CHAPTER 1:THE WEDDING

130 7 0
                                    

KATELYN'S POV:

"Finally magiging Mrs Villoso kana girl"sabad ni Beyonce habang hawak hawak ang laylayan ng suot kong trahe de boda.

Tinignan ko ang reflection ko sa salamin. Ibang iba sa matapang, at walang aatrasang Katelyn. It was like Im a girly now.

Babaeng babae, suot ang offshoulder wedding dress at may vail pa sa may ulunan ko. Nakataas ang mahaba at itim kong buhok habang may ilang natitirang buhok na tumatabon sa mukha ko.

Ako ba talaga ang babaeng nasa tapat ko.

Ako na ba talaga ang babaeng nakatayo sa harap ng salamin nato?

"Ang ganda ganda mo anak"sabad ni mama na nasa kaliwa ko.

Humarap ako dito at saka ngumiti.

"My princess... "

Rinig ko mula sa pinto kaya lumingon ako doon. Nakita ko si papa na papalapit habang naka suot ng toxedo. Pormal na pormal pero napaawang lang ang labi ko ng makita kong tumulo ang luha nito sa pisngi.

Ito ang unang beses na nakita ko si papa na umiyak.

Pakiramdam ko kinurot ang puso ko habang nasa harap ko ang unang lalaking pinahalagahan ko sa buong buhay ko.

"Roberto, wag mo ngang palungkutin ang anak mo, kasal nya ngayon diba?"sabad ni mama dahilan para pahirin ni papa ang luha sa pisngi.

"Hindi lang ako makapaniwala na magpapakasal na ang bunso natin Matilda"sabad  naman ni papa.

Lumapit ako kay papa at saka mahigpit itong niyakap.

Pakiramdam ko buo na ang buong pagkatao ko dahil sa sinabing yun ni papa.

His a tough guy and a terror one but from this moment nakita kong tumitiklop din pala ang sundalo kong papa.

"I love you dad"sabad ko habang yakap ito.

"I love you too anak. Hindi ko sinasabi ang salitang yan sayo dahil mapride akong tao pero from the buttom of my heart I do love you,at pinagmamalaki ko na naging anak kita"wika pa nya.

Hindi ko mapigilang mapaluha sa sinabi nito.

"Basta anak, kong gusto mong magback out sa kasal suportado kita"suhestyon ni Dad.

Napangiti ako sa sinabi ni Dad saka humiwalay na sa pagkakayakap.

Tumingin ako sa mga ito.

Sa mga taong nakapaligid saakin...

And I really proud that Iam sorrounded by the people who really loved me.

Nawala ang focus ko sa mga ito dahil sa umiilaw kong phone sa mismong table sa kwarto ko.

158 missed calls from Bata.

Yun ang tawag ko kay Frio, habang tanda naman ang tawag ng walangyang yun sa akin.

Yun kasi ang endearment namin sa isat isa.
Ewan ko ba kong kikiligin ako sa tawag na yun. Jusko!

Pinilit nya kasing yun ang tawagan namin so ayun pumayag na ako.

Miss na talaga ako nitong batang to ah!

Idadial ko na ang number nito ng may incomming call nanaman na dumating ,and its Liutenant Rosel.

Anong problema nanaman ng isang to? Manghihingi nanaman ba sya ng number ng isa sa pinsan nitong si Frio, last time kasi nung family gathering ng fiancee ko pumunta sya kay chief dahil may itatanong sa kasunod nitong mission ,sa bahay mismo ni chief este father in law ko so ayun nakita nya yung pinsan ni Frio tinanong ba naman yung number inaasar ko sya na isusumbong ko sya sa asawa nya pero, kaming dalawa lang daw ang nakakaalam.

Sira ulo talaga. 😒😒😒😒

"Hindi ko pwedeng ibigay yung number ni Trixie may boyfriend na kaya yung tao, babaero ka talagang lalak-----"

Natigil ako sa pagsasalita dahil, may narinig akong ilang putok sa background.

Anong nangyari?

"Kate... Im.. Im so sorry ikaw lang ang natitirang paraan para maligtas kami......Muntinlupa, Sitio Tunasan. Brgy 189 Maligaya-----tooot toooot tooot"

Nafreeze ako sa kinatatayuan.

Iisa lang ang nasa isip ko.

Liutenant Rosel is endangered right now.

                           ❤❤❤

"Kateeeee saaan ka pupunta.... yung sapatos mo di mo pa suot"

Rinig kong sigaw ni Beyonce pero, tuloy labas lang ako ng bahay.

Muntik pa akong mahulog sa hagdanan pero nakakapit lang ako sa hawakan nun kaya nakabawi ako at nakababa ng ligtas.

Diretsong kong tinungo ang gate at diretsong sumakay sa puting kotse na nakapark sa harap ko.

It is supposed to be my bridal car pero no choice na ako dahil yun nalang ang natitirang paraan para makarating sa lugar kong nasaan si Lt Rosel.

Wala na akong oras para maghanap pa ng taxi at isa pa Im in the middle of life and death right now.

Walang driver sa loob ng kotse ,marahil may binili kaya wala ito sa loob.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras, pumasok na ako sa kotse at ako na mismo ang nagpaandar ng makina at pinaandar iyon.

Buti nalang talaga may susi na sa loob kaya di na ako nahirapan pa.

Hindi nawawala ang pag aalala ko. Sana hindi pa ako huli. Sana lang talaga okey lang sila doon...

Sana lang talaga hindi sila pahirapan..

Sana...

Puro sana....

Napamura pa ako ng makita kong traffic ang mismong route na dinaraanan ko kaya binuksan ko ang waze app para malaman ang iba pang shortcut para makarating sa pupuntahan ko.

Alam ko ang sinasabi ni Lt Rosel pero binuksan ko na rin ang app na ginawa mismo ng IT department namin na nalolocate ang cp ng bawat member ng police at yun ang syang ginamit ko para hanapin ang location nito, kahit patay man o buhay ang phone ng nag mamay ari ng phone nito gumagana pa rin ang tracker niyon.

Kaliwa, kanan.. straight na daan. Yan mismo ang mga nadadaanan ko. May times pa na sumiksik pa ako sa isang eskinita para makarating nang mabilisan sa lugar na yun.

Hanggang sa marating ko ang isang abandonadong warehouse na parang konting lindol nalang babagsak na ang mismong pader nito.

Tumunog ang phone ko.

Alarm yun, na tumutukoy na andito na talaga ako sa lugar na yun.

Mabilis akong bumaba mula sa kotse. Nasabit pa ang laylayan ng wedding dress ko sa ilang nakaharang patay na puno kaya no choice ako kundi punitin ang laylayan na iyon.

Kaya abot hanggang tuhod nalang ang wedding dress ko ngayon.

Ilang putok ng baril ang narinig ko sa loob mismo ng warehouse dahilan para mabilis akong makatakbo papunta mismo sa pinto ng halos pawasak ng abandonadong warehouse na yun.

Sisipain ko pa sana nang malakas ang pinto ng may kong sinong humigit sa buhok ko.

Sobrang higpit ng hawak nito sa buhok ko. Pakiramdam ko mapupunit na nito ang anit ko.

"Kong sinuswete ka nga naman. Nandito pala ang bride of the century.... Frio's fiancee and soon to be wife right? "

Hirap akong lumingon dahil iniinda ko pa rin ang sakit ng anit ko pero, hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"La-larson? "

(ITUTULOY..)

WHY DID WE MEET(OTMT: BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon