26:UBDUCT

13 3 0
                                    


RATED SPG: K A R A H A S A H A N

KATELYN'S POV:

"Manong hindi na po yata dito ang daan papunta sa mansyon"

Kanina pa kami nagbabyahe pero nahahalata ko na talaga na hindi ko na kabisado ang lugar na pinupuntahan namin.

Tumalikod na ako para tignan si Frio na alam kong sumusunod lang kanina sa akin pero wala nang kotse akong nakita kundi mga ilang motor sa likuran ko.

Ano bang nangyayari?

Nasan si Frio?

Bakit nawala na sya?

"Manong ibaba mo sa tabi"sabad ko na dahil, nagsisimula na akong maghinala sa driver kong yun.

Imbis na sundin ako nito nakita ko nalang syang may inispray sa pinaka airconditioned ng kotse at nagsimula na akong makalanghap ng di ko maipaliwanang na amoy.

Nakakahilo na hindi ko maintindihan. Dali dali kong tinakpan ang ilong ko ng panyo pero huli na dahil hindi na maawat ang mata ko sa pagpikit.

"Pasensya na Miss pero trabaho lang"

"Anong ibig mong-------"

                           ❤❤❤

"Opo boss, handa na po ang visa na inihanda namin para sa inyo, nakaimpake na rin po lahat ng gamit ni madame"

Nagising ako sa boses na nanggagaling sa gilid ko.

Tinignan ko ang paligid wala ako sa mansyon sa halip nasa kubo ako at isang single bed na papag ang hinihigan ko.

"Gising ka na pala binibini"

"Sino ka"iritadong sagot ko dun sa kaisa isang lalaki na nasa gilid ko lang at may hawak na phone.

"Kanang kamay po ako ni sir Russel"sagot nya pa habang binababa ang hawak na phone.

"Ikaw ba ang nagdala sakin dito? "

Umiling ito.

"Bakit nandito ako? "Naguguluhang tanong ko.

"Si sir Russel po ang nag utos na dalhin kayo rito"sagot nya dahilan para lalo akong kumunot noo.


"Nasan sya? Bat nya ako dinala rito? "

"Mamaya daw po kayo mag usap, may importante daw po syang kakausapin"

Tumayo na ako sa kama at akmang tatakbo pero inunahan ako ng lalaki dahil nahigit nya ako at naitulak pa mismo sa kama na kawayan.

"Pasensya na madame pero binilin po nya sakin na hindi po kayo lalabas hanggat wala ho sya. "

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula rito.

"Asawa nya ako, this is hostage taking!"giit ko.

Yumuko ito saka tumalikod na.

"Si Sir Russel nalang po ang magpapapaliwanag sa inyo pag balik nya dito"

Yun lang at iniwan nya na ako sa loob,habang naririnig ko pa ang pagkandado nya ng susi mula sa labas.

Ano bang tumatakbo sa isip nitong si Russel!

FRIO'S POV:

10pm to be exact, nang makarating ako sa tapat ng mansyon nila Kate, ilang beses ko ring kinontak ang number nito pero hindi man lang ito sumasagot.

Bakit pakiramdam ko may mali.

Tulog na ba sya?

Hindi ako mapakali, iba kasi ang kutob ko e. Simula nang mawala yung sinasakyan nya sa paningin ko dun palang may mali na.

Hindi ako pwedeng tumayo dito, kailangan kong makasiguro na nakauwi na talaga si Katelyn kahit na magmukha akong akyat bahay gagawin ko pa rin.

Walang minuto akong sinayang, tinignan ko muna kong may guard na nagbabantay at ilang maids bago ako tuluyang umakyat sa gate.

Napangiti pa ako ng makita kong mahimbing nang natutulog ang bantay roon.

Saka lang ako umakyat sa gate kahit ang daming mga live wires na nakakabit roon. Iam skilled on shutting off the live wires dahil napag aralan din namin to noon which is related to shutting down of different kinds of bombs dahil may mga wires ang mga yun.

Buti nalang talaga may equipments akong dala sa may bulsa ko dahil madalas ko yung gamitin kapag nasisira sa daan ang kotse ko.

May plais akong dala at ilang screw drivers na pocket size lang so hindi sya mahirap dalhin.

Inumpisahan kong putulin gamit ang plais ang mismong livewire at diretso na akong nakatalon papasok sa loob.

Mabilis akong nagtago sa mga trimmed trees na nasa loob dahil may dumaang maids.

Problema ko naman ngayon ay hanapin na mismo ang kwarto ni Katelyn..

KATELYN'S POV:

"Ayoko hindi ako sasama!! "Gigil na sagot ko sa hayop na tauhan nitong si Russel.Habang pilit akong isinasakay sa kotse nito.

"Madame, wag na po kayong magmatigas sa ayaw at sa gusto nyo pwe-pwersahin na talaga namin kayo"sagot nya.

Saka lang sya naggesture sa dalawa pang lalaki na nasa katabi nya at diretsong pumunta sa lugar ko at kinaladkad ako papasok.

Nagpupumiglas ako pero malalakas sila. Tuluyan na akong nakapasok sa loob ng kotse na nakalock na matapos kong sumakay.

Ano nanaman bang kalokohan tong iniisip ni Russel.

Ngayon palang nagsisimula na akong magduda kong may kabutihan pa rin ba sa kanya.

                             ❤❤❤

"Hi hon---aww"

Isang malakas na sampal ang sinalubong ko kay Russel as soon as he arrived and picked by the car.

Nakita kong nawala ang kaninang ngiti nito at saka tuluyan na nitong itinaas ang kamay na parang anumang oras idadampi nya yun sa mukha ko.

"Do it"matigas na sagot ko habang inis na nakatitig sa mata nito.

Dahan dahan nitong kinuyom ang palad na para bang nahimasmasan sya sa nangyayari.

"Okey... yell at me for all you care pero hindi pa rin mababago na ako ang asawa mo at pagmamay ari kita"sagot nya.

"Nasisiraan kana... nababaliw KA NA! "gigil na sagot ko.

Saka naman ito tumawa, ang klase ng tawa na hindi mo gustong marinig sa isang tao. A laugh from a lunatic one. A laugh with eagerness of something that he will now achieving.

Pakiramdam ko nakisama ako sa isang demonyo.

Pakiramdam ko hindi ko na sya kilala.

"Your making me like this Kate... you awaken the monster in me, so now its payback time. Alam mo ba kong gaano ako naghirap para kunin ka and I wont allow anyone take you away from me. Kaya were staying for good in states! "

Sagot nya na lalong nakapag pa shocked sa akin.

"Tingin mo ba sasama ako. Hindi! NEVER! "Giit ko.

Ngumisi ito.

"Sasama ka ba oh, papatayin ko nalang sya"

Kunot noo akong napatingin dito.

May iniabot sya saking phone at sa mismong screen nito ang bugbog at nakahigang lalaki sa isang kwarto.

Kusang tumulo ang luha ko ng makompirma kong si Frio ang lalaking yun.

Wala syang awa.






WHY DID WE MEET(OTMT: BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon