CHAPTER 17

27 3 2
                                    

CHAPTER 17
TOO MUCH TO HANDLE


Blaire's POV

Pigil ang hininga kong tinititigan ang galit na galit na si Estrella. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niyang patayin ang pamilya niya at ngayo'y ang batang si Clara naman ang isusunod niya.

Pero bakit ganito? Feeling ko may mali dito. Kung siya nga ang pumatay, bakit niya pinapakita sa akin ito? Marami pa ring tanong ang hindi nasasagot dito. Ang salamin? Ang babaeng nakaitim? Ano ang koneksyon nila dito?

Sa pagpasok niya rito sa kwartl ay mas bumilis ang pagtibok ng puso ko, tagaktak ang mga pawis at nanginginig ang buong katawan. Kitang-kita sa mukha niya ang kagustuhang kumitil ng buhay, kitang-kita sa mukha niya ang galit.

"Lumabas ka diyan! Alam kong nandito kang demonyo ka!"

Muli siyanh sumigaw nang pagkalakas-lakas. Bumakat pa ang ugat niya sa leeg dahil sa pagsigaw niya.

Hindi niya ako nakikita pero walang pinagkaiba ang binibigay niyang takot sa akin. Napaatras ako at napasandal sa bukahan ng aparador kung saan nakatago si Clara. Nanlaki ang mata ko ng biglang lumingon si Estrella sa aparador, mas tumindi ang galit sa ekspresyon sa mukha niya.

Anong gagawin ko!?

Humakbang papalapit si Estrella papunta sa direksyon ko, kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa itak. Gusto kong tumakbo papalayo, gusto ko nang gumising pero hindi ko maigalaw ang paa ko dahil sa panginginig.

Patuloy pa rin ang paghakbang niya kaya napapikit na lang ako at idinipa ang kamay na tila ba binabawalan si Estrella na buksan ang aparador. Tagaktak na ang pawis ko, panay ang paglunok ko ng laway at hinihintay ang pag-atake niya.

"A-Alam kong nandiyan ka!" Nagsalita si Estrella, pero ngayon ay hindi siya sumigaw bagkus ay tila nagmamakaawa na ito.

Iminulat ko ang mata ko at nagulat ng nakitang umiiyak siya.

"Bakit mo nagawa sa'min to Clara? Bakit?" Nabitawan niya ang itak at paupong bumagsak sa sahig. Naaawa ako sa kaniya ngayong humahagulgol na siya, pero mas lalo akong nalito. Anong ibig sabihin niyang nagawa ni Clara?

"Bakit mo pinapakita sa 'kin to Estrella?" Tanong ko sa kanya kahit alam kong hindi niya ako naririnig. Humakbang ako papalapit sa kaniya, bagay na hindi ko napansin, at tumayo sa harapan niya. Gusto ko siyang tanungin at pagalitan pero magmumukha lamang akong tanga dahil hindi nila ako nakikita.

Napalingon ako sa likod nang makarinig ako ng siwang. Nanggaling ito sa aparador at kitang-kita ko ang kaawa-awang sinapit ng bata. Iyak pa rin ito ng iyak pero tinatakpan niya ang bibig niya gamit ang dalawang kamay. Akap-akap pa rin niya ang kaniyang teddy bear. Napatitig ako sa teddy bear, mukha itong bago at mamahalin, hindi gaya ng nakita ko noon. Pero hindi ko na lang ito pinansin.

"Ate... Wala akong ginawa ate," sabi ni Clara habang nakatakip ang bibig. Umiling-iling pa ito na para bang sinasabing wala siyang kasalanan. Awang-awa ako sa mga nakikita ko ngayon pero hindi pa rin mawala ang takot at pagkalito sa sistema ko.

Bumalik ang tingin kay Estrella, pero laking gulat ko nang nakatayo na siya at bumalik ang dating ekspresyon ng mukha niya - galit na galit. Nakatitig siya sa leeg ko bagay na ikinakatakot ko. Agad akong umatras sa kaniya at lumingon kay Clara.

"Huwag ate."

Nanlumo ako nang makitang mas tumindi ang takot ng bata. Iling ito ng iling at sumiksik pa sa gilid ng aparador.

Wala akong nagawa kundi ang humakbang sa gilid at tignan ang ang mangyayari.

"Ikaw ang pumatay sa kanila! Ikaw ang pumatay sa kanilang lahat! Demonyo ka!"

Knock Knock [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon