CHAPTER 05

75 13 9
                                    


CHAPTER 05
PILE UP

Third person's POV

Nang mahimasmasan at makatulog si Blaire ay agad na tinawagan ni Hiro si Clein para papuntahin sa ospital.

Nagsinungaling siya kay Blaire sa sinabing pinuntahan ni Clein ang mga magulang niya, hindi niya alam kung nasa'n si Clein nang tanungin siya nito. Naramdaman niya lamang na kailangan niyang sabihin ito kahit labag sa damdamin niya.

Mahal niya sa Blaire, at alam niyang mahal rin siya nito pero hindi bilang kasintahan pero bilang kaibigan. Kahit binusted na siya ng dalaga noon ay hindi kailanman nawala ang nararamdaman niya sa dalaga.

Nag-alala si Hiro sa sitwasyon ng dalaga kaya naman bumalik siya sa ospital para bantayin si Blaire pero gayo'n na lang ang pagkagulantang niya ng makitang hindi na naman humihinga si Blaire. Tama, pangalawang beses nang nawalan ng hininga si Blaire. Unang nangyari ito sa lumang bahay pagkatapos atakihin ng babaeng nakaitim. Tila nawalan talaga ng buhay ang dalaga dahil sa nanlalamig na ito at hindi na humihinga. Pangalawa ay 'yon nang naabutan ni Hiro. Mabuti na lang at naagapan agad ng mga doktor ang dalaga at nagising agad.

Nakaupo lamang si Hiro sa tabi ni Blaire habang tinatawagan si Clein. Ilang beses na niyang tinawagan si Clein gamit ang phone niya pero hindi niya ito sinagot kaya naman kinuha niya ang kay Blaire, na saktong walang password, at tinawagan si Clein gamit ito.

Naghintay siya na sagutin ni Clein ang tawag. Hindi naman ito nagtagal at sinagot rin ito ng kabila.

"Hello, Blaire? Papunta na 'ko riyan. Pase-" Bungad ni Clein sa kabilang linya pero agad na pinutol ng nagpupuyos sa galit na si Hiro.

"Clein, anong klase kang boyfriend, ha!? Hindi mo man lang binantayan si Blaire dito! You're such an idiot!" Agad niyang inilabas ang kanyang saloobin. Galit siya kay Clein dahil pinabayaan niya si Blaire. Namumuyos na siya sa galit pero pilit niyang pinipigilan ang sarili. Inirereserba niya ito para mamaya- para kay Cole.

"Hiro? Bakit hawak mo cellphone ni Blaire? Tsaka anong pinagsasabi mo? May kinuha lang naman ako saglit," paliwanag ni Clein.

Kasalukuyang bumibiyahe si Clein sa kotse ni Xyrille kasama ang iba pang kaibigan. Pati ang iba ay nagulat sa inasta ni Hiro.

"Saglit? What the hell, man. Ilang oras ba 'yang saglit mo?" pabalang na sagot ni Hiro.

"Hey, hey. Mag-ingat ka sa pinagsasabi mo. You don't know what I'm doing. Tsaka, bakit ka nagagalit? Wala naman akong ginawa. I was just about to g-"

"That's the point! You didn't do anything! Yes, I didn't knew anything but hindi mo rin naman alam ang nangyari kay Blaire, 'di ba?" Pinutol niya ang pagsasalita ni Clein at lalong sumiklab ang galit nito sa kanya.

"Ano bang na-"

"She died... again! But don't worry, she's okay now. Nabuhay naman siya... ulit. Kaya huwag ka nang mag-alala," Sarkastikong turan ni Hiro sa kanya at binaba ang tawag.

×××××××


Kompleto na ang lahat, silang limang magkakaibigan at ang mga magulang ni Blaire. Gusto ni Hiro na suntukin si Clein sa pagmumukha pero pinipigilan lang niya ang sarili. Kaibigan niya pa rin ito at hindi siya dapat magpadala sa kaniyang galit.

Tahimik silang lahat, nagbabaka sakaling gumising si Blaire. Lahat sila nababahala dahil nangyari na naman ang pinakakinatatakutan nila. Baka katulad ng dati ay mga ilang araw na naman itong matutulog.

Knock Knock [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon