33.TRUTH

18 3 0
                                    

KATELYN'S POV:

"SIGURADO KA BA DITO? "Marahan ang pagtango ni Lt Rosel sa sinabi kong yun.

Seryoso syang tumingin sa akin at saka binigay ang isang cellphone.

"This belongs to Feliza"sagot nya na nakapag paawang ng bibig ko.

"Ang... ang phone na to? "Sabay turo sa hawak nitong phone na 1100 ata ang unit dahil sa itsura at laki.

Binuhay nya ang cellphone sa harap ko at nakita kong nagsimula nang lumabas ang nokia logo niyon. Nag scroll scroll pa sya sa keypad at nakarating kami sa msg icon dun na tumambad naman sa amin ang isang pangalan.

'Maam Bettie'

Basa ko sa messages na halos puros dun galing ang nakalagay.

Binuksan ni Lt Rosel ang sulat at nashock nalang ako sa mensahe.

[Maam Bettie:
Magaling, sunugin mo na rin ang sulat na yan para wala tayong ebidensya. Umuwi ka na sa inyo at ipapadala ko nalang sa bahay nyo ang pambayad]

Yun ang tumatak sa isip ko.

Sabi ko na nga ba, kasabwat lang si Feliza at hindi sya ang may kasalanan nang lahat.

Maya maya pay nakarating naman kami sa sent items at dun ko nalang nabasa ang...

[Maam, nakokonsensya na po ako. Hindi ko na rin po tatanggapin ang bayad saka tigilan na po natin ito]

Yun lang ang kaisa isang mensahe na nabasa ko roon.

Marahil ang mensahe na nandun ay yung huling beses nilang pagkikita nung maam Bettie na yun pero sino ba yung bet----

"Bettina Marie ang nakarehistro sa operator ng cellphone number na yan Kate nang trinetrace namin sa rehistro ng sim nya. "Sabad naman ni Lt Rosel.

Napasandal nalang ako sa upuan ko dahil kaming dalawa lang ngayon dito ni Lt Rosel sa loob ng headquarters dahil nasa kani kanilang destination ang mga tauhan dun ni chief.

Sinigurado nyang kami lang ang magkakausap ngayon dahil malalagot sya kapag nalaman ito nang nasa itaas. May sarili din kasi si Lt Rosel na kinocover pinadaan nya lang sakin ang ebidensya at ilalagay nya ito sa secret file box para hindi sya makuha ng kong sino.

Pero hindi pa rin ako makapaniwala na si Bettina ang gumawa niyon?

Gaano ba kalaki ang kasalanan ko sa kanya para gawin nya yun samin?

Naramdaman ko nalang na tinapik ako ni Lt Rosel sa balikat dahilan para lingunin ko ito.

"Hindi nya lang kayang magmanipula Kate. Kaya nya ring pumatay... kaya sana mag ingat ka sa kanya"banta sakin ni Lt Rosel.

Napabuga ako ng hangin sa frustration.

"Paano mo nasabi? "Tanong ko muli dito.

"May kutob kasi ako na may posibilidad na hindi aksidente ang pagkamatay ni Feliza... baka pinatay siya, I mean sila nang tatay nya"sagot ni Lt Rosel.

Hindi kaba ang pumapasok sa sistema ko kundi galit.

Napakasama nya kong talagang ginawa nya ang bagay na yun.

                               

BETTINA'S POV:

"FRUITS FOR MY FRI---OH MY GOSH! "Napatili ako nang ihagis ni Frio sa harapan ko ang dala dala kong basket na puno nang oranges like duh? I decorated it with my whole tapos itatapon nya lang how could he?

WHY DID WE MEET(OTMT: BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon