8:FRIENDS

19 5 0
                                    


(A/N: Frio and Kate scene (above)on the lobby😱😱😱)

KATELYN'S POV:

Nagising ako sa tumatamang sikat ng araw sa mata ko.

Tinignan ko ang paligid. Wala ako ni aninong Frio na nakikita sa paligid.

Kunot noo pa ako nang makita kong may robe na nakapatong sa katawan ko, it was like someone put it there. Kaya pala hindi ako masyadong gininaw kagabi.

May naiwang sticky note pa na nakapaskil mismo sa maliit na ref na katabi mismo ng kama na medyo magulo na ngayon.

Tumungo ako doon at saka binasa ang nakasulat.

[Kate
     I already payed you, thanks for taking care of me dahil I feel better now.
                                           -FRIO-]

Mukhang umalis na talaga sya.

Nag impake na rin ako pagkatapos dahil mukhang maaliwalas na rin naman ang langit.

Bumaba na ako sakay ng elevator.

Naalala ko bigla si Russel, hindi ko pa sya nakokontak simula kagabi dahil lobat ako at isa pa wala akong dalang charger kaya hindi ko rin nagawang mag charge nang phone ko.

Kong minamalas ka naman talaga.

Pagkababang pagkababa ko mula sa elevator dumiretso na rin ako sa receptionist para iabot sa kanya ang keycard at mag check out na din.

                          ❤❤❤❤

Palakad na ako palabas nang makita kong may lalaking nakasandal sa may lobby mismo ng motel. Suot ang cap at nakapamulsa.

Lumingon sya sakin at seryosong tumingin.

"Tara na"

Lumingon lingon pa ako pero kumunot naman ang noo nito ng ibalik ko ang tingin dito.

Hindi ko inaasahan na nakalapit na pala sya sakin at saka hinawakan nalang bigla ang braso ko.

"Lets go. "Mahinang sabi pa nito.

Parehas kaming lumabas ng hotel.

"Its not what you think. I just need to accompany you dahil makakahalata yung receptionist na hindi tayo magkasama"sagot ni Frio ng pabulong.

Tumango tango nalang ako bilang sagot.

"Okey walang problema"sagot ko naman.

Parehas kaming naglakad.

Sa likuran nya lang ako.

May bahagi pa rin sa kin na na-aw-awkward ako e.

"Kong balak mo kong ihatid salamat nalang pero may mga paa naman ako saka kaya ko ring mag isang umuwi"diretsong sagot nya.

Natawa sya sa sinabi ko.

Hindi ko maintindihan kong ano sa sinabi ko ang nakakatawa.

"Dito rin ang direksyon ko, dont assume okey"sagot nya dahilan para simplehan ko syang irapan.

Tumigil sya sa paglalakad at tumalikod kaya nakaharap na sya mismo sakin.

Dahilan para tumigil rin ako.

"Can we...be friends"

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula dito.

"...Alam kong naging tayo noon pero, memories na lang yun hindi ba. I want to start over again as friends... "Explain nya pa. Dahan dahan nyang inihaba ang kamay to shake a hand pero nakatitig lang ako doon.

"Walang malisya. Iam sincere, we both had a relationship to someone else at hindi naman siguro masamang makipag kaibagan hindi ba? "

Tama naman sya.

Its been 1 year at tama naman na tuldukan na namin ang alitan ng isat isa, we should go on with our lives and be happy on our partners right.

Inilahad ko na rin ang kamay ko at sinalubong ko ang kamay nya para makipagkamay.

"Hi Im Frio Hansen Villoso, 23, soldier and you are"sabad nya habang nakakamay.

"Hello, Iam Katelyn De Leon 31 ,ex secret agent"

Parehas kaming ngumiti.

Hindi ko mabasa ang expression na ipinapakita nya pero panigurado naman ako na possitive ang mga yun hindi ba?

"BABE! "

"HON! "

Parehas kaming napatingin sa dalawang taong palapit sa amin.

Bakas sa mukha ni Russel ang pag aalala. Gayundin kay Bettina na niyakap pa ng mahigpit si Frio.

                             ❤❤❤❤

"Babe... Babe nakikinig ka ba sakin, I ask you if you are already eaten? "

"Ah eh babe hindi pa bakit? "

"Okey ka lang ba natrauma ka ba sa bagyo kagabi kaya ka ganyan... do you want us to go see a doctor first? "

Umiling iling ako.

Hindi ko alam kong saang lupalop ng mundo pumunta itong utak ko dahil pakiramdam ko wala sya ngayon sa sistema ko.

"Im fine... gutom lang ako siguro. "

Tinapik nya ang balikat ko at saka ngumiti.

"Sure lets eat. Brando bring us to the near restaurant"wika nito sa driver na nasa unahan lang namin.

Habang binaling ko naman ang mga mata ko sa bintana.

Mukhang nakaalis na rin sina Frio, sakay ng kotse ni Bettina ah.

                                  ❤❤❤

Buong linggo akong naging busy. May bago kasi akong business ngayon na matagal ko nang gustong gawin.

Nag open kasi kami ni Russel ng isang restaurant sa loob mismo ng isang mall. Binuhos ko ang oras ko sa pag mamanage ng bago kong baby, hands on ako sa lahat, lalo na sa staffs ko. From cook to waiter I want everything to look perfect.

Bumibisita rin dito minsan si Russel kapag lunch time lalo nat malapit lang naman talaga dito yung working place nya.

Nahahalata ko na rin na nakasaklay nalang sya ngayon hindi kagaya noon na more on wheel chair ang gamit nito.

Being with this guy is such a wonderful experience.

Sa kanya ko naranasan ang roller coaster ride of emotions.

I cry on his shoulder..
I laugh at him when he turn a corny jokes..
Minsan nainis na rin ako sa kanya and that was when he is a stubborn immature men that I used to know.

He is already 31 pero napakapabebe nya lalo na nung mga times na nagrerecover sya and its hard for me from that time pero kinaya ko rin naman. Well kinaya naman namin.

"Teka diba si Villoso yun, yung controversial na batang lalaki na namatayan ng bestfriend? "

Naagaw ng atensyon ko ang isang costumer na nanonood ng balita sa flat screen tv.

By curiosity pumunta ako doon at nakiusyoso sa balita.

[Nandirito po tayo ngayon para saksihan ang successful engagement party ng dalawang magnobyo na sina Frio Hansen Villoso at ang kapatid ng bestfriend nitong si Bettina. Mamaya po ay makakausap pa natin sila exclusive for an interview. Ito po si Tina Marasigan reporting]

Nawala ang focus ko sa tv dahil sa mga bulong bulungan sa paligid ko.

Halata sa kanila na excited sila sa nakikita nila sa tv seeing them how happy they are and how special they are for each other.

Pero bakit..

...hindi ko magawang maging masaya para sa kanila?

WHY DID WE MEET(OTMT: BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon