Chapter 14

14 5 0
                                    

Summer Camp Last Day 1.04

"Ako na lang mauuna!" sabi naman ni Stacey. Si Stacey talaga yung pinakaenergetic sa amin.

Tumango naman na lang kami bilang sagot na mauna na lang siya.

"Uhmn May mamimiss ako, Hindi ako ampon, may boyfriend na ako!" sabi niya

Well truth yung may mamimiss siya kasi mamimiss niya kami. Hindi ko lang alam kung saan dito sa dalawa ang lie. Feeling ko yung may boyfriend siya yung lie.

"May boyfriend ka," sabi ko at ni Mico


"Hindi ka ampon?" Sabi nilang seven Hala kami lang ni Mico yung may boyfriend siya?

"Well ang lie is yung may boyfriend ako." sabi niya "Tsaka hello? Kailan pa ako nagkaboyfriend.?" Dagdag niya

Tumalon naman ako sa tuwa akala ko na mali ako, baka magtampo pa sa akin si Stacey kasi hindi ko siya kiala. Siyempre parang bestfriend na ang turing ko sakanya.

Well kailangan talaga makuha natin lahat ng lie para hindi tayo mahatulan ng consequences.

"Uhmm ang consequence niyo ay hug the person you're gonna miss here." sabi ni Stacey. Ambilis naman yun.

First na gumawa si Bryan hinug niya kaming lahat. Tapos ganun rin sina Mia at Zoe. Si Ken naman sino pa ba? Edi si Stacey. Well si Megan at Kit ayun nagyakapan.

Inlove yata yan sina Stacey at Ken sa isat isa eh pero hindi pa sila. Ewan ko diyan sa dalawang yan.

"Okay tama na yan sino sunod?" tanong ko

"Anong sunod na? Si Mark pa kaya," sabi naman ni Stacey

Napahiya naman ako doon. Tumayo na si Mark. Di na ako tumingin dahil nakakahiya talaga yung ginawa ko ano.

Bigla na lang ako nakaramdam ng kamay na humawak sa kamay ko. Tiningnan ko si Mark, oh no, Mark what you doing dude?

Tumayo naman ako baka mapahiya nanaman ako. Yinakap niya ako, nahihiya akong yumakap pabalik. Kumalas naman na siya ng yakap.

Umupo naman na ako.

"Uyy ano yun ah kayo ha!" pang-aasar naman ni Stacey

"Ako na lang sunod," sabi ko na lang

Wait ano ba pwedeng sabihin na lie?

"Uhmm May kapatid ako, May pinsan ako dito sa camp, Nasa abroad daddy ko." sabi ko

Ano kaya pwede I consequences sakanila? Uhmm alam ko na. Well ang lie eh yung nasa abroad si Daddy. Well nasa heaven na kasi siya and may pinsan ako dito at may kapatid ako pero nasa heaven na rin siya kasama si Daddy.

"May kapatid ka." sabi ni Zoe, Mia, Stacey, Bryan, Ken at Megan

"Nasa abroad daddy mo." Sabi naman ni Mico, Mark at Kit

Wow paano nila nalaman yun?

"Ang lie is my daddy is in abroad because my daddy is in heaven na." Sabi ko

"Eh diba you said you wanted to have a sibling." nagtatakang tanong ni Mia

"Well hindi pa kasi ako tapos noon magkuwento tsaka sinabi ko rin naman kanina about my trauma sa nangyari sa daddy at brothers ko.  Yes I've wanted to have a sibling and natupad yun but sadly when mommy gave birth him, he has an i'll condition at ilang weeks lang namin siya nakasama and kinuha na siya sa amin ni lord and after a month daddy got into accident kaya sumunod naman siyang kinuha ni Lord. And that's the start of my trauma." kuwento ko sakanila

CROSSBOND: Once Upon A Summer Where stories live. Discover now