CHAPTER 20

32 2 0
                                    

CHAPTER 20
LAST KNOCK



Thirds Person's POV

Kahit hinihingal ay patuloy pa rin sa pagtakbo pababa sa paikot na hagdan sina Blaire, Clein at Obet. Hindi na inaalintana ang pagod at sakit nararamdaman makalayo lamang kay Hiro na kasalukuyang humahabol sa kanila.

Nauunang tumatakbo pababa si Clein na hawak-hawak ang kamay ni Blaire at sumusunod naman si Obet na kahit paika-ika ay hindi pa rin tumitigil. Lahat sila natatakot at gustong lumayo kay Hiro. Ngayong alam na nila ang totoo, wala na silang ibang magagawa sa ngayon kundi ang tumakbo at magtago. Hindi pa nila alam ang gagawin, kung papaano matatapos ang lahat ng nangyayari.

"Sa'n tayo pupunta ngayon, Clein?" Kahit hinihingal ay kinaya pa rin ni Blaire ang magtanong. Napapatingin pa siya sa taas at sa kanilang likod, nangangamba na baka malapit na silang maabutan ni Hiro.

"Sa parking lot. My father let me borrow his car. Let's head up there and we'll call for help later," seryosong sagot ni Clein. Ni hindi na niya tinitignan si Blaire, nakatuon lamang ang kaniyang atensyon sa hagdan pababa.

"Bakit nagawa ni Hiro 'to? Bakit niya tayo trinaydor?" wala sa sariling tugon ni Obet. Habang tumatakbo ay napatingin sa kaniya si Blaire. Kahit si Blaire ay wala ring maisip na dahilan kung bakit.

"To love him back..." seryosong turan ni Clein. Nagulat at nalito ang dalawa pa niyang kasamahan dahil sa sinabi niya. "He wants you, Blaire, to love him back. He wants you to give up on me and I think his wish is coming to reality."

Napako ang tingin ni Blaire sa kasintahan. Nalilito sa sinabi nito. "A-Anong ibig mong sabihin, Clein?"

"Maybe he wished to have Blaire love him back. Kita ko sa mga mata mo ang pag-iiba ng trato mo sa 'kin. At kitang-kita ko kung paano nag-iiba ang tingin mo kay Hiro. Hiro loves you and he did everything to get you. Pero hindi ko siya papayagan sa gusto niya."

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang pumatak ang mga luhang kanina pa pinipigilan ang lahat. Kaya pala pakiramdam niya ay lumalayo na sa kaniya si Clein ay dahil pala ito sa hiling ni Hiro. Kaya pala sa tuwing nagtatama ang mga mata nilang dalawa ay hindi na niya nararamdaman ang pagmamahal nito.

Napailing si Blaire, "I won't let that happen. I won't let Hiro took over me," paninigurado niya sa kasintahan.

"Fvck! Fvck! Fvck!" napatigil sila sa pagtatakbo nang marinig nila si Obet na nagmumura sa kanilang likuran. Natisod siya sa baitang ng hagdan at bumagsak.

Agad nila itong nilapitan ng bigla silang nakarinig ng sigaw mula sa isang pamilyar na boses galing sa taas.

"'Wag na kayong mag-atubiling tumakbo at magtago! Wala ring silbi iyan!" Narinig naming sumigaw si Hiro mula sa taas.

Ibang-iba na si Hiro. Hindi na ito ang tahimik na Hiro na nakilala nila. Tila nilamon na ng kasakiman ang taong trinato nilang pamilya.

"'Di ko gustong sabihin to pero... mauna na kayo! Tumawag kayo ng tulong please! I'll hide, promise! Sige na! Iwan niyo na ako dito! Malapit na tayo sa parking lot!" pikit-matang sigaw ni Obet. Kahit labag sa kalooban, kahit alam niyang ikamamatay niya ito, kailangan niyang gawin ito. Ayaw niyang maging pabigat sa kanila kaya hahayaan na lang niyan maiwan siya rito.

"Per-"

"Pucha! Umalis na kayo bago pa magbago ang isip ko! Alis!"

"Babalikan ka namin pangako iyan. Sorry" huling tugon ni Blaire kay Obet saka umalis. Wala ng nagawa ang dalawa at iniwan ang walang kalaban-laban na si Obet. Labag man sa kalooban, wala na silang magagawa kundi sundin ang gusto nito. Pero gagawin nila ang lahat mabalikan at matulungan lang ang kaibigan.

Knock Knock [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon