30: SCAPE

17 3 0
                                        

A/N:R A T E D  S P G:KARAHASAN.

.
.
.

KATELYN'S POV:

"TIGIL! TUMIGIL KA! "

Tatlong sunod sunod na putok ang narinig ko mula sa likuran ko pero, wala ni isang bala ang tumama sakin.

Walang humpay ako sa pagtakbo. Kanina lang hirap na hirap akong lumabas sa bintana ng cr dahil sa sobrang sikip niyon pero determinado na akong makaalis, sinira ko na ang bintana ng tuluyan kahit na duguan na tong kamao ko.

Habang umaakyat ako nakatunog yata yung tauhan ni Russel dahil sunod sunod na mararahas na katok ang narinig ko sa pintuan. Nataranta na ako kaya nagmamadali akong lumusot sa bintana, pagtalon ko roon namali pa ako ng pagbagsak dahil pakiramdam ko nadislocate tong paa ko but still I pursue to run.

Tumakbo pa rin ako sa likuran ng terminal, yun mismo ang mismong paliparan.

Saka ko lang napansin na sumusunod na pala sa akin ang tauhan ni Russel na dumaan na rin mismo sa dinaanan ko.

Ang sakit ng paa ko pero titiisin ko yun.

Hintayin mo ko Frio!

RUSSEL'S POV:


"NASISIRAAN KA NA BA? DID YOU SHOOT HER? PANO KONG NATAMAAN MO SYA HUH? "Bulyaw ko sa isa kong tauhan.

Hindi ako makapaniwala na natakasan ako ni Katelyn. Malapit nang tawagin ang flight namin pero ito sya tuluyan nang nawala.

Inis na napasipa ako sa kalsada.

Saka lang ako nagmamadaling pumunta sa parking area para sumakay sa kotse ko. Kasu-kasunod ang dalawa pang bugok kong tauhan.

Mukhang alam ko na kong saan sya pupunta.

KATELYN'S POV:

"Miss san tayo pupunta? "

Nasa loob na ako ngayon ng taxi, pero dun ko lang narealize na hindi ko pala alam ang eksaktong lugar na pinuntahan namin kanina ni Russel.

Saka ko lang narealize ang phone ko na may app nang isang tracker. Nalolocate nito ang lahat ng taong nasa phone number ko.

Clinick ko ang phone number ni Frio pero gayun nalang ang pagkadismaya ko nang hindi nito iyon malocate.

"Miss... san ba tayo pupunta? "Ulit ulit nung taxi driver.

Paano na?

                                 ❤❤❤

"Diretso lang manong"

Sabad ko kay manong habang sinusunod naman nya ang sinabi ko. Pinilit kong alalahanin ang daan na dinaraanan namin ni Russel kanina.

Maraming puno.Ilang palayan at isang tulay, yun ang natatandaan kong nadaanan namin.

Sana hindi ako nagkakamali sa instinct ko.

Bigla nalang napapreno tong si manong kaya muntik na akong mapasubsob sa unahan niyon buti nalang talaga  nakakapit ako sa handle sa may tabi ko.

"Manong dahan dahan naman! "Wika ko.

"Naku miss pasensya na may tumatawid kasi... tapos mukhang nabangga ko pa yata"natatarantang sabi nito.

Bigla nalang akong kinabahan sa sinabi ni manong.

BETTINA'S POV:

"Theyre not here? kakaalis lang daw ng flight nila Kate pero hindi sila kasama sa byahe according to the receptionist"

Andito na kami sa NAIA pero walang Russel at Kate kaming nakita.

Nakita kong nawala ang tensyon sa mata nitong si Larson pero halata sa ikinikilos nito ang galit. His lower face is covered with masks dahil siguro takot pa ring may makakakilala sa kanya kaya nakatakip iyon.

"Im tracking that bastards phone at once na mahanap ko ang gagong yun alam nya na ang kaparusahan na ipapataw ko sa mga traidor na kagaya nya. "

His getting worst.

Mas lalo akong natatakot sa taong katabi ko ngayon.

Naglakad na ulit kami papunta sa parking area, mukhang kailangan na ulit naming umalis.

Sumunod na rin ang ilang tauhan nito sa likod habang ako naman ay nasa likuran lang ni Larson.

Sa totoo lang wala akong pakialam kila kay at Russel si Frio lang talaga ang gusto ko. Sya lang ang mahalaga para sakin, pero now that Im involve in this psycho wala na akong choice kundi maging tauhan muna nya pero once na may nahanap akong paraan para idiin sya. Susunggaban ko nalang yun.

"Tara na! "Maawtoridad na sabi ni Larson sa driver ng itim na van matapos naming makasakay roon.

FRIO'S POV:

Kanina pa ako nalilito sa daan na dinaraanan ko. Bakit bumabalik pa rin ako sa iisang lugar. Shet!

Halo halong gutom at pagod ang nararamdaman ko ngayon pero no choice ako kundi patuloy maglakad.

May dalawang daan nanaman its from left side or right side.

Napasabunot ako sa inis.

Ganito rin kanina ah? May posibilidad bang naengkanto ako? Oh well? Its just a folklore wala naman sigurong katutuhanan ang ganun pero ilang beses na akong nagpabalik  balik e.

Mukhang totoo na yata ang sabi sabi ?

Naghubad na ako ng tshirt at binagligtad ko yun gaya ng sinasabi nilang baligtarin daw ang damit para makaalis na sa lugar na yun.

Wala naman sigurong mawawala except sa mukha akong  katawa tawa dahil baliktad nga itong suot ko.

Ilang minuto rin ang nakalipas bago pa ako mapangiti dahil nakita ko na ang mismong kalsada.

Uhaw na uhaw na ako at pagod na pagod pero kumaway pa rin ako sa nagdaraan na sasakyan.

Tatawid na sana ako dahil ibang direksyon ang pupuntahan ko nang mapansin ko nalang na may paparating na sasakyan sa harap ko.

Gabi na. Nasilaw ako sa ilaw na meron sa unahan niyon kaya nastock nalang ang mga paa ko sa harap niyon.

Dito na ba ang katapusan ko?

WHY DID WE MEET(OTMT: BOOK 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon