6: REDLIPS MOTEL

22 5 0
                                    


KATELYN'S POV:

"Hi Mr Villoso ito nga pala yung folder na naiwan mo, dont worry hindi ko binuksan kahit nakasulat e topsecret"

Para akong temang na nagrerehearse ng sasabihin ko sa salamin. Kanina ko pa kasi kinakausap ang sarili ko, buti nalang nasa office na ngayon si Russel, baka akalain kasi nun nag asawa sya ng baliw e.

Napaupo nalang ako sa kama dahil sa frustration.

Saka lang biglang may pumasok sa isip ko.

What if ipafax ko nalang.

Teka edi baka sabihin nya binuksan ko yung files kasi diba kapag finax kailangan yung buong document ang ipapasa so literally makikita ko ang topsecret na yun.

O di kaya naman i-LBC ko nalang, pero ang alam ko hindi na sya nakatira sa kanila e. Parang may sarili na yata syang pad, dahil bumukod na sya.

Aish! Ano bang magandang solusyon? Napapakamot nalang ako sa ulo kahit hindi naman talaga makati.

Bigla nalang pumasok sa isip ko si Lt Rosel. Tama ipapadala ko sa kanya tapos ibigay nya lang yun kay Frio. Yun. Tama TAMA!

Kaagad kong dinial ang phone ko.

Narinig ko pang nagring ang kabilang linya.

Anong petsa na sagot Lt Rosel!

                             ❤❤❤

"Aish, alam mo bang nasa mission ako tapos saka ka pa tumawag. Badtrip naman men oh! "Rinig kong pabulong pang sabi nito sa kabilang linya.

"Sumaglit ka lang dito please... ano bang gusto mong regalo para umuo ka lang basta kahit ano. "

"Dude naman, hindi mo ba alam nakikipagbakbakan ako ngayon, kanina pa ako umiilag habang kausap ka dude. Im in the middle of life and death tapos sasaglit ako dyan jusko naman... "Angal nya.

"Natatandaan mo bang niligtas kita dati"

"Dude not counted na yun, mamamatay na rin ako dito kapag patuloy ka pang tumawag"sabad pa nya.

Iimik pa sana ako ng nag end call na.

Abat! Hindi talaga sya maaasahan kapag kailangan ko. Aish!

At dahil di ko maaasahan si Lt Rosel si Beyonce naman ang tinawagan ko.

Nagriring naman yun.

Ilang beses pa.

"Yes this is your pretty beyonce, how can I help you"

"Beks, diba mahilig ka naman sa gwapo. "

"Oo naman bat mo natanong? "

"Si Frio alam kong bet mo yun dati pero menor de edad pa yun noon pero iba na sya ngayon diba. Macho men na nasa age pa"sabad ko pa na parang napatili pa ang gaga sa kabilang linya.

"So... anong ganap beks ituturn over mo na ba sya sa akin? Kahit alam kong di kayo naging forever"

Okey na sana to e. Sumegway pa😒😒

"Beks help naman, punta ka sa bahay papadala ko lahat ng gusto mo. Basta ibigay mo lang tong folder sa kanya"

"Ay anong folder girl yan huh, baka epektus yan huh? Nawala ka lang sa serbisyo durugista kana ah"

Grabe sya ah,mapang husga😒😒

"Hindi ,iaaabot mo lang yung folder then boom tapos na"wika ko pa.

WHY DID WE MEET(OTMT: BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon