Chapter VIII
Natapos ang araw nila Elyca pero bigo silang makahanap ng sagot sa mga libro, wala din silang nakita sa internet kung ano nga ba at sino ang nasa panaginip niya. Alam niyang ang katulong nilang si Rosemary ang makakapagbigay sakaniya ng mga kasagutan ngunit bigo naman siya nung kinausap ito dahil hindi naman niya sinabi kung ano iyon at kung bakit niya napapanaginipan ang mga bagay na iyon pero hindi pa rin tumigil si Elyca sa paghahanap ng nga kasagutan.
"Hello sis, are you free later?" tanong ni Andrea kay Elyca
"No, I'm not feeling well right now. Why?" tugon ni Elyca kay Andrea, nagkukunwaring may sakit pero patuloy pa rin siya sa pag reresearch.
"Wag mo akong lokohin Elyca, I know na nagreresearch ka lang diyaan kaya get ready na at pupunta na kami diyan nila Gab" sagot ni Andrea kay Elyca, napairing naman si Elyca sa kabilang linya dahil hindi nakipag Videochat para di nila makita na nagreresearch siya.
"Okay, fine. Sasama na ako saan na ba kayo banda?" Inis na sagot ni Elyca kay Andrea
"Nasa may gate niyo na, pinagbubuksan na kami ng guardia niyo, mag ayos ka na! Faster!" agad naman binaba ni Andrea, napabunting hininga na lamang si Elyca at tinigil muna pansamantala ang pagreresearch. Tinawag niya ang mga katulong niya upang atusin ang susuotin niya. Pagkatapos mag ayos ay agad namang nagbihis si Elyca pag baba niya sa may sala ay naandoon na sila Andrea hindi na ito dumerecho sa kwarto ni Elyca dahil alam nilang hindi pa ito tapos mag ayos, agad namang nilapitan siya nila Andrea.
"Let's go Elyca, the party will start na" Sambit ni Andrea pagkatapos niyang makipagbeso kay Elyca.
"Ang tagal mo naman mag ayos Elyca" iritang sabi ni Gab sakaniya.
"Wait? Nasaan sila Anne?" Pagtatakang tanong ni Elyca kina Andrea.
"Nauna na doon, hinihintay na nila tayo" Sagot ni Gab
"I'm pretty sure that you'll enjoy the party tonight, there's a lot boys and drinks" nagtawanan naman sila Andrea at Gab
"Yes, a lot. Kailangan makarami tayo ha" nagtawanan ulit silang dalawa, habang si Elyca ay walang pakialam sakanila. Ngumiti lamang siya at nag kaniya kaniya silang sakay sa kanikanilang kotse. Nakasanayan na din nilang magkakaibigan na hindi magsasama sama sa iisang kotse kahit sinabi na ni Anne na sana daw kahit isang beses lang ay magsama sama sila sa iisang kotse pero sa tagal na nilang magkakaibigan ni isang beses ay hindi iyon nangyari. Pagkarating ay agad naman silang sinalubong nila Anne at tinanong bakit napatagal sila. Agad din naman silang sinalubong ni Josh kasama pa ang iba niya pang kaibigan na lalaki, nagkaniya kaniya silang partner.
"So, what's up?" Tanong ni Josh kay Elyca habang nakaupo sila at umiinom ng padahan dahan. Hindi naman siya kinibo ni Elyca na nakatulala sa malayo
"Hey, hello? Are you there?" Pangungulit ni Josh kay Elyca na bigla namang bumalik sa ulirat
"Oh! Sorry, I'm just thinking of something" Nakangiting tugon ni Elyca na napabuntong hininga
"Something? or Someone? Wag ka na magsinungaling saakin Elyca. I know everything" Nakangiting tugon ni Josh kay Elyca, napakunoot naman si Elyca at napalingon kay Josh
"Someone? Who? I don't know who and what are you talking about!" mariing sagot ni Elyca kay Josh na halatang naiirita na
"Nah! Don't deny it Elyca I saw it, you and that bullshit Jund are dating? Kailan pa? Nakita ko sumakay ka sa kotse niya. Did you already f*ck each other ha?!" Mariing tugon ni Josh kay Elyca na nagseselos
"WHAT JOSH? shut up! At bakit ka ba ganiyan ha? Nagseselos ka ba?" Inis na tugon ni Elyca kay Josh sa sobrang inis ni Josh ay binasag niya ang baso na iniinuman niya. Na agad kinagulat ng iba pang kasama nila
"You know what? I'm tired! Uuwi na ako" Agad namang tumayo si Elyca at iniwan silang lahat. Hindi siya dumerecho sa kotse niya, naglakad lakad muna si Elyca at naghahanap ng minimart para bumili ng tubig dahil bigla siyang nauhaw. Habang naglalakad ay bigla siyang kinabahan dahil may tatlong lalaking naglalakad na sumusunod sakaniya. Agad namang binilisan ni Elyca ang paglalakad at naramdaman niya ganun din ang mga sumusunod sakaniya kaya napagpasyahan ni Elyca na tumakbo at hinabol siya ng tatlong lalaki at bigla siya nito hinawakan at hinatak, nagpupumiglas si Elyca. Pinilit siyang hatakin ng mga lalaki sa madilim na lugar pero nagpupumiglas si Elyca, sinikmurahan siya ng isang lalaki kaya agad siyang nanghina. Kaya madali siyang nahatak ng tatlong lalaki papunta sa madilim na eskinita pero natigil ang mga lalaki ng maaninag niyang may sumapak sa tatlong lalaki at agad siya nitong binuhat at sinakay sa kotse. Unti unting nawalan ng malay si Elyca at tuluyan nang dumilim ang paligid
Candelaria.
Iniluwal ni Dolores ang anak nila ni Samuel naging masaya naman ang pamumuhay nila sa bago nilang tirahan, paunti unti ay naitaguyod nilang muli ang pamilya nila hindi man kasing rangya ng buhay nila noon ay ayos lamang sapagkat masaya naman sila sa buhay nila ngayon. Nagiba na ng pangalan sila Samuel at Dolores pati na din ng apilyido upang hindi sila matunton ng mga Gonzales, nagtatrabaho si Samuel sa tabacalera, si Dolores naman ay tumatanggap ng mga labahan para pandagdag kita nilang magasawa. Pagkarating sa bahay ni Samuel ay nakahanda na ang cerna nila at masaya silang nagsasalo salo.
"Samuel, mahal, mayroon akong natanggap na carta mula kay Padre Azul kaninang umaga ay dumalaw ako kina Comadre Felicidad sa bayan habang namimili, hindi ko pa ito ina-Abrir sapagkat gusto ko ay sabay nating babasahin ang laman ng sulat ni Padre Azul" masayang sabi ni Dolores kay Samuel habang sila ay kumakain, tumango naman si Samuel at ngumiti at nagpatuloy sila sa pagkain. Pagkatapos nila kumain at magayos ng hapagkainan ay agad naman nilang binuksan ang laman ng liham.
Mahal kong Dolores at Samuel,
Kumusta? Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Dumalaw dito ang iyong ama Dolores, alam mong alam nating lahat na pinapahanap ka ng iyong ama. Huwag ka magalala Dolores hindi na galit ang iyong ama, ilang beses siyang nagsusumamo dito na sabihan ka na bumalik dito sa San Francisco, naniniwala ako sa katapatan at pagmamahal ng iyong ama sayo at sa magiging apo niya kaya minarapat kong sulatan kayo upang ipabagid sainyo ang pabilin ng iyong ama. Nawa'y pagpalain kayi ng Dios ama
Lubos na nagmamahal,
Padre Azul De Estévez
Ikinagulat nila Samuel ang nabasa nila, hindi nila lubos akalain na ganoon ang sasabihin ni Padre Azul sa liham. Naguguluhan sila ni Samuel kung totoo ba ang laman ng liham, ang estilo ng pagulat ay kopyang kopya detalyado at hindi basta basta kinopya lamang. Kaya naguguluhan sila kung bakit ganoon ang sinabi ni Padre Azul na alam naman nilang lahat ay galit din sa pamilya ni Dolores. Nagsulat naman sila pabalik kay Padre Azul at bukas na bukas ay ipapadala nila ang sulat sa bayan. Hindi derechong binibigay sakanila ng Kartero ang mga liham dahil kaibigan nila ang kartero ay binibigay niya ito sa kakilala nila Samuel sa Bayan at doon nila ito kinukuha upang manatiling liham ang lugar kung saan sila namamalagi dahil alam nila pareho kung gaano kaimpluwensya ang pamilya ni Dolores. Kinabukasan ay agad pumunta sa bayan si Dolores bago dumerecho kina Felicidad ay dumaan muna siya sa simabahan upang magdasal. Habang nagdadasal nagulat siya sapagkat paglingon niya ay nakita niya ang isa sa Teniente sakanilang mansion na matagal na nanunungkulan sakanilang pamilya nakauniporme ito at tila may hinahanap kaya agad siyang nagtakip ng belo sa mukha dahan dahang naglalakad ang Teniente at inisa isang tignan ang mga babaeng nagdadasal sa simbahan, paunti unti ay papalapit na ito sa puesto niya, kaya dahan dahang tumayo si Dolores at nagmadaling maglakad papalabas ng simbahan agad naman itong napansin ng Teniente kaya nagmadali itong habulin si Dolores. Nagsisigaw sigaw ang Teniente "PARAR!" may mga kasama din itong iba pa na naghahabol kay Dolores dali daling tumakbo si Dolores sa may palengke upang makihalo sa mga taong naglalakad lakad at namimili at pagkatapos ay pumasok si Dolores sa may iskinita upang magtago nang biglang may humila sakaniya at tinakpan ang bibig niya. Natahimik siya ng makita niya si Samuel napabuntong hininga siya na parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib, dalidali silang tumakbo at kumatok sa isang bahay. Agad silang pinapasok ni Felicidad at nagsarado ng pinto at sila ay pinatago. Nagisa isang kumatok sa mga bahay bahay ang mga guardia at Teniente at nagawi sila sa bahay ni Felicidad
"Buenos dias Señora, ¿Viste a una mujer con un velo negro? caminando por aquí?" (Magandang umaga. May nakita ba kayong babaeng nakaitim na belo, na naglalakad malapit dito?) Malalim na tanong ni Teniente
"Lo siento Señor, ay wala ho akong napansin na babae na napadaan dine eh kung mayroon man ho ay iyon ay mga nakaBelong itim at panigurado galing iyon sa simbahan" Kalmadong sagot ni Felicidad kay Teniente na mukhang hindi siya nito pinaniniwalaan. Nginitian lamang siya ni Felicidad at wala na nagawa si Teniente at umalis na ito. Hindi muna pinalabas ni Felicidad sila Samuel dahil alam niyang ano mang oras ay babalik at babalik ang mga guardia at si Teniente dahil alam niyang iyon ang direccion na nilalagay nila Samuel sa Carta kapag nagpapadala kay Padre Azul pero hindi natatakot si Felicidad sapagkat si Felicidad ay isa ding maipluwensyang tao sa Candelaria at alam niyang hindi siya basta basta magagalaw ni Teniente at ng mga guardia.
BINABASA MO ANG
Now That I've Found You Book II: 2018
Ficción Histórica"Do you believe in Reincarnation?" From 1903 to 2018 anong pagbabago ang magaganap sa buhay ng isang maldita, spoiled pero ubod ng talino na si Elyca, paano kung isang araw ay magising ka na may katanungan palang nakatago sa nakaraan na pilit sinas...
