CHAPTER 18

30 2 0
                                    

CHAPTER 18
ANSWERS

Third person's POV

Malamig na hangin ang sumambulat nina Clein at Hiro nang marating nila ang rooftop ng hospital. Agad na dinala ni Clein si Hiro dito nang makita ang ginawa nito kay Blaire. Halos magdilim ang paningin ang paningin niya nang makita ang katraydorang ginawa ni Hiro.

"Ano ba-"

Magsasalita pa lang sana si Hiro nang sunggaban siya ng suntok ni Clein. Bagsak siya sa sahig habang putok ang gilid ng labi nito. Hindi na siya nakapagtimpi pa. Ilang beses nang ginawa ni Hiro ang bagay na ikinagagalit niya pero patuloy pa rin itong ginagawa ni Hiro.

Nilapitan niya si Hiro at pwersahang pinatayo at kinwelyuhan, "Gago ka ba, talaga!? Ilang beses na kitang sinabihan, ilang beses ko nang pinalampas iyang kagaguhan mo pero hindi ka pa rin tumitigil!" Sigaw niya at sinuntok niya muli si Hiro pero ngayon ay sa sikmura na ito tumama.

Bumagsak ulit si Hiro habang namimilipit sa sakit ng pagkakasuntok sa kaniya ni Clein.

Habang iniinda niya ang sakit ay napasigaw na lang si Clein sa kawalan. Gusto niyang pagtadyakan at bugbugin si Hiro pero pinipigilan siya ng kaniyang konsensya. Kaibigan pa rin sila. At ayaw niyang matibag ang pagkakaibigan nila. Pero hindi na rin kasi niya matiis ang kagaguhan ni Hiro. Hindi na niya kayang ipagsawalang-bahala ito.

"I don't want to do this but you're pushing me to my limits. I am warning you." May otoridad ang bawat pagbigkas ni Cole. Matatalim ang mga tingin niya kay Hiro habang dinuduro ito. "Stay... away... from her."

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Walang nagsasalita. Bagsak pa rin si Hiro habang iniinda ang sakit habang si Clein ay namumuyos pa rin sa galit pero pinipigilan niya ito.

Malalim na ang gabi at ang mumunting liwanag lamang na nanggagaling sa ilaw sa may pintuan ang nagsisilbing liwanag sa kanilang dalawa.

Bumuntong-hininga muna si Clein at napagdesisyunang iwan si Hiro. Nagsimula na siyang maglakad nang marinig niya ang isang mahinang tawa mula sa likuran niya. Napalingon siya at nakita si Hiro na nakaupo pa rin at tila tumatawa pa.

"I can't promise you that. I love her. And you know that." Wala sa sariling sambit ni Hiro habang nakatingala sa madilim na kalangitan at hinahawi ang dugo mula sa gilid ng kanyang bibig.

Mas tumindi ang galit ni Cole sa narinig niya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at agad na sinugod si Hiro na dahan-dahang tumayo. Susuntukin na sana niya si Hiro pero nakailag ito. Sa bilis ng pangyayari, hindi na namalayan ni Cole naheadlock na siya ni Hiro. One swift move and Hiro caught him off-guard. Nasa likod na niya si Hiro na seryosong nakatingin lamang sa kawalan.

Inilapit ni Hiro ang tenga niya kay Cole. "You're nothing against me," malamig na bulong ni Hiro at marahas na ikinalas si Clein.

Hindi makapaniwala si Clein sa nangyayari. Sobrang laki na ng pinagbago ni Hiro. Hindi na siya ang nakilalang Hiro nila.

×××××××

Blaire's POV

Nakabibinging katahimikan, iyan ang namamayani sa loob ng kwarto ngayon. Si Obet lang ang kasama ko at mahimbing na ang tulog niya. Nakokonsensya na talaga ako and at the same time ay nalilito. I don't know what's really happening but all I know is that I'm the one and only reason why all of this is happening. Chad's gone, Xyrille's gone and Obet's injured. I can't take this anymore!

Knock Knock [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon