CHAPTER 16
DOWNHILL
Third person's POV
Kahit pilit pa niyang itago, kitang-kita pa rin sa kilos ni Clein ang pagkabalisa at pangangamba, hindi na siya makapag-isip ng maayos ni hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Sinubukan lamang niyang magmukhang matatag sa harap ni Blaire para hindi ito mahawaan ng kaniyang pangangamba at nagtagumpay siya ro'n. Nakaya niyang pakalmahin at patatagin ang kaniyang sinisintang si Blaire. Pero hindi maalis sa kaniyang isipan ang nakikitang pagbabago sa mga kilos nito, hindi siya manhid para hindi maramdaman ang tila pumapaklang pakikitungo ng dalaga sa kaniya. Hindi niya lubos maipaliwanag pero alam niyang unti-unting nagbabago ang nararamdaman ng dalaga sa kaniya, at hindi iyon maganda.
Kitang-kitang niya kanina kung paano makatingin si Blaire kay Hiro, pati rin ang kilos ng dalaga tungo kay Hiro ay nag-iba, kaya naman noong nawalan ng balanse si Blaire at nasalo siya ni Hiro ay agad na nag-iba ang kaniyang ekspresyon. Ayaw niyang paghinalaan ng masama si Hiro pero hindi siya tanga para ipagsawalang-bahala iyon. Mahal niya si Blaire, at alam niyang mahal rin siya ng dalaga.
Kasalukuyan silang naghahanap nina Obet sa unang palapag ng bahay, lahat ng pwedeng pagtaguan o puntahan ni Xyrille ay hinalungkat na nila. Pinapunta rin niya si Hiro sa bahay nila Jedd, nagbabaka-sakaling nandoon lamang si Xyrille. Sinadya niya talagang si Hiro ang pinapunta para kahit papaano ay mawala ang kaniyang galit sa kaibigan.
"Nasaan ka na ba Xyrille?!" Tugon niya sa kaniyang isipan.
Sumagi sa kaniyang isipan si Blaire kaya iniwan niya si Obet sa baba at pinuntahan si Blaire sa pangalawang palapag ng bahay. Ngunit sa pagtuntong niya sa pangalawang palapag ay kitang-kita niya kung paano bumukas ng dahan-dahan ang maliit na compartment na nagsisilbing pinto patungo sa attic ng bahay.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya, pinapatatag niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng malalalim na hininga at sa pag-iisip na wala lang lahat ng ito kahit alam niyang meron talagang nangyayari sa kanila. Humakbang siya papalapit sa ngayo'y nakabukas na compartment, taliwas sa direksyon ng kwarto kung saan nagpapahinga si Blaire.
Tumingala siya sa madilim na laman ng attic, malaki ang posibilidad na may kung anuman ro'n kaya palinga-linga siya sa paligid para maghanap ng pwedeng matuntungan at labis ang kaniyang pagkagalak ng makita ang maliit na drawer. Kinuha niya agad ito at tumuntong sa drawer, ngayo'y nakikita na niya ang kabuuang kadiliman ng attic. Wala siyang makita kundi purong kadiliman.Kinapa-kapa niya ang kaniyang bulsa para kunin ang kaniyang cellphone. Pero laking pagkadismaya niya nang maalalang naibigay niya kay Blaire ang kaniyang cellphone, agad siyang bumaba para puntahan si Blaire pero bago pa man siya makatakbo ay siya naman ang pagdating ni Obet galing sa baba.
"Gimme your phone," utos niya kay Obet.
Kahit nalilito ay agad din namang ibinigay ni Obet ang kaniyang cellphone. Bumalik si Clein at pumatong sa drawer. Gamit ang flashlight ng cellphone, pinailawan niya ang attic at dahan-dahang inilibot ang paningin sa loob ng attic.
"Anong nandiyan? May tao? Cole? Cole!?"
Sunod-sunod ang mga tanong ni Obet kay Clein pero napansin niyang hindi siya nito pinapansin. Hindi naman niya masyadong maaninag ang mukha ni Clein dahil nasa kabilang direksyon ang ilaw at hindi sa kaniyang mukha.
"Clein?" Tanong niya ulit.
"Shit! Shit! Shit! Xyrille! No!"
Nagulat si Obet nang biglang nagsisisigaw si Cole at biglang umakyat at pumasok sa attic. Agad din naman siyang pumatong sa drawer at siya naman ang nakadungaw sa loob.
BINABASA MO ANG
Knock Knock [Completed]
Terror•COMPLETED• We broke in, we saw it. It followed us, it dwells near us. It wants something. I saw them before, and they were gone after. It followed us, it wants us. It wants more. You hear the knocks? It's here and it's coming for you! ~~~~~ Cover b...