Right. Even at our level in which, below 50, we decided to finish everything. Bakit? Dahil siguradong kapag nagtagal pa ito ay mas marami pang mamamatay at magpapatayan, at ayaw naming mangyari iyon. So instead of staying in one place, we decided to go from place to place and enhance our equipments, especially weapons. Sabi kasi nila'y may mas magagandang lugar daw na nagbibigay ng malalakas na gamit na baka makatulong sa amin.
“Remember what our plan is.” Paalalang muli ni Dustine bago ito lumabas. Nagsisunuran rin ang aking mga kasama kaya't sumunod na rin ako.
Sabi kasi ni Dustine ay paniguradong may mga grupo pa ring ayaw ng laban kaya't kung maaari ay huwag kaming gagawa ng ikagagalit nila para humantong sa patayan iyon. Now that killing is possible, I don't know if we will survive it. No. Of course, we can try. This time, we have to exert forth effort every time in any place, with every people we will interact.
Because in the world we have today, ourselves and our group is the only one we will trust to avoid casualties.
Napahinto ako ng biglang nagpop up ang hologram sa aking harapan— isang mensahe mula sa kanya. Hindi ko alam kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko.
What's your guild's plan?
Ngumuso ako. Ano ba 'yan! Ngayon na nga lang kami mag uusap pero iyan lang ang kanyang sinabi? I bit my lower lip. Nagreply pa rin ako.
Well, iiwas muna kami sa gulo lalo na't iba ang pinakagoal namin at wala kaming planong pumatay.
Kayo ba?
Mabilis naman itong nagreply.
Good. :)
Same as your group, baby.
Ngumuso ako. Nakaramdam ako ng pagsiko sa aking gilid at nakita ko si Yvonne na nagpipigil ng ngiti. “Uy, ano 'yan?” Tinuro nya ang mukha ko. “Ngiting ngiti tayo eh, hano po?” Pang aasar nya at humalakhak. Doon ko lang narealize na nakangiti na pala ako. Grabe!
Hindi ko nalang sya pinansin nang makita ang sumunod na pagmensahe ni Alpha.
Anyway, can we met?
Ngayon na ba?
Miss mo na siguro ako?
HAHAHAHA JOKE LANG!
Yes, right now.
And to answer your question, what if I say yes?
Napatitig ako sa kanyang mensahe. Napansin ko lang na natigilan na pala ako sa paglalakad nang tawagin ako nila Red na siguro'y napansing hindi na nila ako kasama. Mabilis naman akong tumakbo palapit sa kanila habang nagtatype ng sagot kay Alpha.
Sorry! Adventure time kami. At tsaka magpapalipat-lipat na daw kami ng destinasyon. We want it to be done earlier kasi.
BINABASA MO ANG
Conquerors of the New World ✓
Science FictionVRMMORPG | TAGLISH | Unedited A Sci-fi/Fantasy Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ The life of a gamer is perfectly ordinary. Eat, game, sleep and repeat. That's the life of Levina, the woman who never backs down, until one day, a mysterious ph...