A/:Wet look Frio on the picture 😳😍😍😍😘)
KATELYN'S POV:
"Nababaliw----hmmmmmp"
"Pasensya na kayo miss, may konting lovers quarrel lang kami nitong honey ko, wag kang mag alala paliligayahin ko rin to mamaya diba honey"nakangising sabi pa nito.
Nanlaki nalang ang mata ko sa huling sinabi ni Frio. Hindi ako makapagsalita dahil tinakpan nya ang bibig ko at isa pa hawak hawak pa nya ang dalawa kong braso kaya wala akong choice kundi umoo nalang.
"Ito na po yung key nyo. Enjoy"May pagkamalanding litanya nung babae kay Frio.
Nang makalayo layo na kami sa receptionist hindi ako makapaniwalang inabot na nito sa akin ang keycard.
"Here... siguro naman bayad na ako sayo. For returning the folder to me. "Malamig nyang sagot.
Tumalikod na sya sakin pero kusang gumalaw ang kamay ko para hawakan ang braso nya at pigilan sya sa pag alis.
"Bumabagyo na, you can stay here. Its free ako ang bahalang magbayad. "Mahinang sabi ko.
Napansin ko kasing mas lumalakas na ang hangin sa labas kaya sinabi ko ang bagay na yun.
Umiling sya.
"No need. Im okey"sagot nya saka inalis ang kamay ko sa braso nito.
I know its awkward for us pero niligtas nya rin ang buhay ko so I should pay what he did to me right?
"Pasensya na... pero may sarili akong bahay. I can handle myself. "Malamig nya pa ring sagot.
Napaawang ang labi ko ng tuluyan na itong umalis.
His still mad?
Bakit may gana syang magalit? Ako nga dapat ang magalit dahil noon palang sya na ang may kasalanan kong bakit hindi kami nauwi sa kasal.
Well nakaraan na yun pero hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng yun pag nakikita ko sya.
Napabuntong hininga nalang ako.
❤❤❤❤
Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nagshower ka. Ang presko lang kasi medyo maligamgam yung tubig nila dito tapos binabad ko talaga ng husto tong katawan ko.
Malawak yung kama at isa pa may mga petals pa talaga na nakascattered sa loob, it was like I was on a honeymoon.
Queen sized ang kama at may mga petals sa puting bedsheet na bumubuo sa isang hugis puso.
Tumingin ako sa labas ng glass window. Wala ako ni maaninag na daan dahil mukhang bumabaha pa rin.
Hindi ko maiwasang isipin si Frio.
Nakauwi na nga kaya sya?
Umiling iling nalang ako bigla.
Bakit ko nga pala sya iisipin, on the first place may tao nang nag aalala sa kanya sapat naman na siguro sila para sa kanya.
Uupo palang ako sa kama ko nang may kumatok na doon.
Room service siguro.
Saka lang ako dumiretso sa mismong pintuan at pihitin ang doorknob.
Di ako makapaniwalang bumulaga sakin ang basang basang si Frio.
"Pasensya na wala na kasing... "
Hindi na sya natapos magsalita nang bumagsak nalang ito sa harap ko.
Gulat ako sa nakita pero, no choice ako kundi kargahin nalang ito. Halos mabali na tong balakang ko dahil sa bigat nya at halos mauntog na sya sa pinto dahil sa tangkad nya.
Parang napaso ang kamay ko ng tuluyan ko na syang ihiga sa kama dahil ang init nya.
Shocks. Nilalagnat sya?
❤❤❤❤
Natataranta na ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Lahat na nang kumot na nakasapin sa kama ikinumot ko na dito pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag chichill.
Pakiramdam ko bumalik ang dati sa nakaraan. Natatandaan ko nung nasaksak sya I took care of these cold hearted brat, nanatili ako sa tabi nya hanggang sa makatulog sya.
Hindi ako mapakali kapag nakikita kong nahihirapan sya.
Kinuyom ko ang kamao ko.
Bakit ko ba kailangang alalahanin lahat ng yun. It was just a d***** memories na ,mananatili nalang na alaala.
Gumalaw ako at diretsong pumunta sa telephone kong saan malapit mismo sa kama namin.
Kailangan ko nang komontak ng doctor.
I know na hindi ako ang magpapagaling sa kanya.
Hindi na ako ang----
"Kate... Kate... "
Hindi ko na tuluyang nahawakan ang telephone sa narinig ko.
Lumingon ako sa kanya.
Nagsasalita sya ng tulog, at tinatawag nya ang pangalan ko?
❤❤❤❤
"Hmmm hmmmm hmmmmm"
Payapa ang kanyang mukha habang naghuhumming ako dito.
Hindi ko gustong gawin yun pero sarili ko na mismo ang trumatraydor sakin para kantahan sya at pakalmahin sya.
May voice makes him peacefully asleep.
My voice makes him calm.
Just like before.
Nang makita kong nakatulog na sya, saka ako humiga sa isang couch na nasa harap ng kama.
Dapat sinusumpa ko sya ngayon.
Dapat masaya ako dahil naghihirap sya pero nakakaramdam ako ng awa.
Nakakaramdam ako ng pag aalala.
On the first place sya yung umalis.
Sya ang nagsabi na hindi nya na daw alam kong mahal nya pa ako pero ito ako at inaalagaan sya.
A f******** irony isnt it?
Napabuntong hininga ako habang nakatingala at nakapokus lang ang tingin sa ceiling.
I should be sleeping now.
Ang dami ko ngayong araw na pinagsisisihan na hindi na dapat ako nagpunta.
Sobrang mali nga siguro ang disesyon ko na puntahan sya dito dahil..
Pakiramdam ko, may hindi dapat na bagay na mabuksan.
.
.
.
.
(ITUTULOY..)
BINABASA MO ANG
WHY DID WE MEET(OTMT: BOOK 2)
RomansaThis is the book 2 of Taming Mr tiger(OTMT). I SUGGEST THAT YOU GUYS SHOULD READ THE FIRST BOOK, BEFORE THE BOOK 2.TO KNOW THE BACK STORY :) T❤E❤A❤S❤E❤R Mahal mo ko... Mahal kita. Naghintay ka. Buong puso kitang tinanggap. Pero bakit mo ko iniwa...
