Chapter 18

7 5 0
                                    

Laoag.

Kasalukuyang andito na kami sa Laoag at nag-stay muna kami sa isang hotel dito para magpalipas ng gabi.

Bukas na lang ulit kami mag-tratravel papunta sa Pagudpud para mas makita namin yung ganda daw ng wind mils.

Pumunta na kami sa kainan dito para kumain ng dinner. Maya-maya rin ay pupunta kami sa tabing-dagat.

Kami lang ni Stacey ang magka-room at silang tatlo naman ang magkakatabi. Tapos yung apat na lalaki ang magkakatabi. Isang gabi lang naman kami rito kaya hindi na sila nagreklamo pa.

Matapos kumain ay pumunta nga kami sa tabing dagat. Pero dahil madilim ay ayaw na nilang maligo roon kaya sa swimming pool na lang kami pumunta.

Umupo ako sa mga upua rito at pinanood lang sila sa paliligo nila sa swimming pool. Dahil lamigin talaga ako, hindi na muna ako nakisama sakanila maligo ngayong gabi. Grabe din pala dito kapaga gabi noh? Sobrang lamig.

"Rhianne, lika na. Swimming ka naman oh?" sigaw ni Stacey sa akin.

Umiiling naman ako sakanila bilang sagot. Wala pa akong balak maligo ngayon dahil nga malamig baka magka-sakit pa ako at hindi ma-enjoy itong outing namin. Sayang din kapag nagka-taon.

Nagkalikot lang ako sa aking cellphone habang sila ay naliligo sa swimming pool.

Nagulat naman ako ng may naramdaman akong basa sa tabi ko. Si Emey lang pala, binigyan ko naman siya ng tuwalya na nasa tabi ko para hindi niya ako mabasa.

"Are you on your period?" panimula nito. Tiningnan ko naman siya, ano naman ang pumasok sa isipin niyang meron ako?

"Nope."

"Then, why don't you join us?"

"Malimig kasi, lamigin pa naman ako. Saka na lang kapag nasa Pagudpud tayo para hindi ako magka-sakit."

Matapos ng usapan na yun ay wala na ulit nagsalita sa amin. Hanggang sa naisipan ko na lamang pumunta sa room namin para matulog na. Dahil panigurado mamaya pa sila aahon.

"Pumunta na ako sa room, paki-sabi na lang sakanila." paalam ko sakanya.

Tumayo naman na ako at naglakad palayo. Narinig ko naman na sinabi ni Emey yung sinabi ko pero nagulat na lang ako ng may basang kamay na umakbay sa balikat ko.

Tinanggal ko naman iyon at tiningnan kung sino iyon.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sakanya pero hindi niya ako sinagot at patuloy sa paglalakad patungo sa mga room.

Pagdating namin roon ay papasok na sana ako sa kwarto kaso tinawag niya ako.

"Bakit?" tanong ko sakanya pero tiningnan lamang niya ako. Pinalo ko naman siya para tumigil na siya sa kakatitig sa akin dahil naiilang na ako sa mga tingin niyang iyon.

"I-i just wanna say Good night. Sweet dreams." sabi niya at bigla na lang ako hinalikan sa pisngin. Natulala naman ako sa ginawa niya.

Hinawakan ko yung pisngi kong hinalikan niya. Nakatulala akong pumasok sa kwarto, humiga ako sa kama na nakatulala lamang sa kisame. Ilang minuto rin akong nakatulala hanggang sa nag-process sa aking isipan ang kaniyang ginawa.

Gumulong-gulong ako sa kama at sumigaw ng walang boses. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin kapag hinalikan ka ng ultimate crush mo noh? Tsaka walang boses din akong sumigaw baka marinig niya at akalaing kini-kilig talaga ako which is tama naman siya doon pero dalagang-pilipina dapat tayo noh.

Kinaumagahan, nagising ako ng maaga. Ganun rin si Stacey, maaga kaming mag-lilibot na muna rito sa Laoag saka kami magrorooud trip rito sa Ilocos.

CROSSBOND: Once Upon A Summer Where stories live. Discover now