CHAPTER V

422 15 1
                                    

Kinaumagahan ay nagayos at pinaimpake na sila Elyca para bumalik sila ng Manila, nagmamadali ang mga katulong sa pagimpake at pagayos ng mga kailangan ayusin dahil natatakot sila na mapagalitan ni Elyca, nainip si Elyca sa paghihintay kaya nagpasya muna siyang lumabas muuna at maglakad lakad ulit, nakita niya si Anne sa may souvenir shop kaya naglakad siya patungo doon para kausapin si Anne.

"Hi Anne" Nakangising tawag ni Elyca kay Anne, napalingon naman si Anne at nginitian niya din si Elyca.

"Maupo ka, Pauwi ka na?" Tanong ni Anne kay Elyca

"Yup, nagaayos na ng gamit yung mga maid, how about you? Hindi ka pa ba uuwi?" Napangiti naman si Anne kay Elyca at tumango

"Are you serious?" Pagtataka ni Elyca tumango lang si Anne

"Uhm okay, ano pa ba gagawin mo?" Tanong ulit ni Elyca kay Anne

"Wala naman, gusto ko lang magpahinga pa" Ngiting sagot ni Anne kay Elyca

"Okay, just message me ha pag nakauwi ka na" Pagkatapos nila magusap ay umalis na si Elyca at naglakad ulit, hindi na naman niya alam kung saan siya tutungo basta ang alam niya ay maglalakad lakad lang siya dahil naiinip na siya sa paghihintay sa pagaayos ng mga gamit niya, habang naglalakad ay napansin niyang naglalakad papalapit sakaniya si Josh, kumakaway ito at napakalaki ng ngiti, nang makalapit na siya ay agad niyang kinumusta si Elyca.

"How are you my lady?" Ngiting tanong ni Josh kay Elyca

"I'm okay" Matamlay na sagot ni Elyca kay Josh, napabuntong hininga si Josh at ngumiti ulit ng pagkalaki laki, muli niyang kinausap ni Elyca

"Eh bakit ka malungkot kung ayos ka lang?" Nakangiting tugon ni Josh kay Elyca, naghintay si Josh na ngumiti si Elyca at sagutin ang tanong niya ngunit wala, hindi siya nito kinibo. Napakibit balikat na lamang si Josh

"Narinig ko na babalik ka na daw sa manila later?" Muling sinubukan ni Josh kausapin si Elyca ngunit bigo pa rin siya, dahil hindi pa rin siya nito sinagot

"Ah! Alam ko na, bago tayo o ikaw bumalik ng Manila, sumama ka muna saakin" Malaking tugon ni Josh kay Elyca, napatingin naman ng masama si Elyca kay Josh at agad namang napangisi si Josh

"Don't worry, I will not hurt you, ngayon mo palang makikita yung pupuntahan natin, kaya let's go, come on" Hinila ni Josh si Elyca ng marahan, halata namang tinatamad si Elyca sumama dahil nahirapan humila si Josh kay Elyca pero dahil mas malakas si Josh kaysa kay Elyca ay agad niya itong nahila at napasabay sa paglalakad, habang naglalakad ay napapansin ni Elyca na para bang sumusukal ang dinadaanan nila, parami ng parami ang mga puno't damo sa paligid, hanggang sa malayo na sila sa resort nila Josh. Napatigil sila saglit dahil napagod sila pareho at hinihingal si Elyca dahil hindi siya handa na sa ganitong lakaran dahil nakadress siya na puti at buti na lamang ay nakasandal pa siya, naglakad muli silang dalawa, hawak hawak pa rin ni Josh ang kamay ni Elyca habang naglalakad. Bigla silang napahinto dahil pumiglas si Elyca mula sa pagakakakapit ni Josh sakaniya, humarap si Josh at napatanong kay Elyca

"Why?" Pagtatakang tanong ni Josh kay Elyca, na hawak hawak naman ni Elyca ang kamay niya

"S-saan mo ako dadalhin Josh?" Nanginginig at hapong tanong ni Elyca kay Josh, napakamot naman sa ulo si Josh at nagtataka na bakit parang natatakot si Elyca sakaniya

"Oh! Don't worry Elyca, malapit na tayo, wala akong gagawin sayong masama. PROMISE" Tinaas ni Josh ang kanang kamay niya na para bang sumusumpa, napagaan naman nito ang loob ni Elyca kaya nagpatuloy muli sila sa paglalakad. Mga huni ng ibon at lagaslas ng mga punong kahoy ang naririnig sa buong paligid, maya maya ay pa ay parang may naririnig si Elyca na hampas ng mga alon.

Now That I've Found You Book II: 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon