KATELYN'S POV:
Isang oras ko nang kasama tong si Frio. Yung sinabi nyang five minutes daw, nauwi na sa 10 minutes, 30 minutes 40 at ayun naging isang oras na.
"Uuwi na ako"sabad ko na dahil enjoy na enjoy pa yata tong lalaking to sa panonood ng sunset.
Andito na kami ngayon sa may labas ng ice cream parlor at kitang kita dito ang pinakang view.
Tumingin ito sakin.
"5 minutes pa "sabad nya.
Nanlaki nalang ang mata ko sa 5 minutes na yun. Yung totoo? nakalimutan nya ba ang meaning ng 5 minutes?
"Hindi na pwede kailangan ko na talagang----"
"Aray ang sakit! "
Automatic na lumapit na ako dito dahil napahawak na sya bigla sa tyan nito. Halata pa sa mukha nito ang pamimilipit sa sakit.
"Gusto mo bang dalhin kita sa ospital? "
Umiling iling ito, pero nakita ko nalang na sumandal ang ulo nito sa balikat ko.
"I cant bare to handle the pain Kate"parang nanghihinang sabi nito.
Inilalayan ko na sya sa bewang ngayon.
Nakaramdam ako ng pag aalala pero may ilang beses ko naman syang nahuling nakangiti.
"HOY FRIO PINAGTITRIPAN MO BA AKO! "naiinis ko nang sabi.
Sukat ba namang mantrip pa sa ganitong sitwasyon??
Dumistansya na ako dahil, naiinis na talaga ako ,tinalikuran ko na rin sya dahil aalis na talaga ako pero naramdaman ko nalang na pinulupot nya na nang tuluyan. ang braso nya sa bewang ko saka isiniksik ang ulo nito sa batok ko.
"Bakit pakiramdam ko, ang ikli ikli lang nang oras na kasama kita Kate"
Malambing na sabi pa nito dahilan para maramdaman ko ang hininga nya sa batok ko.
"...Its not enough seeing you this day... gusto kong araw araw, gusto kong habang buhay"masuyong bigkas nito.
Hindi ko sya nakikita dahil nakatalikod ako sa kanya pero ramdam ko ang senseridad sa sinasabi nito.
Wala akong masabi.
Pakiramdam ko nalunok ko na ng tuluyan ang dila ko nang mga oras na yun.
. ❤❤❤
"Hindi na talaga pwede Frio.. "
Matapos ang ilang minutong nakalipas.Inalis ko ang kamay nito sa bewang ko saka naglakad na palayo.
"Kate... "
Rinig kong sabi nya sa likuran ko.
Hindi ako lumingon. Baka pag nagpatuloy pa ako baka makalimutan ko na ang obligasyon ko bilang asawa ni Russel.
Nahigit ko lang ang hininga ko nang hawakan nito ang braso ko para pahintuin ako.
Humihingal syang lumapit sakin dahil siguro sa bilis kong maglakad.
" Ihahatid na kita"sagot nya sakin matapos maging normal na muli ang pag hinga nya.
Umiling iling ako saka ngumiti.Iam relieved knowing na sumasang ayon na sya na umalis na ako at hindi na nya ako pipigilan.
"Magtataxi nalang ako saka, alam mo naman na hindi na kayo pwedeng magkita ni Russel hindi ba? "
"Hindi naman ako papayag na sumakay ka sa driver na hindi mapag kakatiwalaan, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayong masama Kate. "
BINABASA MO ANG
WHY DID WE MEET(OTMT: BOOK 2)
RomantikThis is the book 2 of Taming Mr tiger(OTMT). I SUGGEST THAT YOU GUYS SHOULD READ THE FIRST BOOK, BEFORE THE BOOK 2.TO KNOW THE BACK STORY :) T❤E❤A❤S❤E❤R Mahal mo ko... Mahal kita. Naghintay ka. Buong puso kitang tinanggap. Pero bakit mo ko iniwa...