Pag-uwi na pag-uwi nila sa kani-kanilang bahay ay hindi mapakali si Mark dahil sa kaniyang pag-amin kay Rhianne. Hindi niya mawari kung ano ang naramdaman ng dalaga nang umamin ito sakanya.
Kaya't napagdesisyonan nito na pumunta sa bahay nina Rhianne para umakyat ng ligaw at ipaalam ito sakaniyang nanay. Natakot sa una si Mark pero mas iniisip niya yung nararamdaman niya at ang ikakasaya ng dalaga.
Pagdating niya sa bahay nina Rhianne, nagulat si Rhianne dahil sa pagdating ni Mark sa kanilang tahanan. Samantalang sa isip ni Rhianne 'buti na lang at nakaligo na ako'.
Pinapasok niya muna si Mark at pina-upo kahit pa man hindi niya alam ang dahilan bakit nandito ng kaaga ang binata.
"Oh iho, andito ka pala. Tara sumabay ka na sa amin."
Tumango naman na lang siya sa mommy ni Rhianne. Pumunta naman na ang mommy ni Rhianne sa kusina para iprepare ang mga pagkain sa lamesa samantala ang dalawa ay nananitili sila na naka-upo sa sala.
"Bakit ang aga muna naman ata napadalaw rito? Wala ka pang kasamang iba? May binabalak ka noh?"
"Secret, tara na nga lang sa kusina"
Hinila niya ang dalaga papunta sa kusina at tinulungan nga nila ang mommy ni Rhianne. Pagkatapos ay kumain na sila. Tahimik lamang silang kumakain, ang dalawa ay magkatabi samatala ang mommy ni Rhianne ay nasa gitna. Pagkatapos nilang kumain ay nagprisinta si Mark na magligpit at maghugas ng kanilang pinagkainan nila. Ngunit hindi pumayag ang nanay ni Rhianne kaya tinulungan na lamang nito ni Rhianne dahil hindi rin pumayag si Mark dahil nakikikain na nga lang daw siya.
Pagkatapos ay pinuntahan na muna ni Mark ang mommy ni Rhianne para maka-usap patungkol sa kaniyang pag-akayat ng ligaw sa kanyang unica hija habang inaayos naman ni Rhianne ang mga hinugasan nilang plato.
Nagulat ang nanay ni Rhianne sa revelation na dala ni Mark ngunit siya'y nasiyahan ng malaman nito na may maaalaga na sa kaniyang anak kung sakali man na mamatay na ito.
Pumayag siya sa panliligaw nito sa kaniyang anak ngunit sinabi nito na nasa anak pa rin niya ang desisyon kung tatangapin niya ba ang nararamdaman ng binata sakanya.
Hindi na lang muna pinaalam ni Mark kay Rhianne ang kaniyang panliligaw, gusto nitong idaan na lang sa paramdaman. Gusto nito iparamdam na sobrang espesyal ang dalaga sakanya kahit sa panliligaw pa lang ito sakanya.
Pinaka-usapan na rin ni Mark ang mommy ni Rhianne na wag na muna ipaalam sakanya ang gagawing panliligaw nito at mga surpresa na kaniyang gagawin sa dalaga.
Ang balak nito ay kaniyang dadalawin ang dalaga araw-araw sa kanilang bahay, Quezon City to Manila. Binalewala nito ang hirap na magbiyahe para lang kay Rhianne.
Sa pagdalaw nito araw-araw sa kanilang bahay ay palaging may tatlong rosas na dala ang binata para kay Rhianne. Napansin na rin ng dalaga ang kakaibang inaakto ng binate patungo sakanya kaya hindi niya napigilang magtanong sa binata ngunit isang ngiti lang ang sinagot ng binate sakanya na mas lalong nag-bigay sakanya ng isang tanong sa kanyang isipan.
Kinuwento naman ni Rhianne ang mga nangyayari sa kaniyang kaibigan na si Stacey.
"Alam mo ba may kakaibang nangyayari kay Mark?" tumawa naman sa kabilang linya si Stacey, dahil pati ito ay kina-usap ni Mark. Alam kasi ni Mark na sobrang special ni Stacey para sa dalaga kaya pati siya ay kinausap niya patungkol sa kaniyang panliligaw nito sakanya.
"Paanong kakaiba?" nagkunwari na lang nitong sabi
"Palagi ba naman kasi andito sa bahay tapos palagi pa niya ang binigyan ng tatlobg bulaklak. Ang weird lang kasi ng mga kinikilos niya."
![](https://img.wattpad.com/cover/146690166-288-k670138.jpg)
YOU ARE READING
CROSSBOND: Once Upon A Summer
FanfictionCROSSBOND: Once upon a Summer A fangirl who dreamed to meet her idol. Crossbond is a famous group of singer. All members knows how to sing of course and also dance. This group was made by Sir Jahmes Garcia, their manager. One summer, Rhianne was for...