CHAPTER 15

36 7 19
                                    

CHAPTER 15
CONFUSIONS AND SORROWS


Blaire's POV

As I entered Xyrille's room, agad akong napatakip sa aking bibig ng sumambulat sa amin ang magulong kwarto ni Xyrille. Parang dinanaan ng malakas na bagyo ang kwarto niya - nagkalat ang mga damit niya sa buong kwarto, maraming mga bubog ng salamin ng mga picture frame at flower vase ang nagkalat sa sahig at natumba rin ang kaniyang kabinet. It's such a mess. Unang pumasok ang mga lalake at naghanap-hanap ng pwedeng makatulong sa amin.

Nag-aalala na talaga ako para kay Xyrille. I hate to say this but I can tell that she's next, after what I've experienced, masasabi kong siya na ang susunod at iyon ang labis na ikinatatakot ko ngayon. What if she's dead right now! No! Blaire what are you thinking!? Erase erase erase. Xyrille's not dead and she's not gonna die at nakakasigurado ako nito. No one's dying right now.

"Shit bloodstains! Bakit may dugo rito!? Don't tell me she's dead! Shit! What is happening here!? Shit!"

Biglang sumigaw si Obet at di mapakali. Sapo niya ang kaniyang ulo habang nakatingin sa sahig.

Ang bigat ng hininga niya at parang nahihirapan na siyang huminga. Agad namin siyang nilapitan at inalalayan.

"A-Ano ang nangyayari?" Tanong niya sa amin. Nanginginig ang paa at katawan niya kaya pinaupo namin siya sa sahig na walang bubog.

Kahit masakit sa paa, sinubukan kong umupo sa harapan niya at hinawakan ang magkabilang pisngi para humarap sa akin.

"Hey Robert! Get yourself together! Hindi patay si Xyrille, and she will not going to be one. She's alive. We just need to act fast and search harder," pagpapalakas ko ng loob sa kaniya.

Tinapik ko pa ang pisngi niya dahil nahuhuli ko siyang tutulala at hindi makatingin ng diretso sa akin.

"Obet makinig ka sa 'kin. You need to calm down para mahanap natin si Xyrille, so man up! Get up! And tulungan mo kami."

Nakatingin na ngayon sa akin si Obet at tumango-tango, dahan-dahan siyang tumayo kaya napangiti na lang ako. Nang makatayo na siya ay inalalayan niya akong makatayo pero biglang kumirot ang tuhod ko kaya nawalan ako ng balanse at muntik ng mahulog sa sahig na puno ng bubog. Mabuti na lang at may nakasalo sa akin, tinignan ko kung sino ito at bumalot na naman sa sistema ko ang hindi maipaliwanag na pakiramdam. What's happening to me?

"Be careful," tipid niyang sambit sa akin at ngumiti. Agad akong kumalas sa mga bisig niya at inalis ang mga bubog sa sahig at umupo rito.

"O-Okay lang ako Hiro, don't worry about me," utal kung tugon sa kanya.

My heart's gonna explode! I can't explain this feeling! I only experienced this sa isang tao at hindi sa kaniya ito. What is happening to me?

"Are you su-" Hindi na nakapagsalita si Hiro ng biglang sumingit si Clein at hinawakan ang tuhod ko, napangiwi na lang ako ng kumirot ito nang hawakan niya ito.

"You should rest. Kami na lang muna ang maghahanap ni Xyrille, dito ka lang muna sa loob kasama si Obet para makapagpahinga ka. You're injured at hindi pwedeng lumala iyan. Just stay here, okay?" Maotoridad niyang sambit sa akin pero hindi ko ito susundin. I need to help them, kailangan ko ring maghanap dahil hindi kakayanin ng konsensya ko kung may mangyari sa kaniyang masama.

"No, I can't do that. Hindi ako tutunganga rito at hintayin na lang kayo. Just let me help you find Xyrille. Wala na tayong oras, kailangan na nating magmadali," sabi ko at sinubukang tumayo pero palpak rin dahil kumirot na naman ang tuhod ko. Please, Not now!

"See? Blaire, I insist. I say you stay here and rest," kalma ngunit may otoridad sa tono ng boses ni Clein. Gusto kung sabunutin ang sarili dahil sa kalampahan. Bakit ngayon pa? Xyrille needs me!

Knock Knock [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon