CHAPTER 12

33 10 5
                                    

CHAPTER 12
FRIENDSHIP MATTERS

Blaire's POV

“Jedd! Please don't leave me! Jedd — Bitawan n'yo ko!”

Sigaw lang ng sigaw si Xyrille habang nagpupumilit na lapitan si Jedd na nasa loob ng body bag. Kahit na nakahawak sa kaniya sina Obet at Clein ay pilit pa rin siyang nagpupumiglas para lang makalapit kay Jedd.

Ang bigat ng pakiramdam ko, hirap na akong huminga, ang sikip na ng dibdib ko kakaiyak. Para akong sinasaksak ng milyu-milyong kutsilyo ng konsensya habang pinagmamasdan si Xyrille na nagwawala at humahagulgol. Pilit kong nililihis ang atensyon ko sa iba pero hindi kaya ng konsensya ko ang hindi siya damayan kaya lumapit ako sa kaniya at hinagkan mula sa likod.

“Tama na Xyrille, please. Alam kong ikaw ang may mas malaking rason na magwala pero nasasaktan rin kami na makita kang ganiyan, kaya tahan na please. Tahan na. Lahat tayo nabigla pero wala na tayong magagawa,” pagpapatahan ko sa kaniya gamit ang malumanay kong boses sa gitna ng bawat hikbi ko. Nakasubsob ang mukha ko sa likod niya kaya puno na ito ng luha.

I lied. Yes, I lied. Meron sana akong magagawa pero hindi ko pa rin ito ginawa. Nang dahil sa katarantaduhan ko ay nakagawa ako ng napakalaking kasalanan sa kanila. I should've told them everything! I should've done something because I am the one who has the power to change these.

Kumalas siya sa pagkakayakap ko at humarap sa akin. Mugtong-mugto na ang kaniyang mata at panay na lang ito sa paghikbi,

“Pero hindi kasi ganun kadali iyun Blaire. Ang sakit sakit sakit sakit dito,” sabi niya habang tinuturo ang kaniyang puso. “Hindi ko kayang tumigil kasi wala na akong ibang magagawa kundi ang umiyak... kasi ang sakit... napakasakit Blaire.”

Napayuko na lang ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Ramdam ko ang hinagpis ni Xyrille sa kaniyang boses.

“Pero hindi rin naman kayang buhayin ng mga luha natin si Jedd kaya huwag na nating sayangin ang pesteng luha na ito,” seryosong turan ni Obet habang nakatingala sa langit. Pilit rin niyang pinapatigil ang kaniyang mga luha para hindi ito magsilabasan.

“Fvck you! Alam kong hindi na natin kayang buhayin pa si Chad but he's worth my tears. He's worth crying for! to mourn for! May karapatan siyang iyakan dahil kaibigan niyo siya! Dahil mahal natin siya! Crying may be a sign that you're weak but it is also a sign that you love and care. Bawat butil ng luha ko ay para lamang sa kaniya! Bawat palahaw at sigaw ko ay para sa kaniya! Dahil mahal na mahal ko siya! Kaya kung pipigilan niyo rin ako sa pag-iyak, mas makakabuti pa kung hayaan niyo lang ako. I can't believe na tinatawag natin ang isa't-isa na 'friends',” sigaw niya sa amin.

Pumiyok na siya kakasigaw at halos pumutok na ang ugat niya sa leeg kakasigaw, bakat na bakat na ang kaniyang ugat sa leeg. Tuluyan na siyang nilamon ng kaniyang emosyon dahil hindi na niya inaalam ang sinasabi niya. Wala na siyang pakialam sa mga sinasabi niya. Wala na siya pakialam kung nakakasakit na siya. And I can't blame her if she acts like this.

“Mag-ingat ka sa pinagsasabi mo Xyrille!” Nagulat ako nang biglang sumigaw si Obet. His voice breaks and he finally cried, nakayuko na siya ngayon at kitang-kita ko ang butil ng mga luha na tumutulo mula sa mga mata niya.

“Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin ang mawalan ng matalik na kaibigan mula pagkabata! Napakasakit para sa akin na mawalan ng kaibigan na minsang nagligtas sa buhay ko! Kaya kung sasabihin mo sa aming wala kaming silbing mga kaibigan, nagkakamali ka, dahil ang pag-iyak niyong iyan... ay lalong magpapalala ng hinagpis niyo. Pilit kong pinapatag ang sarili ko at kayo dahil ayokong maging malungkot rin si Jedd. Pucha!”

Knock Knock [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon