CHAPTER 14
XYRILLEBlaire's POV
Habang dumuduyan sa swing sa loob ng isang playground sa subdivision ay nakangiting pinapanood ko ang ibang batang masayang naglalaro ng habul-habolan. Lahat sila masaya, lahat sila nakangiti, hindi alintana ang dumi at pawis sa kanilang katawan. Ang saya-saya nila tingnan, ano kaya ang pakiramdam nang may kalaro?
Nasanay na ako sa ganito, iyong nag-iisa at pinapanood lang ang ibang batang naglalaro. Hindi ako palaimik, masyado akong tahimik. Iyan siguro ang dahilan kung bakit walang batang nakikipaglaro sa tulad ko. Gustuhin ko man maglaro ay pinapangibawan pa rin ako ng hiya, masyado akong mahiyain. Meron namang lumalapit sa akin pero ako na mismo ang lumalayo. I am weird. Iyan ang tingin ko sa sarili at pati na rin siguro ang ibang bata sa akin. Weirdo.
"Taympers muna! Pahinga muna ako! Pinagkakaisahan niyo lang naman ako eh!" Sabi no'ng isang bata.
Papalapit ito sa akin kaya hindi ako mapakali kaya inilihis ko ang paningin ko sa kabilang direksyon para isipin niyang hindi ko siya nakitang papunta rito.Mag-isa lang akong nakaupo sa mesang pang-apat na tao habang kumakain ng tuna sandwich na ginawa ni Mommy para sa akin.
"Hoy girl-Terrence!" Narinig ko ang siwang ng swing na katabi ko lamang, senyales na doon siya umupo at kinakausap ako pero hindi ko siya pinansin.
"Hoy babaeng Terrence hindi mo ba ako kakausapin? Kundi ikikiss kita." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad akong lumingon sa kaniya at tinignan siya ng nakasingkit ang mga mata at salubong ang mga kilay.
"A-Ano ang sinabi mo?" Sabi ko sa kaniya ng may malalim na boses, sinadya ko talagang palalimin ang boses ko para masindak siya.
"Sabi ko ikikiss kita!" Sabi niya at biglang tumayo at lumapit sa akin. Ikinurba pa niya ang kaniyang mga labi na para bang ikikiss niya ako. Napangiwi na lang ako at agad na binigyan siya ng malutong na sampal.
"Aray! Bakit mo ginawa iyon!? Waaaaah! Sinampal niya ako!" biglang umiyak ang bata at paupong bumagsak sa damuhan haplos-haplos ang kaniyang kaliwang pisngi kung saan ko siya sinampal.
BINABASA MO ANG
Knock Knock [Completed]
Horror•COMPLETED• We broke in, we saw it. It followed us, it dwells near us. It wants something. I saw them before, and they were gone after. It followed us, it wants us. It wants more. You hear the knocks? It's here and it's coming for you! ~~~~~ Cover b...