Summer Camp Day 1
Gumising na ako. Tulog pa sila lahat. Anong oras na oh.
6:12 na pala. Magluluto pa kami ng breakfast namin. 8:00 may program kami mamaya. Bumangon ako at pumunta sa higaan ni Stacey
"Stacey gising na! Magluluto pa tayo ng breakfast natin." pang-gigising ko sa kanya
"Maaga pa." sabi niya tapos nagtaklob ng kumot.
Ayy oo nga pala. Double deck lahat ng Kama dito. So kaming mga babae is nasa baba kami tapos yung mga lalaki sa taas sila.
Si Kuya Francis ang nasa taas ko I mean yung natulog sa taas ng double deck dahil daw mas gusto niya dun.
Umalis na lang ako. Puyat kasi sila kagabi ah. Nagkwentuhan pa sila kagabi. Ako nauna na akong natulog kagabi kasi antok na antok na ako.
Ako na lang magluluto ng breakfast namin. Bahala na. Hindi ko pala nasabi na binigyan nila kami kagabi ng mga grocery namin.
Kasama na dun yung binayaran namin. Kagabi lang kami kumain dun sa Mini Restaurant. Iclo-close nila yun. Kailangan daw na kami ang magluluto ng pagkain namin
Nagsaing ako ng bigas. Egg tsaka tosino na lang yung lulutuin ko.
"Good Morning."
"Ay palakang baboy." gulat kong sabi. Bigla naman tung nanggugulat. Sino ba toh?!
Tumingin ako sa nag-good morning sa akin. Si Kuya Mico lang pala.
"Magugulatin ka pala." sabi niya
Nahiya ako bigla. Tinuloy ko na lang ang pagluluto ng pagkain namin. Tiningnan ko yung kanin. Medyo okay na siya. Hininaan ko kunti.
"Napuyat yata silang lahat kagabi. Tulog na tulog pa silang lahat." sabi niya
"Oo nga Kuya eh. Mukhang pagod silang lahat." sabi ko habang nagluluto pa rin ng tosino
"Ano ka ba wag muna akong kuyahin." sabi niya tapos ngumiti siya
"Hindi ako sanay eh. Yun naman kasi talaga tawag ko sayo tapos mas matanda ka po sa akin." sabi ko
"Kahit na isang agwat lang naman eh." sabi niya
Wala na akong masabi. Tinuloy ko yung pagluluto.
"Ayy oo nga pala matanong ko. Bakit mo kami kilala ni Mark?" Tanong niya bigla
"Fan ako ng Crossbond." masigla kong sabi. I am proud to be thier fan cause honestly they are all talented. Not only talented but they are also kind and handsome.
"Oh Fan ka pala namin." sabi niya tapos kinuha yung kanin tapos linagay sa lamesa.
"Matanong ko nga Kuya. Bakit hindi kayo kilala ng iba dito." sabi ko
"Sabing wag na Kuya eh. Francis na lang or Mico. Uhmm sinandya talaga namin na hindi kami kilala ng mga tao dito para makapagrelax kami." sabi niya
Ohh ganun pala yun. Pero pwede naman na pumunta na lang sila sa beach diba mas relax pa sila dun.
"Pero pwede naman kayo magrelax pagmag-beach kayo diba. Mas magrerelax pa kayo dun" sabi ko
"Pwede naman yun. Mag-bebeach talaga sana kami. Pero nag-suggest si Jamil why not mag-camping daw kami. Nag-agree naman kaming lahat. Mas gusto kasi namin yung nag-e-enjoy kami and we meet people" sabi niya
Tumango tango na lang ako. Wala akong masabi eh.
Tapos na maluto yung tosino tsaka itlog. Linagay ko sa lamesa tapos kumuha ako ng mga pinggan at kutsara. Pupunta na sana ako para gisingin sila pero pinigilan ako ni Kuy-- ay este Mico pala
YOU ARE READING
CROSSBOND: Once Upon A Summer
FanfictionCROSSBOND: Once upon a Summer A fangirl who dreamed to meet her idol. Crossbond is a famous group of singer. All members knows how to sing of course and also dance. This group was made by Sir Jahmes Garcia, their manager. One summer, Rhianne was for...