CHAPTER 03

102 14 7
                                    

CHAPTER 03
LADY IN BLACK


Blaire's POV

Napako ako sa kinalalagyan ko ngayon. Tumindig lahat ng balahibo ko nang mapagtantong hindi ako namamalikmata. Hindi ito imahinasyon. Ang kaninang pigurang kahindik-hindik ay nag-iba at naging mukha ng isang matandang babae na nakasuot ng itim na damit. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at nagsibagsakan na ito sa pisngi ko. Naninikip na ang dibdib ko dahil sa kaba at silakbot.

"Blaire okay ka lang? Why're you crying all of a sudden?" Hindi ko magawang tumingin kay Clein dahil sa salamin lang ako nakatitig. Gusto kong sumigaw, gusto kong tumakbo pero parang 'di ko na kontrolado ang sarili kong katawan. Para akong sinemento, buong katawan ko sinemento ng takot at kaba. I can't control myself.

"B-Blaire? D-Don't make that face parang awa mo na. K-Kamukha mo na ang lalake ngayon, sige ka." Naangat ng saglit ang katawan ko sa gulat nang dahil sa sinabi ni Obet.

That guy's face...

The fear and despair on that guy's face...

Is it the same to what's etched on my face right now?

Ito rin ba ang nangyari sa lalake kanina? Ang babaeng 'to ba ang naglagay sa kanya sa gano'ng sitwasyon? Magiging katulad din ba ako sa kanya?

Impit akong umiling habang lumalagaslas ang mga luha ko. Ayokong humantong sa gano'ng sitwasyon!

"Hey, bakit ka umiiyak? Are you hurt?" Humarap sa'kin si Clein at hinawakan ang magkabila kong kamay. Tinignan niya 'ko sa mga mata at ganon rin ako sa kanya. I thought I can muster all the strength I have if I can only look at his eyes. But I was mistaken. It's still the same. The fear engulfing my body didn't even flinched a bit.

"I think we should leave." Narinig kong sabi ni Hiro at nagsitanguan naman silang lahat maliban sa'kin.

"A-Anong meron sa salamin, Blaire? K-Kanina ka pa nakatitig sa salamin, eh," usisa ni Obet sa'kin.

Lahat sila nagsilingunan sa salamin pero parang wala silang nakikita. Anong meron?! Bakit ako lang ang nakakakita sa kanya?! Bakit sa akin lang nakatuon ang kahindik-hindik niyang mga mata?!

"Let's go, Blaire." mahinang saad ni Clein at sinubukan akong palakarin. Sinubukan niya akong hilahin pero 'di pa rin ako umaalis sa pwesto.

Dahan-dahan kong itinaas ang nanginginig kong kaliwang kamay sa direksyon ng salamin. Hindi pa rin nawawala ang babae sa loob nito at hindi na rin ako natigil sa paghikbi. Gusto ko silang sabihan pero hindi ko mapigilan ang nanginginig kong bibig. Hindi ko ito makontrol.

"Anong meron?! May nakikita ka ba?! Please stop creeping us out!" Nababahalang tanong sa'kin ni Xyrille.

Nanlumo ako at walang lakas na bumagsak sa sahig. Nakatingin pa rin ako sa salamin. Nakita kong mas lumapad ang ngiti nito na halos umabot na sa tenga niya.

"We should really have to go. Tara na guys. Umalis na tayo rito," saad ni Clein.

Inalalayan akong tumayo ni Clein at pati na rin sa paglalakad pero hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa salamin. I can't move my legs but Clein's doing his best just to get me out of this place. I'm so pathetic. To think that I can't control my own body right now makes me loathe myself.

"Clein, faster!" Narinig ko si Hiro na sumigaw. Nasa labas na sila at parang kami na lang ni Clein ang nasa loob.

"Get your ass up, Blaire." Narinig ko ang boses ni Hiro sa gilid ko. Tinutulungan niya si Clein na buhatin ako.

Knock Knock [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon