CHAPTER 01

210 18 2
                                    

CHAPTER 01
THE GANG

Blaire's POV

Habang pinapaypay ang mga palad sa mukha ay napapalinga ako sa unahan at sa aking likuran kung paparating na ang iba naming hinihintay. Mag-aalas diyes pa lamang ng umaga pero sobrang init na tapos dagdagan pa nitong mga kasama kong daig pa ang pagong kung kumilos.

It's been a while since the gang hung out so we really pushed to continue this one. Napagod na kami sa puro drawing naming mga plano kaya tinotohanan na namin 'to. But with what's happening right now, those guys are turning this masterpiece painting into a scribbled drawing.

Kami ni Xyrille pa lamang ang naririto at ang apat na lalaki na yun ang hinihintay namin. Ito namang si Xyrille, paikot-ikot sa pwesto habang tinitignan ang relos. Pareho kaming mga atat na atat.

"Ugh, nasaan na ba sila?! Sobrang late na sila. If I only knew they'll be this late nakapagbihis pa sana ako ng maayos. Tignan mo kaya 'tong suot ko oh, para akong patay." Reklamo ni Xyrille. Ikot pa rin ito ng ikot sa pwesto at inilalahad ng kamay ang plain t-shirt at navy jaggers nitong suot with her pair of pink shoes. Wala rin itong make-up. Tama nga siya, hindi nga ito nakapagbihis ng maayos. Nasa ibang level ang taste ng babaeng 'to pagdating sa fashion. Kadalasan ay mga daring at lantad-katawan ang pinagsusuot nito kapag naglalakwatsa kami.

Napailing na lang ako,"Masyado ka kasing atat, ayan hindi ka tuloy nakapag-ayos. Tsaka tama na rin na yan ang sinuot mo dahil sa bundok ang lakad natin ngayon hindi sa mall. Umupo ka nga muna baka hindi ka na makaakyat, maha-high blood ka pa," sabi ko sa kaniya at pwersahan siyang pinaupo habang hawak ang dalawa niyang balikat. Alangan naman kasi na magcrop-top at heels siya habang naglalakad sa bundok.

Naisipan ng grupo na magcamp sa Mount Albanua. Our city is famous for its rich vegetation and magnificent landscapes especially Mount Albanua kaya tinawag itong Greenrise City. It is famous for that yet we've never done outings here in side the city, we always do it outside before. Ironic right? Maybe because naumay na rin kami sa pagmumukha ng siyudad na'to dahil we all grew up in this city.

"Nasaan na ba sila?! Urgh! Malilintikan talaga sila sa'kin kapag dumating na ang mga 'yon. 28 minutes na silang late. My gosh!" Reklamo niya ulit.

Wala akong magawa kundi sumang-ayon sa mga pinagsasabi niya. Ang init kaya rito sa labas, itong manipis na bubong lamang ng restaurant stall ang aming panangga sa araw. Hindi naman kami pwede pumasok sa loob dahil hindi kami bibili at marami pa kaming dala plus we've decided to meet here since malapit lang sa habal-habal station tong restaurant na ito.

Lumipas ang sampung minuto ngunit wala pa ring nagpapakita. Sobrang laki na ng mga naglalaglagang pawis namin dito. Grabe ang init!

"Hey there ladies. Kanina pa kayo diyan? Pinaghintay ba namin kayo?" Napalingon kami nang may magsalita sa likuran ko. Alam ko na kung sino ito kaya lumingon ako sa kanilang apat with a bakit-ngayon-lang-kayo glare.

"We'll take that beautiful glare as a yes." Sabi ni Clein, boyfriend ko, habang inilagay ang mga dala nila sa lamesa at akmang lalapit sa akin para yakapin ako.

"Mga lintik na pagong kayo! alam niyo bang magdamag kaming naghintay rito tapos itatanong mo pa yan?! Sobrang haggard na namin dito habang kayo oh-so-fresh pa! Daig niyo pa kaming mga babae sa sobrang bagal!" Asik ni Xyrille. Sinasabunutan na niya ang boyfriend niyang si Jedd habang dala-dala pa nito ang dalawang grocery bag at backpack. Walang habas din nitong pinaghahampas ang balikat ng walang kalaban-labang nobyo. Hindi naman nito magawang umilag dahil sinusundan pa rin siya ni Xyrille.

"Chill girls, chill. May binili lang ang mga pogi sa downtown. Bumili lang kami ng kakailanganin natin mamaya. Huwag niyong ipahalata na ganun kayo kadesperadong makita ang mga mukha namin." Pumagitna naman 'tong si Obet sa dalawa at nagpaliwanag with matching kahanginan. Kawawa si Jedd dahil namumula na ang balikat at hinihimas-himas na ito. Sadista talaga tong duwende na 'to.

Knock Knock [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon