Chapter 6

21 7 0
                                    

Summer Camp Day 02.2

"Wohoo Good job guys! We did it." tuwang tuwa kong sabi

Guess what guys? Syempre nanalo lang naman kasi sa Tug of war. Kami pa ba? Malalakas kaya kami. Lalo na ako

Hehe joke lang. tsamaba lang namin yun. Pero manalo matalo atleast nag-enjoy ang bawat isa sa amin diba?

Hindi naman kasi kami pumunta dito para manalo ih, pumunta kami dito para matuto at mag-enjoy. As if ginusto ko na mapasama dito pero atleast kahit papaano hindi ko na pinag-sisisihan na sumama ako kay Cess dito.

"Once again, Congratulations to the group of Rhianne for winning the first game. Don't be sad sa mga hindi nanalo. May chance pa kayo para bumawi dahil may dalawang game pa tayo. But first pahinga na muna kayo ng 5 minutes as we ready sa mga gagamitin para sa next game. Good luck campers." sabi niya tapos pumunta na doon sa table ng mga facilitator.

"Guys,doon muna tayo banda doon." sabi ni Emey tapos tinuro sa ilalalim ng puno.

Umupo kami lahat doon.

"Alam niyo ba guys? Nakakatawa kanina si Bryan nang binitawan nila yung tali. Nasubsob si Bry sa lupa." sabi ni Mia na tawang-tawa

Si Bry naman ayun pinag-tatawanan ang sarili. Nakita ko nga rin kanina ih. Kaunti na lang halikan na niya yung lupa. Imbes na pahiga siya natumba parang hahalikan na niya yung lupa.

"Si Rhianne naman kanina nasobs--" bago pa niya sabihin yung nakita niya kanina tinakpan ko na yung bunganga niya. Stacey talaga ang ingay. Napaka-ano sarap punuin ng buhangin yung bunganga niya para hindi niya masabi yung nakita niya

"Uyy ano yan ah? Share niyo duga niyo." sabi ni Zoe

"Oo nga share niyo." sabi naman ni Bry

"Wala yun. Wag kayo maniwala diyan kay Stacey. Nagbibiro lang siya." sabi ko tapos nginitian ng masama si Stacey

Pero ayun tinawanan lang ako. Ito talaga walang pinag-iba sa pinsan ko. Ma-bunganga rin. Baka mabuking ako kay Emey ih.

Tumingin ako kay Emey, nagtama yung mga mata namin pero agad akong umiwas. Nakakahiya jusme. Kasi naman ih.

Ganto kasi yun kanina bago kami manalo muntik na akong masobsob sa lupa pero buti na lang nasalo ako ni Emey. Sa kasamaang palad na-out of balance siya kaya sabay kaming bumagsak sa lupa. Muntik na magdikit yung mga labi namin buti na lang nacontrol ko yun.

Jusko nakakahiya. Awkward! Kasi naman napaka-clumsy ko tsaka sino ba naman kasi hindi matutumba kung biglang bibitawan ng kalaban yung tali diba?

Change topic na nga. Sobrang nahihiya na ako.

"Okay campers, settle down. Time is up. Magsisimula na tayo for the next game natin." sabi ni ate Maeca

Ano kaya next game namin? Siguro ano, de joke wala akong alam. Pagpasensyahan niyo na ako ganto lang talaga ako mag-isip 

"Ang secong game lang naman natin aysimple lang naman. Alam kung alam niyo ito. Just answer my questions and run toward and pick either is letter A, B or C. Every questions ay iba ang tatakbo. Saka lang mauulit kung tapos na lahat. Kung sino ang unang maka-abot ng 10 ay siyang mananalo. Good Luck campers!" sabi niya tapos inayos na yung upuan na may mga nakasabi na letrang A B and C

I smell something exciting ah!

Mark POV

Oh! Wazzup mga kajijimon. This is my first ever Point Of View. Buti pinagbigyan ako ni Miss Author. Syang naman yung mukha ko kapag, biro lang. Ganda talaga ni Miss Author ih noh guys?

CROSSBOND: Once Upon A Summer Where stories live. Discover now