Summer Camp Day 4
Naglalakad na kami papunta sa Hall. Kasama ko sina Bryan, Mark, Megan, Kit, Ken at Francis. Naiwan sina Stacey, Mia at Zoe.
Sabi ko sakanila gawin na lang nila yung gusto nila. Kung gusto nila matulog di matulog sila. Tsaka sino naman kasi maboboring kung tatatlo naman na sila doon diba?
Excited na ako magluto mamaya haha. Para akong timang parang di ko naman pinagluto sina stacey eh noh? Pero this is my first time kasi na makisali sa cookfest dahil remember hindi naman po ako palakaibigan noon at ayaw na ayaw ko sumali noon.
Pero ngayun heto ako I'm facing my fears. I'm so Proud of myself. Iba pala yung feeling na nanalo ka sa isang paligsahan noh?
Sana nga alam ko yung lulutuin ko dahil kung nagkataon? Pero di pa ako sure kung sila ba ang magdedecide ng lulutuin namin or kami yung magdedecide ng lulutuin namin.
Pagpasok namin sa loob ng hall kaunti pa lang ang mga tao. Ilan kaya yung sasali sa Battle of the bands eh noh? Naeexcite ako para sakanya, sana naman manalo sila kahit nasa top 3 lang sila eh noh? Pero mas okay kapag sila yung champion
Umupo na sila sa mga upuan pero kami ni Mico nakatayo pa rin syempre para sa mga makikisali lang sa BOB yung mga upuan na nakalagay. Maya-maya kasi dadarating si Ate maeca siya daw yung magiintruct sa amin.
"Ilan kaya yung sasali sa BOB [Battle of the bands] eh noh?" sulpot na sabi ni Mico
"Di ko nga rin alam eh." sabi ko.
Ilan kaya talaga eh noh? Hayy bahala naman, may trust naman ako sa kagroup ko kaya alam kung mananalo sila, syempre may trust din ako kay GOD kung ano man ang plano niya para sa amin.
After ng ilang minuto dumating na si Ate Maeca, pumasok na kami sa kabilang room. Tapos umupo na kami ni Mico. Syempre tabi kami kasi magkagroup kami eh.
Hindi ko na pinaalalahanan yung mga sasali sa BOB dahil alam ko naman na kaya na nila yun sabi ko nga kanina may trust ako sakanila tsaka alam ko naman na responsible sila kaya haha
Pero sabi kasi kaninang umaga eh dapat nandoon daw dapat yung leader sa meeting ng BOB pero dahil kasali naman ako sa BOB kaya binilin ko na lang kay Mark yun at pinapasabi ko na lang na sabihin na kasali ako sa Cookfest tsaka sasabihin na lang niya sa akin mamaya yung pinag-usapan nila
"Okay good morning! Nandito na ba kayo lahat?" sabi ni Ate Maeca
Umiling naman yung iba.
"Okay then alam niyo naman na siguro na hindi ordinary na cookfest yung gaganapin mamaya eh noh?" sabi ni Ate Maeca
"Opo." sabay sabay naming sabi
"Alright sinasabi ko na sa inyo dahil kayo na mismo an magsasabi sa mga groupmates niyo para game na agad mamaya dahil kung ieexplain pa namin mamaya waste of time gets? Yung game is parang basketball which my 5 boxes na kung saan sila magshoshoot ng mga ball. And every boxes may time na nakalagay. Tig-dalawa lang ang every member. Kung ilang minutes or hour ang makuha nila ay yun ang time na gagamitin niyo para magluto. Kung 20 minutes lang is twenty minutes lang talaga yung gagamitin mo para magluto. Find a way para mabilis kayo magluto pero dapat hindi lang basta luto dapat masarap yung luto niyo. Yun yung twist so be ready. Just simple as that na gets ba?" sabi ni Ate Maeca
Wow! just wow, mahirap pala ng kaunti ha. Pero ang fun kaya magshoot kahit di ko alam magshoot ng bola. Medyo challenging rin pala ito ah.
Nakakaexcite naman kahit papaano. Pero gaano ako ka-excited ganoon din ang kabog ng puso ko, kinakabahan kasi ako eh.
YOU ARE READING
CROSSBOND: Once Upon A Summer
FanfictionCROSSBOND: Once upon a Summer A fangirl who dreamed to meet her idol. Crossbond is a famous group of singer. All members knows how to sing of course and also dance. This group was made by Sir Jahmes Garcia, their manager. One summer, Rhianne was for...