CHAPTER 04

85 15 7
                                    


CHAPTER 04
I'M BACK

Blaire's POV

"Okay na ako, don't worry. Tingnan mo," sabi ko sabay talon at wagayway ng kamay sa taas.

"See? I'm fine mom. There's nothing to worry about."

Pagkatapos kasi ng kulitan naming magkakaibigan ay biglang dumating sina daddy at mommy. Nagulat ako kasi mukha silang balisa na ewan. Hindi ko naman sila masisisi, sino ba namang magulang ang hindi matataranta kung bigla-bigla na lang nilang mababalitaan na nasa ospital anak nila tapos nakatulog pa ng anim na araw. That must have took a toll on them.

Lumabas naman ang mga kaibigan ko kaya kaming tatlo na lang naiwan sa loob.

"Pwede bang pumarito ka muna kahit ilang araw lang..." tumingin sila sa isa't-isa at ibinalik ulit sa akin ang atensyon. Hinawakan ni mama ang kamay ko at pinisil-pisil. "Para na rin matingnan ka pa ng mga doctor. We can't afford to lose you again. You know you're our only gem."

"Pero okay na nga ako. My body's doing fine. Plus, staying here won't do any good to me. It may just worsen the situation," sabi ko at tipid na ngumiti. I know they're just concerned but I really don't like staying in a hospital, let alone being confined.

"I want to sleep in my bedroom. I want to eat on our dining and... I need to take a bath," sabi ko at bahagyang yumuko. I'm just making excuses. Truth is, there's an unexplainable feeling inside me. It's like someone is telling me to get out of here.

"Blaire just listen to us. This is for your own good. Just listen to us, okay? Palagi ka naman naming bibisitahin, hindi ka namin iiwan at papabayaan, we promise that. Tsaka nandiyan naman ang mga kaibigan mo para samahan ka rito." Mom sat beside me and patted my head. Dad's just beside me too.

I feel guilty to what's happening to them. No, scratch that. I should be ashamed for making them worry so much.

Guess I can't say no today.

××××××××

Mag-isa na lang ulit ako rito sa kwarto. Umalis lang saglit sila mama para asikasuhin ang mga papeles. May inaasikaso din sina Clein kaya hindi agad sila makakabalik. Tumayo ako mula sa higaan at binuksan ang bintana. Agad na pumasok ang malamig na hangin kaya napapikit ako at niyakap ang sarili. Tinignan ko ang labas. Gabi na pero ang liwanag pa rin sa labas.

Ngumiti ako nang maisip kung gaanong napapagaan ng liwanag ang pakiramdam natin. 'Yong tipong wala kang takot na nararamdaman basta't may liwanag.

Gano'n lang ang pwesto ko nang ilang minuto, nakadungaw sa bintana habang pinapanood ang mga nangyayari sa labas. Tahimik lang sa loob nang biglang namatay ang ilaw sa loob ng kwarto. Agad na rumehistro sa utak ko mukha ng babaeng nakaitim kaya gayon na lang pag-upo ko sa sahig at humarap sa loob.

Ilang segundo lang itinagal nang bumalik ang ilaw. Ilang segundo lang pero parang isang siglong kadilim ang naramdaman ko.

Agad na bumalot sa katawan ko ang takot. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Naalala ko bigla ang kahindik-hindik na hitsura ng babaeng nakaitim sa salamin. Naalala ko lahat ng takot na naramdaman ko sa oras na 'yon. Sumagi sa isipan ko ang lahat ng pangyayari sa loob ng bahay na 'yon kaya mahigpit kong niyakap ang tuhod ko at isinubsob ang mukha rito.

She's not here anymore. You're safe Blaire. No one's gonna hurt you.

Pilit kong pinaalala ang sarili ko na ayos na ang lahat. Ilang beses akong huminga ng malalim hanggang sa unti-unti nang gumaan ang pakiramdam ko.

Knock Knock [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon