CHAPTER 06

73 13 3
                                    

CHAPTER 06
DOUBLE DATE


Blaire's POV

Habang nakahiga sa aking higaan ay nakakatitig lamang ako sa asul na kisame ng aking kwarto. It's been two days nang i-discharge ako and it's already two days na hindi ako lumalabas ng bahay. Ewan ko ba kung bakit? Parang natrauma ako noong ninakawan ako and I don't want to think what happened after. Muntik na akong mawala sa katinuan noong nagpakita ang babae sa akin. Iniisip ko pa lang siya nananayo na balahibo ko.

"Hindi mo ba gusto na nandito ako?"

Hiro. Ever since that happened at the hospital, I can't stop thinking about him. I don't know why. It's strange.

Magtatatlong-araw na ako rito pero wala pa talaga akong kaalam-alam sa totoong nangyari. Tapos 'yong sinabi ni Obet na namatay na raw ako, I know they're hiding something from me and it's not fair. I told them everything I saw, mula sa babaeng nakaitim do'n sa abandonadong bahay hanggang sa nangyari sa ospital two days ago. And what disappoints me is that they didn't even believe me! Ni katiting na tiwala sa aking mga sinasabi, wala talaga. They said its just side effects ng mga gamot. Meron bang side-effect na gano'n? I know it's real, I knew it was real.

Havana oh na na, half of my heart is in havana oh na na,
He took me back to east atlanta na na na

Napalingon ako sa bedside table ko. Someone's calling but I didn't answer it. Wala pa akong ganang gumawa ng kahit na ano ngayon, I just wanna rest like what sleeping beauty did.

Nakailang beses ring naulit ang pagtawag pero hindi ko ito sinagot ni isa. My mind's still sober by everything kaya tumingala na naman ako sa kisame. Makatulog na nga ulit.

♪ Havana oh na na, half of my heart is in havana oh na na,
He took me back to east atlanta na na na ♪

Wala pang sampung segundong nakapikit ang mga mata ko ay bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Nagsimula na 'kong mainis kaya naman kinuha ko ang cellphone ko nang nakapikit kaya naabutan ito ng ilang segundo para makuha.

Ilang kapa rin ang ginawa ko at sa wakas ay nahawakan ko ito at agad ding sinagot nang nakapikit pa rin ang mata.

"Hello?" Bungad ko sa kabilang linya.

"BLAAIIIRE!"

Napangiwi ako sa sakit at gulat. Bahagya akong nabingi sa lakas ng sigaw ni Xyrille. Anong kailangan nito sa 'kin? I know when she needs something, she'll shout at me like that.

"XYRIIIIIILLE!" Panggagaya ko sa sigaw niya, "Anong kailangan mo? Bakit ka napatawag? Wala akong pera! Wala akong pambayad! Bukas na lang! Sa makalawa!" Para akong baliw, sinisigawan ko si Xyrille habang nakangiti. I miss her already, It has been just, like, one day na hindi ko siya nakikita kaya sobrang miss ko na siya.

"Hoy, tanga, paano naman ako makakasagot kung rarakrakin mo ako ng tanong diyan! Atsaka pambayad? You're so baliw, alam mo iyon?" Natawa ako kay Xyrille, kapwa na kami nagsisigawan sa isa't-isa. Tama nga naman siya, paano siya sasagot kung bubungad ako sa kaniya gaya no'n? Natawa na lang ako sa pinaggagawa ko.

"Okay, ano ba kasing kailangan mo Xy?" Tanong ko na lang sa kaniya. Inayos ko ang sarili ko at umupo sa gilid ng kama.

"Please do me a favor,please. I need you." Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong nagpapabebe na ito at nagpapacute. Well, Xyrille as Xyrille herself.

"Ano ba yang favor na 'yan? Kung papatamblingin mo ako ng nakaheels, 'wag na. Kung manghihiram ka ng pera, 'wag ako. I'm broke," biro ko sa kanya. Narinig ko namang tila humalakhak siya sa kabila. "Tawang-tawa ka diyan?"

Knock Knock [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon