Chapter 1

47 5 0
                                    


rhianne jeane

"Sumama ka na kasi. Minsan lang naman toh eh." sabi ng pinsan ko.

Nangungulit siya na sumama ako sa pesteng Summer Camp na yan.

Mas gusto ko pa dito sa bahay na lang at kachat ang Crossbond Lovers kesa pumunta sa pesteng Summer Camp na yan.

"Bat ba kasi ang kulit mo ha? Sinabing ayoko sumama dyan eh. Mas gusto ko pa dito sa bahay kesa pumunta sa Summer Camp na yan." sabi ko

Ewan ko ba dito sa pinsan kong toh. Gustong-gusto pumunta sa mga bagay na ganyan.

Ako nga pala si Rhianne Jeane Cruz. I was born on March 24. Mag-kasunod lang kami ng birthday ni Mark Reyes.

Diba alam na alam ko. Syempre fan na fan ako ni Mark at nang Crossbond eh kaya kilalang kilala ko sila. Mag-gragrade 11 na ako next school year.

"Huy Rhianne. Sige na please!! Pagbigyan mo na ako please!!" pag-mamakaawa niya.  Nag puppy eyes pa ang ate mo.

"Paano nga kung ayaw ko sa ganyang bagay? Ni wala nga akong mapapala diyan sa pagsama ko sayo diyan sa camp na yan eh." Cold kong sabi

"Rhianne naman eh." Sabi niya sabay pout "Okay ganto na lang. Samahan mo ako sa Summer Camp tapos pag may Meet and Greet ang Crossbond sasamahan kita at ililibre? Deal?" Dagdag niya

Dati kasi gusto ko pumunta sa Meet and Greet ng Crossbond pero ayaw niya ako samahan. Gusto ko sana pumunta pero wala akong kasama.

"Uhmm pag-iisipan ko pa" sabi ko

"Pag-iisipan pa? Rhianne naman eh. Sa makalawa na ang Summer Camp oh. Sige na payag ka na? Please?" Sabi niya

Ang kulit talaga nito. Bahala na nga. Tsaka minsan lang naman toh. Bakit di ko subukan diba

"Oo na. Oo na." Napilitan kong sabi

"Yehey! Thank you Pinsan." Tuwang-tuwa niyang sabi. "Ito nga pala ang mga dadalhin mo" dagdag niya

Kinuha ko naman ito.

Things to bring:

1. Flashlight
2. White T-shirts
3. Pillows
4. Blanket
5. Raincoat
6. Jacket
7. Hikking shoes
8. Lantern

Lantern? Aanhin naman namin yang lantern na yan?

"Wait! Cess alam ba toh ni mommy?" Tanong ko sakanya

"Of course alam ng mommy mo. Alangan namang pilitin kitang hindi alam ng mommy mo." sabi niya.

"Oh siya sige. Alis na dito. Chupee" sabi ko at tinulak ko siya palabas ng kwarto ko.

Bukas na lang ako mag-prepare. Bahala na. Mag-mmesage na muna ako sa Gc naming Crossbond Lovers.

5th Crossbond Lovers Ofc.Gray

Admin Rengeline
May meet and greet ang crossbond sa QC.

Angel
Kailan po?

Kailan po Admin Reng?

Admin Rengeline
Sa April 11 daw eh. Magbabakasyon lang daw muna ang Crossbond tapos Mag-memeet and greet. Sino ang pupunta?

Ako po! Anong exact time and exact place admin?

Angel
Ako po pupunta

CROSSBOND: Once Upon A Summer Where stories live. Discover now