2:LARSON

50 7 0
                                    

KATELYN'S POV:

Makapal ang balbas habang gulo gulo ang kulot nitong buhok.

Ang laki ng pinagbago nito sa dating Larson na nakilala ko.

Paanong?

Itinulak nya ako ng malakas dahilan para mapaupo ako sa  mabatong lupa saka tinutukan nya mismo ng baril ang ulo ko.

"Playing a heroine again... Ms De Leon? "

Mas lumagong na ang boses nito kesa noon pero hindi pa rin naikakaila na sya at ang batang Larson noon ay iisa.

May peklat ito sa pisngi na parang inukit na korteng X. Saka lang ito ngumisi na parang anumang oras makukuha na nito ang gusto nito.

"Hayop ka! Nasaan ang mga kasamahan ko! "Sigaw ko pero, ginalaw lang nito pataas ang kilay saka nginuso ang loob ng  warehouse.

"Pakielamero sila e. So they better die inside this rotten warehouse para maranasan nila ang impyerno! "Angil nito.

Kinagat ko ang ibabang labi. Anong ibig sabihin nya na pakielamero ang mga kasamahan ko?

"They are chasing before me... do you think I let them put me into jail for the second time. Magkakamatayan muna kami"sabat nya kahit hindi ko pa tinatanong ang bagay na yun.

"Walanya ----"natigilan ako dahil bigla nyang pinutok ang baril mismo sa  tabi ko dahilan para mapatawa ito.

His really crazy.

"Dont you dare talk... baka pag nainis ako makalabit ko na tong gatilyo and Ill shoot you straight into your head"sabat nya na hindi man lang inaalis ang tingin sa mata ko.

Naiinis ako sa sitwasyon ko ngayon dahil wala man lang akong dalang baril o kong anumang weapon.

Sh** how can I saved them.

How can I ******** saved my team!

Saka ko lang naisip na ihaba ko ang paa ko para pasimpleng sipain sya sa hita.

Doon lang sya naout of balance kaya tuluyan na itong napahalik sa lupa at nabitawan ang hawak nitong baril sa kamay.

Kaya nagkadahilan ako para talunin ang baril sa tabi nito at iputok yun dito sa mismong binti nito pero wala ni isang bala ang lumabas.

Narinig ko nanaman ang nakakainsultong tawa nito.

"No more bullets... for you dear. "Sabad nya saka mabilis na tumayo.

Saka lang ako tumakbo papasok ng saradong warehouse dahil naalala ko nanaman sina Lt Rosel pero hinatak nanaman nito ang buhok ko saka marahas na hinampas ang ulo ko sa wooden wall.

Pakiramdam ko nahilo ako sa ginawa nito kaya tuluyan na akong natumba.
                          

                            ❤❤❤❤

"Lt De Leon! "

Dahan dahang kong minulat ang mga mata ko.

Medyo may dilaw na ilaw sa loob kaya kita ko pa rin ang paligid.

Nakita ko si Lt Rosel na nakatali sa silya habang may suot na isang bag na tumutunog. Actually hindi lang siya kundi ang apat na iba pang kasamahan ko.  Putok ang ulo nito at mukhang natuyo na ang dugo sa noo nito. Maga na rin ang pisngi nito marahil sa pakikipag away nito sa Larson nato.

Pero teka ang tumutunog ba yun e...

Bomba?

"Patawarin mo ko, hindi ko sinasadyang guluhin ang wedding mo ngayon pero... Ang number mo ang nagring habang nanghihingi ako ng back up sa headquarters. "

WHY DID WE MEET(OTMT: BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon