CHAPTER 09
TOUCH MOVEBlaire's POV
Sa pagdilat ko sa aking mga mata ay gayun na lang ang aking pagtataka nang biglang nagbago ang kapaligiran, wala na ako sa museum. Nakatayo na ako sa isang makipot na pasilyo na may luluntiang kulay ang dingding. Hindi ko alam kung nasaan ako pero nakasisigurado akong nandito ako sa isang bahay. Dahan-dahan akong naglakad habang pinapadausdus ang hintuturo sa luntiang dingding. Bakit parang pakiramdam ko, dito ako nakatira? Parang may mali?
Nakarinig ako ng mga hakbang mula sa likod dahil gawa lamang sa yayamaning kahoy ang sahig kaya lumingon ako sa likod at nakita ko ang dalawang binatilyong nag-uunahan sa pagtakbo papunta sa direksyon ko, sa tantiya ko ay nasa 15-17 taon pa lang sila.
Tumabi ako para hayaan ang mga binatang tumatakbo at nilagpasan lang nila ako habang nagtutulakan pa. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang may maramdaman akong umbok sa dingding, isang picture frame pala. Napatitig ako sa litrato, parang pamilyar sa akin ang litratong to. Hinaplos ko ito at bahagyang inihilig ang ulo ko. Pamilyar talaga ang litratong ito.
Nakatayo na ako sa harap ng hagdanan. Nasa pangalawang palapag yata ako dahil papuntang baba ang hagdan na ito. May batang babaeng nakatayo sa paanan ng hagdanan at may hawak itong maliit na teddy bear, nakabusangot ito habang tinitignan ako. Nakita kong humigpit ang hawak niya sa laruan at bigla na lang ito tumakbo papalayo.
Dahan-dahan akong bumaba, nakahawak pa rin sa dingding. Pagbaba ko ay tumambad sa harapan ko ang magulong sala - may mag-asawang nag-aaway, ang dalawang binatilyo na kanina'y nag-uunahan ngayo'y nagsusuntukan na, at ang batang babae naman ay umiiyak na sa tabi. Nakatingin lang ako sa kanila, ang kalat ng paligid, ang ingay-ingay nila. Pero nagtaka ako sa mga kasuotan nila, parang kakaiba, parang pangmayaman pero makaluma. Nasaan ako?
Biglang tumingin sa akin ang ginang, umiiyak na ito at parang muhing-muhi na nakatingin sa akin.
"Estrella, anong tinitingin-tingin mo riyan? Wala kang silbi! Sinabi na naming lumayas ka na kung hindi mo kayang gampanan ang pagiging nakakatandang kapatid at bilang anak! Hindi mo lang ba ihihiwalay ang iyong mga kapatid!?" Biglang sumigaw ang ginang kaya napapitlag ako sa puwesto.
Hindi ko alam kung sa akin siya nakatingin o sa likuran ko. Galit na galit siya, ang asawa naman nito ay umalis habang dala ang bote ng mamahaling alak. Naramdaman kong may likidong pumatak galing sa mata ko. Hinawakan ko ito at nagtaka. Umiiyak na ako, pero bakit? Bakit tila naaapektuhan ako sa mga nangyayari?
"Wala rin kayong mga silbi! Wala na kayong ibang ginawa kundi ang gawing magulo ang tahanan natin. Mga huwad kayo! Mga mandaraya!" Nagulat ako nang lumabas ang mga katagang iyon mula sa bibig ko pero mas nagulantang ako dahil hindi boses ko ang lumabas, ibang boses ang narinig ko at nakakasigurado akong hindi akin iyon, pero bibig ko naman ang gumalaw kanina. Ako ba ito?
Binaba ko ang aking tingin at nanlaki ang mga mata nang iba na ang kasuotan ko, katulad na sa kanila ang suot-suot ko ngayon, makaluma.
Tumingin ulit ako sa ginang na humahagulgol pa rin. Nararamdaman kong galit na galit ako sa kanila, pero bakit?
"Wala kang silbing anak, Estrella! Wala kang saysay! Wala kang kapararakan! Isa kang malaking pabigat sa pamilyang ito! Wala kang kwentang anak!" Sigaw ulit ng ginang habang dinuduro ako.
BINABASA MO ANG
Knock Knock [Completed]
Horror•COMPLETED• We broke in, we saw it. It followed us, it dwells near us. It wants something. I saw them before, and they were gone after. It followed us, it wants us. It wants more. You hear the knocks? It's here and it's coming for you! ~~~~~ Cover b...