CHAPTER I

1.1K 22 0
                                    

YEAR 2018

"Ate Esperanza, Ate"

"Esperanza! Esperanza!"

"H-hindi, h-hindi, hindi, Hindi!" Biglang nagising si Elyca, hingal na hingal siya. Tinignan niya ang alarm clock sa gilid ng kama niya

"It's 3 o'clock in the morning, OMG! a nightmare but why? I don't get it, E-esperanza? Who is she and what kind of name is that?" Humiga ulit si Elyca at nagtaklob ng kumot at sinubukang matulog muli pero hindi siya basta basta makatulog dahil sa napanaginipan niya, kaya ilang oras din siyang nagpaikot ikot sa kama.

"Ma'am gising na po, late na po kayo, Ma'am"

"Hmm, ano ba"

"Ma'am gising na po, late na po kayo ma'am"

"Ano ba?!" Napaurong ang katulong nila Elyca ng sinigawan siya nito

"M-ma'am late na po kayo, kanina pa po kayo ginigising ng mama niyo po pero hindi po kayo gumising kaya dumiretso na po sila ng opisina"

"What?! OMG! Yaya! Bakit naman hindi mo ako ginising ng mas maaga, ano ba yan, tumabi ka nga diyan! Nakakainis ka naman eh!" Tumabi sa may gilid ang katulong ni Elyca at napayuko lang siya. Nagmadaling pumunta sa C.R si Elyca, inihanda na ng katulong niya ang uniporme at gamit niya papasok.

Si Elyca Torres ay anak nila Josephine at Marcelo Torres, isang mayaman at negosyante ang kaniyang magulang, may-ari sila ng isang kompanya. Maganda, at masasabi mong perpekto pag dating sa pisikal na aspeto. Panganay si Elyca, ang kapatid naman niya ay si Kyle, si kyle ay high school student. Matalino, mabait at mapagkumbaba, ibang iba sa ugali ni Elyca, si Elyca na masungit, mataray, spoiled, mapagmataas, walang pake sa iba, at iba pang masamang ugali na talagang aayawan ng lahat pero dahil isa siyang anak mayaman ay hindi siya nauubusan ng mga kaibigan, na hindi naman tumatagal ang iba. Ang iba naman kapag tumagal ay yung siguradong kaugali niya rin. Sumakay na sa kotse si Elyca, nasa kabilang kotse naman ang mga katulong niya. Wala siyang ibang kasama kung hindi ang driver nila at ang body guard na magkatabi sa harap. Dahil ayaw na ayaw ni Elyca ang mapadikit sa mga katulong o empleyado nila, kaya hangga't maaari ay hindi dapat siya tatabihan ng mga ito. Nagsitabihan ang mga estudiyante ng nakita nilang paparating na ang kotse ni Elyca. Dali daling bumaba ng kotse ang mga katulong at nagpunta sakaniya, pinagbuksan siya ng pinto ng mga katulong at pinabuhat niya ang maliit na bag niya sa isa sa mga ito, sinundan nila siya hanggang sa makarating sila sa room ni Elyca.

"Go! I don't want to see all of your ugly face" sabi ni Elyca sakanilang katulong, dali dali namang yumuko lahat sila at umalis. Pumasok si Elyca na parang wala lang kahit halos kalahating minuto na siyang late sakanilang klase

"Ms. Torres" pagsingit ng professor nila habang naglalakad si Elyca papunta sakaniyang upuan.

"Why ma'am?" nginitian niya ito at dumiretso na sa pagupo

"You're too early for tomorrows class" sagot ng prof. niya sakaniya na halos magdikit na ang kilay

"Ma'am, FYI, I'm already a college student not a grade school student so please stop, you're getting into my nerves" Mas lalong nainis ang professor nila sa pagsagot ni Elyca pero hindi na niya ito pinatulan dahil wala naman siyang magagawa pa, nagpatuloy na lamang siya sa tinuturo niya.

"Hi sissy" Pagsingit ni Joan, si Joan ay isa ding anak mayaman, kilala din ang pamilya niya, politiko ang papa niya at doktor naman ang mama niya. Si joan ay kagaya rin ni Elyca, halos hindi nalalayo ang kanilang ugali kaya hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila ni Elyca. Hindi siya sinagot ni Elyca, tinignan lang siya ni Elyca at inirapan. Natawa nalang si Joan at inirapan din si Elyca.

Now That I've Found You Book II: 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon