CHAPTER 07

78 13 2
                                    


CHAPTER 07
DOUBLE DEAD


Blaire's POV

Nakatitig lamang sa akin ang lalakeng may malaking gilit sa leeg samantalang abot-langit na ang takot at kilabot na nadarama ko dahil sa hitsura niya. Nanatili lamang siyang nakatayo sa harapan ko, nakangisi ng napakalapad. Naluluha na ako pero hindi humihikbi, dahil na rin sa siguro sa gulat.

Bigla itong naglakad paabante at kasabay nito ang pag-agos ng mapupula at malalapot na dugo sa kanyang laslas at sa kanyang bibig. His head tilted and swayed as he took a step towards me, mas lumalaki ang gilit sa kaniyang leeg at naririnig ko ang pagkapunit ng kaniyang balat. Walang humpay ang pag-agos ng dugo sa kaniyang katawan at gano'n na rin ang pag-agos ng luha ko, wala na akong ibang nagawa kundi titigan ang lalake habang papalapit na sa 'kin. This can't be happening, please stop this!

Sa sobrang takot, pinikit ko ang aking mga mata at paulit-ulit na binubulong sa sarili na mawawala rin siya, maglalaho lang din siya tulad ng babaeng nakaitim. Niyakap ko ang aking tuhod at isinubsob ang aking mukha rito.

"This is just one sick nightmare. This is just one sick nightmare. This is just one sick nightmare," paulit-ulit kong bulong habang nakasubsob ang mukha sa tuhod kong hanggang ngayon ay walang humpay sa panginginig.

Naramdaman kong napakalapit na niya sa 'kin dahil may nakadikit na sa paanan ko, mas bumilis ang tibok ng puso, humigpit ang hawak ko sa aking tuhod.

"Please begone, please begone. Umalis ka!" Sumigaw na ako sa puntong ito. Iling ako ng iling habang sinisigaw ang mga salitang pilit kong ginagamit para palayasin ang lalakeng nasa harapan ko.

Napatili ako nang hinawakan niya ako sa balikat. Ramdam ko ang malamig niyang kamay, ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng matinding hilakbot sa oras na hinawakan niya ako. Napatakbo ako patungo sa labas, dumako ako sa pintuan palabas pero nakalock ito, nakailang pihit na ako sa siradura pero hindi ko mabuksan. Open up! Open up!

Tumalikod ako sa pintuan at sumandal rito, nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang lalake na kakalabas pa lang ng cubicle. Naglakad ito papalapit sa 'kin, nakahilig pa rin ang kaniyang ulo at tila ba parang sumasabay sa bawat paghakbang niya. Napuno na ng dugo ang sahig dahil walang tigil na dumadanak ito mula sa kaniyang malaking gilit.

"Lubayan mo na ako! Go away! Please tigilan niyo na ako! Ayoko na!" Pagsisisigaw ko sa gitna ng aking paghikbi. Tuluyan ng lumabas ang mga hikbing pilit kong pinipigilan. Nanlulumong napaupo ako sa malamig na sahig, tumingin ako sa kaniya, naroroon pa rin ang nakakatakot na ngisi niya.

Bakit ko ba nararanasan ang mga ito? Wala naman akong third eye pero bakit ko nakikita ang mga kahindik-hindik nilang presensya? Alam kong hindi na ako masyadong nakakasimba, alam kong marami akong mga kasalanan at kabulastugang ginawa but I don't deserve this!

Tumalikod ako sa kaniya at humarap sa pintuan, ayoko nang makita siya!

Iyak lang ako ng iyak habang nakaupo, para akong kawawang batang inaaway ng mga bully sa school, para akong taong pinagkaitan ng kasiyahan at pinagkalooban ng matinding kamalasan sa buhay.

"Ayoko na please, suko na ako!" Napapitlag ako sa pwesto at tili ng tili ng may humawak na namang kamay mula sa lukiran ko. This is the third time I've felt hell ever since that happened on that old house.

Gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng magpahinga. Paulit-ulit na lang ang mga nangyayari! Sana kainin na lang ako ng lupa, sana kidlatan na lang ako para matapos na ito!

"Ayoko na!" Sigaw ko ulit.

"Blaire! Calm down! What's happening to you!? Blaire!" Agad akong napalingon sa likuran ko nang si Xyrille ang narinig kong nagsalita. Tinignan ko ang paligid at laking-gulat nang wala na ang dugong nagkalat sa sahig, at nang wala na rin ang lalakeng kanina ko pa tinatakasan. Umangat ang tingin ko kay Xyrille at kitang kita ko sa kaniyang mukha ang pagkalito.

Knock Knock [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon