12: Uncovered feelings

20 4 0
                                        


(A/N: Sad moments above 😭)

KATELYN'S POV:

"Salamat nalang, mag aantay nalang ako dito"casual na sagot ko.

"Pero maam pasensya na po pero nagtext po kasi yung vulcanizing shop na kinausap ko at natraffic daw ho sila ,saka si sir na ho ang nagmessage sa akin na sumama na daw ho kayo kay Mr Villoso"

Kumunot nalang bigla ang noo ko.

"See even your driver telling you that you should come with me"nakangiti nang sabad nito.

Ngumiti na rin ako,kahit hindi ko alam kong tama pa ba yung ginagawa ko.

Saka lang ako may nakitang taxi at kumaway na doon ,at nakita ko nalang na  papunta na ito ngayon sa direksyon namin at diretsong tumigil pa ito sa harap namin.

"Sasakay ho ba kayo? "Sabi pa ng driver nito sa nakabukas nang  tinted windshield nito.

"Pasak----"

"No salamat nalang"

Napanganga nalang ako ng umalis nalang ang taxi sa harap ko habang kumaway kaway pa si gago este si Frio doon na parang masaya sya na umalis yun.

Ano bang problema nya?

Gusto ko na sanang pukulin si Frio ng masamang tingin kaya lang naisip kong client namin sya at hindi ako dapat maging unprofessional sa harap nito.

"Taxi drivers are not trusted this days,so better yet come with me...I can assure you that Im harmless Mrs Ventura"diniinan pa talaga nito ang huling salita.

"Maam sige na po baka nag aalala na ho si sir sa inyo"dagdag pa nung driver ko.

Wala sa loob na napabuntong hininga na lang ako sa mga to.
  

                             
BETTINA'S POV:

Naiinis na naibato ko ang hawak kong champagne na nasa harap ko.

Nagkalat ang bubog nito sa wooden floor ganun din ang laman nun.

I bite my lower lip with anger.

Nag sisisi ako.

Nagsisisi ako dahil pinapunta ko pa ang babaeng yun sa bridal shower ko.

I just wanted to see how lucky am I..

Gusto kong ipamukha sa kanya na nasa akin na si Frio. I wanted her to know how painful it is seeing the man that she loves wont never been hers.

Pero bakit pakiramdam ko ako pa rin ang nasasaktan.

Seeing Frio's eyes...

Seeing the affection of him to this **** makes me wanted to burst in anger.

Nasa akin na sya pero hindi ko pa rin sya totally makuha kuha.

Umupo ako sa kama.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kong bakit pinuntahan nya pa rin ang babaeng yun.

He should be mad.

He should be happy seeing her drowning..

Dapat ba tinuluyan ko na sya kanina??

Well it was really an accident kanina, pero may bahagi sa akin na natutuwa knowing na muntikan na syang malunod.

Dapat ba nagkunwari nalang akong hindi sya nalulunod and let her die on that pool?

Umiling iling ako.

Hindi..

Hindi ako ganung klaseng tao.

Niyakap ko ang aking binti at itinukod ang baba ko roon.

Natatandaan ko pa noong bata pa kami.

Magkapareho kami ng school ni Frio,ahead ako sa kanya ng dalawang taon dahil accelerated ako, and my Dad and his Dad are bestfriends. At ako ang laging nagtatanggol sa kanya noong bata pa kami.

Naglaylo lang yun nung makidnap sya at lagi nyang hinahanap ang tiger na yun.

Alam kong malapit na kami bago pa sila nang kapatid ko pero nag iba ang pakikitungo nya sakin nang makidnap sya at lagi nalang nyang bukang bibig ang tiger na yun.

Hanggang sa sumali na rin ako sa sports club kasama ang larong taekwondo, at ibat ibang klase ng self defense.

Akala ko gusto ko lang gawin yun dahil para maipagtanggol ko si Frio sa kong sino mang magtangka, knowing na parehas kami ng club na pinapasukan nito pero habang tumatagal I realized that Im doing this because Iam competed the girl who saved Frio, na hindi ko man lang kilala kong sino sya at anong itsura nya.

Nung naging first year sya unti unti ko nang nakikita na nawawala na sa sistema nya ang tiger na yun dahil mas malapit na sya sakin, mas sumasama na sya sakin at alam kong bumabalik na ang closeness namin kagaya dati pero akala ko lang pala yun dahil sinabi nya sa akin na gusto daw nyang makilala ang batang nag ligtas sa kanya noon at balang araw sa pamamagitan nya maliligtas nya rin daw ito.

I felt hurt.

Pakiramdam ko kulang pa ang ginagawa ko para makuha sya. Pakiramdam ko hindi pa rin sapat nang ginagawa ko kaya naisip kong tanggapin nalang ang inaalok ni Dad na mag aral sa states at dun ipursue ang sports na gusto ko. Marami daw kasing magaling na trainor dun at paniguradong mahahasa ako.

Akala ko sa pagbabalik ko magiging maayos na ang lahat, makukuha ko na sya pero mas masakit pala ang madadatnan ko sa Pilipinas.

My brothers casket and meeting the woman who saved him when his just a kid. Dun ko lang naisip na huli na ako.

Huli na ako dahil sinayang ko ang oras sa pagiging mas magaling knowing na mas magaling pa pala ang babaeng yun dahil napasa kamay nya na ang lalaking gusto ko.

Pero matalino ako, hindi naman ako papayag na ganun ganun lang yun.

Whats mine..

Should be definetly mine.

KATELYN'S POV:

"Galit ka pa ba? "

Kanina pa ako nakatingin sa bintana.Kanina pa kami bumabyahe pero ito ako ngayon focus lang sa labas ng sasakyan.

Naiinis pa rin talaga ako.

Hindi sa kanya.

Kundi sa sitwasyon. Knowing na pinili ko na syang maging kaibigan pero ito mismog sarili ko ayaw maki cooperate.

I felt awkward. Yung kamay ko nanlalamig na rin na dapat hindi ko yun ginagawa.

Bumibilis pa rin tong tibok ng puso ko kahit na nagsasalita lang sya ng normal sakin.

Gusto ko nang magpa ospital.

Gusto ko nang magpatingin sa heartsurgery at alamin kong normal pa ba ako, kasi kinakabahan ako ..kahit kaibigan ko lang naman ang kasama ko.

"Hey are you okey, hindi ka nagsasalit---huh? "

"Congrats, nga pala"Wala sa loob na sabi ko na at humarap na dito kahit alam kong nasa kalsada pa rin ang tingin nito.

"Ah... thanks anyways invitations are out soon I will send them as soon as it is done"sagot nya.

"Sige ba"sagot ko.

Saka lang namagitan ulit sa amin ang katahimikan. Hindi ko rin naman alam kong ano na ang susunod kong sasabihin kaya ginalaw ko nalang ang sterio nya.

Sakto naman na Forevermore by Juris pa yung tugtog kaya nilipat ko nalang din yung channel pero kada lipat ko nanadya pa yata dahil, yung sumunod na kanta naman ay Stay by Daryl Ong kaya nilipat ko nanaman yun sumunod naman ay Set me Free kay Juris kaya pinatay ko nalang din yun mismo.

"Why did we end up? "

Wala sa loob na napatingin ako dito.








WHY DID WE MEET(OTMT: BOOK 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon