CNW 6: Ogre

12.3K 661 59
                                    

“Remember what we discussed.” Muling paalala sa akin ni Red na ikinailing ko lamang.

“Yeah. That I should stay back and focus on low-level monsters or let me say, creeps, instead of the mid-level ones.” Nakairap kong sabi na ikinatango nito.

“And that you'll hide and wait for our signal.” Dustine added which I just nodded. Well… yeah. Whatever. Duh.

Bakit humantong sa ganito? Dahil babae ako.

“Look, princess. Alam kong masama ang loob mo samin dahil dito pero dapat mong maintindihan na para rin ito sayo.” Stanley said which I just nodded. Oo na. Sige na. Okay na.

Pero nang makita nya ang ekspresyon ko ay natawa ito. “Ngiti na.” Sabi nito at ginulo ang buhok ko. Nanlaki ang mata ko.

“Ya!” Sigaw ko at tinampal ang kamay nya. Natatawang lumayo ito sa akin.

I sighed. Ang totoo nyan ay gusto ko talagang lumaban, pero dahil nga ‘wala daw akong armas’ at ‘babae ako’ ay hayaan ko daw silang gawin iyon kaysa sa'kin. Psh, mga walang tiwala. Makikita nyo.

Actually, may armas naman ako. Tatlong daggers kung saan nagkasya ang natirang pera noong bumili ako ng boots. Sabi kasi nila'y kung wala daw akong armas ay mas pagtuunan ko ng pansin ang sapatos ko pantakas, which I find so… annoying.

“Tara na.” Dustine said.

With a last glance on me, nagsimula na silang maglakad palabas sa gate nitong town namin na nandito na at tinatawag nilang ‘Machina's protection’ dahil hindi ito mapasukan ng mga halimaw. Ngunit hindi parin dapat maging kampante dahil base sa rumors na kumakalat ay papalakas daw ng papalakas ang mga kalaban, at kung maaari ay huwag daw kaming lalayo masyado.

Iyon naman talaga ang plano namin. Dito-rito lang kami sa bandang ito dahil pandagdag pera lang naman ang kailangan namin ngayon para may maipambili kami ng pagkain para sa mamayang gabi, dahil ang totoo ay bukas pa talaga kami magsisimula sa pagpapalevel-up.

Sumunod na rin ako sa kanila at doon ko lamang naramdamang kumilos si Red, at nasa tabi nito si Kayne na masyadong alerto sa paligid. Sa magkabilang gilid naman ay si Weston at Marky, at oo, si Dustine at Stanley ang nangunguna. I sighed. Talagang pinalibutan nila 'ko, ah?

Habang naglalakad kami palayo sa ‘safe zone’ at unti-unting lumalakas ang kabog ng aking dibdib at biglaang nanlalamig ang aking katawan sa kaba. Siguro, sa kadahilanang ito ang realidad kung saan maaari kaming mamatay kung sakali, at dahil na rin unang pagkakataon ito. I don't know but I didn't even realize that I'm already shaking. Naramdaman ko lang nang may humawak sa aking balikat at pilit akong pinaharap sa kanya.

“Tate, hinga.” Red tried to annoy me— by calling me at my second name which I really hate, at the same time trying to calm my nerves which are already tense. “Walang magagawa ang kaba, okay? Like I always tell you, fight it or regret it later.” Sabi nito at ngumiti. Dahan-dahan akong ngumiti at tumango kahit ang pamamanhid ng katawan ko at ang mabilis na kabog ng aking dibdib ay nandon pa rin.

“Maybe she should rest.” Kayne suggested which they agreed.

Pinatago nila ako sa likod ng malaking bato at sa tabi noon ay may malaking puno. “Stay here, okay?” Sabi nito at ginulo ang aking buhok. Naiinis na tinampal ko iyon na ikinatawa nya lang. Grabe, grabe! Bakit ang hihilig nilang manggulo ng buhok?

Natatawang lumayo ito sa akin. Tumama ang paningin ko sa iba na nakatingin sa akin habang may pagbabala sa kanilang mga mata. Muli ay napairap ako. Oo na! Hindi na 'ko aalis dito.

Hindi nagtagal ay umalis ang mga ito papunta sa medyo kalayuan, hanggang naharangan na sila ng mga puno dito sa paligid. Ang totoo nyan ay nasa kagubatan kami, ngunit hindi naman sobrang dami ang puno. Bali ayos lang upang makagalaw kayong magkaka—

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon