34:HEARTACHE

17 3 0
                                        

KATELYN'S POV:

Mabilis akong tumayo mula sa pagkaka upo. Wala akong inaksayang oras, diretso kong tinungo ang kotseng sasakyan ni Frio at diretsong sinakyan ang parte nang katabing driver seat.

Gulat pa syang napatingin sakin nang makita nyang nasa loob na ako nang kotse.

"Baba"walang emosyon na sabi nito.

Halata sa kanya ang pagkaputla, marahil dahil sa hindi pa rin sya magaling pero nanindigan akong hindi ako bababa.

"Bumalik kana Frio sa loob baka mabinat ka! "Nag aalalang sabi ko.

"Shut up! KATE! hindi ko kailangan nang awa mo. Tama na okey! I want to be alone! could you please get out! Get out even in my life! "Sigaw nya.

Natigilan ako sa sinabi nya, pero kahit ano pang sabihin nya. Mananatili pa rin ako sa tabi nya. I promised that before! I promised that I will still be on his side no matter what happened!

Sinuot ko ang seatbelt at ako na mismo ang naglock sa pinto ko, using the icon upright side nang mismong manibela nya.

"Nasisiraan ka na Kate! Hindi ka na nakakatuwa! "Inis na sabad nya nang makita nyang seryoso ako na sasama ako sa kanya.

"Name it! Saan at kahit anong lugar mo gusto.. TARA! But i wont grant your wish to get out of here and get you out of my life... dahil on the first place mahal kita, MAHAL NA MAHAL KITA FRIO! "Hindi ko na mapigilang sabihin yun.

Akala ko titigil na sya,ngingitian nya na ako at magiging okey na ang lahat dahil sa sinabi ko, pero kabaligtaran ang nangyari.Hindi man lang sya sumagot, sa halip, binuhay nya ang makina at tuluyan nya nang pinaandar iyon.

Humahabol na sa amin ang mga nurses at ang guards pero nanatiling nakafocus sa harap si Frio.

Hanggang sa bumilis na ang pagpapaandar nito sa kotse na ikinagulat ko.

                             ❤❤❤

Pakiramdam ko nakasakay ako sa roller coaster at hindi ko mapigilang tumili dahil sa pagpapatintero nya sa mga kotse na inoovertakan nya.

"Do you still want to stay here Kate? Ano... sagot! "Wika nya pa habang nagtititili na ako sa sobrang bilis nyang magpatakbo.

Buti nalang walang MMDA or any police officer kundi yare kaming dalawa.

"Oo"sagot ko sa pagitan nang pagtili.

Ngumisi sya. Maya mayay natawa.

Nababaliw na ba sya?

Ilang minuto pay naging dahan dahan na ang kanyang pagpapatakbo, hanggang sa tumigil na ito sa tabi.

Inalis nya ang pagkakalock nang pinto. Clueless rin ako nang alisin nya ang seatbelt ko at maya mayang umalis sya sa driverside at binuksan na nito ang pinto ko.

"Baba! "Maawtoridad na sabi nito.

Nanatili akong nakaupo sa upuan ko pero, bigla nya nalang akong hinatak palabas roon.

"Ano ba Frio! "Daing ko dahil nasasaktan na ako.

Maya maya pay may dinukot sya sa bulsa nang suot nyang pantalon at pilit na inaabot ang pera sa mismong kamay ko.

"Ito 1000 peso bill, ride all you want. Taxi, bus bahala ka na! dahil ako.. hindi ko na gustong makasama ka. Alam mo bang sukang suka na akong makita ka... Ayoko na Kate!Being with you makes me more pathetic, makes me more in pain, Tama na! alam ko... alam kong naaawa ka lang, kaya ka nandito and for once..can you stop telling me the things that you said earlier that you really LOVED ME! dahil hindi mo naman yata talaga alam ang ibig sabihin nun!"

Imbis na tanggapin ang pera napanganga nalang ito nang itapon ko yun sa kawalan at dahil malakas ang hangin sa parte namin hindi ko na alam kong saan pa nakarating yun at wala na rin akong balak na alamin pa yun.

"Are you out of your mind Kate! Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo huh? HUH? "Kasabay nang pagyugyog nya sa magkabila kong balikat.

Napayuko ako.

Ganun na ba katindi ang impact nang ginawa ko sa kanya?

"Im sorry... if I really hurt you Frio pero hindi ko rin naman talaga gustong gawin yun e" Pagpapaliwanag ko.

Hindi nya man lang ako pinansin matapos kong sabihin yun dahil inalis nya na ang kamay nya sa magkabila kong braso at tuloy pasok sa kotse nito.

"Frio naman kausapin mo naman ako oh? ...Please naman! "

Narinig ko nalang na pinaandar nya na ang makina nang kotse at umalis na nang tuluyan.

Bumibilis na ang pag andar nito kaya hinabol ko iyon,pero para syang bingi sa bawat gusto kong sabihin at mas lalo pa nya yatang binibilisan kahit na alam nyang hinahabol ko na ang kotse nito.

"Frio... !"

Nadapa na ako kakahabol sa kanya, pero hindi man lang nya tinigil ang kotse nya. Nanghihina akong tumayo habang may gasgas na sa binti ko.

Paika ika akong lumakad at tinignan ang direksyon nang kotse nito pero mukhang malayo na ito.

Naglakad ako pero hindi ko alam kong saan nga ba ako pupunta. Gulong gulo ang isip ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang tuluyang pumatak ang luha sa mga mata ko kasabay nang unti-unting pagbuhos nang ulan.

                               ❤❤❤

Ginaw na ginaw na ako, sumilong ako sa waiting shed sa may di kalayuan. Matapos kong hindi mahanap ang 1000 peso bill na lumipad sa kong saan.

Nagsisisi ako dahil pinalipad ko pa yun kong saan, hindi ko rin naman alam na lalakas pa nang ganito ang ulan, kaya nagmuka na tuloy akong basang sisiw sa itsura ko ngayon.

Hanggang sa marealize ko ang lugar kong saan ako ngayon nandun. This place looks familiar.Seven years ago dito kami nagpunta ni Frio. Noong mga panahon na takot na takot sya, nung mga panahon na galit na galit sya sa sarili nya dahil may namatay syang kaibigan and I comforted him in here.

An irony isnt it?Nandito nanaman ako ngayon pero ako na itong nangangailangan ng comfort sana nang isang kagaya nya pero paano? wala na rin akong clue kong paano nga ba?

Yakap yakap ko ang sarili , habang nakatingin sa bangin. Tumayo ako at humarap mismo sa bangin. Madilim doon pero dahil sa ilaw sa poste medyo naaninag ko naman ang ilang puno roon.

I placed both hands in between my mouth and shout.

"GUSTONG GUSTO KITA! BAKIT HINDI MO YUN MAINTINDIHAN FRIO! BAKIT ANG TANGA TANGA MO! BAKIT HINDI MO MAINTINDIHANG GUSTO TALAGA KITA?.. BAKIT..?BAKIT?"

Isinigaw ko na yun at nag echo ang mga salitang yun habang patuloy sa pagbagsak ang malakas na ulan. Hindi ko na mapigilang mapahagulhol habang nakatingin lang sa madilim na parte nang lugar na yun.

But now I know...

Im partially relieved.

Umupo ako sa waiting shed habang yakap yakap ang sarili. Sobrang ginaw, hindi ko na kaya ang lamig.

Napansin ko nalang na may tumigil na kotse sa harap ko. Buhay ang unahan nang ilaw nito pero hindi ko maaninag.. para kasing nanlalabo na ang mata ko.

Lumabas ang tao mula sa driverseat at mukhang papalapit na ito sakin.

Napangiti ako.

Sabi ko na nga ba hindi nya ako matitiis.

Sabi ko  na nga ba mahal nya ako e.

Maiiyak na ako nang lumapit sya sakin, pero the moment na yumakap sya nang mahigpit sa akin saka lang ako nakaramdam nang saya.

"Andito ka... sabi ko na nga ba di mo ko matitiis.. Miss na miss na kita. Mahal na mahal  kita ..nang sobra------"

Umiling iling ako para paglabanan ang hilong nararamdaman ko pero huli n---

"Kate... KATE GISING---"

[Itutuloy]

WHY DID WE MEET(OTMT: BOOK 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon