A/N:RATED PG
BETTINA'S POV:
"How could he... "
Nakatitig lang ako sa pinto kong saan lumabas si Frio. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa nya sakin.
Matapos nyang icancel ang kasal at sumama sa babaeng yun, sinundan pa rin nya ang babaeng yun?
Iam close to have him... pero nawala ang pag asa ko nang umuwi kami sa Pilipinas.
Sana talaga hindi nalang kami umuwi. Sana lang talaga hindi ko nalang inimbitahan ang babaeng yun sa bridal shower, sana na lang talaga nalunod nalang sya noon.. sana lang talaga natuluyan na sya noon.
She should have died---
Kinuyom ko ang kamao ko. Hindi ko maituloy tuloy ang sasabihin ko. Nanghihina ako.
Napaupo nalang ako dahil pakiramdam ko naubos lahat ang lakas ko.
Naramdaman ko nalang na nagvibrate ang phone ko. Nanginginig na kinuha ko yun sa bulsa nang suot kong maong skirt.
Pagkakuha ko nun nakita ko nalang sa screen nito ang unregistered number sa phone ko.
Dahan dahan kong inilapit yun sa tenga ko.
"Sino to? "
"Its been a long time Bettina"
Ang boses na yun parang familiar.
"Sino ka ba?"inis ko nang litanya.
"Its me ...Larson"
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kabilang linya.
KATELYN'S POV:
"Ang sarap hindi ba? "
Andito kami ngayon sa icecream parlor, lahat yata ng flavor ng ice cream nailagay ko na sa bowl ko samantalang chocolate cream lang talaga ang pinili ni Frio na ilagay sa sarili nyang bowl.
Para akong bata na kain nang kain ng ice cream kahit na nasa harap ko tong lalaking nag paiyak sakin.
Saka lang ako tumigil nang nakatitig na sa akin si Frio na parang may mali sa nangyayari.
"Bakit? "tanong ko na.
Tumawa lang ito sa sinabi ko. Saka nginuso yung mukha ko.
Kunot noo naman ang sagot ko sa kanya.
"Dahan dahan lang kasi... hindi ka naman mauubusan e"malambing na sabi pa nito.
Medyo nagulat pa ako nang kumuha sya ng tissue sa may table namin at pinahid ang parte nang labi ko.
Ewan ko ba, parang na awkward ako bigla nang tumingin sya sa labi ko kaya ako nalang mismo ang umagaw sa hawak nitong tissue at ako na rin ang nagpunas.
"Whats wrong? "Nagtataka nyang tanong dahil yata sa ginawa ko.
"Well... bakit nga pala tayo nandito? "Sabi ko nalang dahil, hindi ko talaga alam kong paano ko ieexplain sa kanya na nahihiya ako. Alam mo naman tong si Frio, pagtatawanan nya ako saka baka magmayabang pa yan no. Sabihin kinikilig ako sa kanya. Ganern 😒😒😒
"Favorite mo ang ice cream hindi ba? "
"Pano mo nalaman? "
Ngumiti nanaman ito sa harap ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/146816606-288-k936001.jpg)
BINABASA MO ANG
WHY DID WE MEET(OTMT: BOOK 2)
RomanceThis is the book 2 of Taming Mr tiger(OTMT). I SUGGEST THAT YOU GUYS SHOULD READ THE FIRST BOOK, BEFORE THE BOOK 2.TO KNOW THE BACK STORY :) T❤E❤A❤S❤E❤R Mahal mo ko... Mahal kita. Naghintay ka. Buong puso kitang tinanggap. Pero bakit mo ko iniwa...