CHAPTER 02

121 15 4
                                    

CHAPTER 02
HOME CREEPY HOME


Blaire's POV

Isang malaki at giba-gibang abandonadong bahay, yan ang kaharap namin ngayon. Medyo may kalumaan na rin kaya nagmistulang haunted ang hitsura nito. Kung susuriin ang disenyo ng bahay ay kagaya ito nang mga bahay sa Vigan na gawa sa bato, kitang-kita ang bahid ng mga espanyol sa structure nito. Linibot na nila ang paligid at imposible raw na makalabas ang lalake mula sa loob. Sarado lahat ng bintana maliban sa isa na siyang pinasukan ng magnanakaw na nasa ikalawang palapag. May mga plywood din itong harang kaya mahirap buksan.

"Sigurado ba kayo na hindi siya makakalabas diyan?" Paninigurado kong tanong sa kanila. Nakaakbay ako kay Clein para makatayo pa rin ako kahit papaano.

"We're pretty sure na hindi siya makakalabas diyan. Wala kaming makitang ibang daanan maliban sa bintanang pinasukan niya," sagot ni Jedd sa tanong ko habang nakapamaywang at tinitignan nito ang harapan ng bahay.

"Kung hayaan na lang kaya natin 'yon. Baka kailangan niya rin ng pera." Suhestiyon ni Obet na agad ko ring tinutulan. All my important stuffs are in there. Lagot ako kapag hindi ko makuha iyon.

I tried to walk by my own at nagagawa ko naman pero paika-ika nga lang. Medyo masakit pa siya pero tiniis ko kaya nagawa kong makapunta sa tapat ng pinto.

"Hoy! lumabas kang magnanakaw ka! Ibigay mo yan sa'kin kung ayaw mong magsumbong kami sa police!" Kinakatok at hinahampas ko na ang pinto habang sumisigaw. Wala na akong pakialam kung maingay ako.

Naramdaman ko namang may humawak sa aking kamay pero iwinaksi ko ito. Patuloy lang ako sa pagkalampag sa pinto. Ganito na ako kadesperadang makuha ang bag ko.

"Blaire, itigil mo na ang pagkatok at pagkalampag mo diyan sa pinto baka maengkanto pa tayo dito," mahinang sigaw ni Obet sa likuran ko pero hindi ko 'to pinansin at nagpatuloy lang sa pagkatok.

"Blaire, stop! Sinasaktan mo lang ang sarili mo," kalmang sambit ni Clein at hinawakan ang aking kanang kamay na ngayon ko lang napansin na namumula na pala.

"Blaire, Clein's right. Bahala na si God sa kanya. Tsaka naiwan kaya ang gamit natin doon sa terminal." Lumapit sa akin si Xyrille at tinapik ang kaliwang balikat ko. Napailing ako. I'm doomed with this if I won't get that bag.

Tinulungan ako ni Clein upang makatayo ng maayos at umakbay sa kanya. Tumalikod kami sa pinto at dahan-dahang bumaba sa hagdang may tatlong hakbang.

"Guys, maybe we should try-"
Hindi na natapos ni Hiro ang sasabihin ng may narinig kaming kalansing ng bakal sa loob ng bahay. Base sa ingay, malayo-layo ito pero nasa harap lang ng pintong ito.

Napaatras ako, baka biglang lumabas ang snatcher at hatawin ako ng tubo sa ulo. Pero dahil din sa tunog na 'yon ay bumalik ang kagustuhan kong makuha ang bag kaya dali-dali akong naglakad at tiniis ang sakit. Kinalampag ko na naman ang pinto sabay pihit ng doorknob na sobrang tibay pa rin kahit kinakalawang na.

"Ibigay mo na lang sa'min yan please! Promise we won't sue you. Just give me my bag and I'll even give you money!" Pakiusap ko sa snatcher. Money is the reason why he did that, right? Then, I would give him money just to get my bag.

"Lumabas ka na diyan plea-" napatigil ako sa pagkakalampag nang may naririnig akong boses mula sa loob. It's so faint but I can still hear it. Inilapit ko ang aking tenga sa pinto at pumikit.

Knock Knock [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon