"Ang sakit ng ulo ko" Dahan dahang tumayo si Elyca mula sa pagkakahiga, "naparami ata ang nainom ko kagabi" sabay hawak sa ulo, pumunta siya ng C.R. at tumingin sa salamin, inayos niya ang sarili niya. Dahan dahan siya naglakad palabas ng cuarto at pumunta sa kusina, tumabi lahat ng mga ayudante o katulong nila sa bahay ng nakita nila si Elyca pero may isang katulong ang hindi umalis sa harap niya.
"Good morning po ma'am" ngiting sabi ng katulong nasa edad 40 pataas na siya pero bakas pa rin ang magandang mukha nito, tinignan siya ng masama ni Elyca pero hindi pa rin siya natinag
"Ano po ang gusto niyong kainin?" tanong ng katulong niya, mas lalo siyang tinitigan ng masama at tinaasan niya na ito ng kilay pero hindi pa rin nagpapatinag ang katulong niya, akmang sasampalin na niya ito ng nahawakan sng katulong ang kamay niya, laking gulat ng lahat ng katulong na nakasilip at pati na rin ni Elyca ang ginawa ng katulong niya, nginitian siya nito at dahandahang binaba ang kamay ni Elyca.
"Pasensya na po ma'am pero ang bilin po saakin ng iyong mama ay alagaan kita" ngiti niyang pagkakasabi kay Elyca
"So what? I don't care, get out of my sight! Ayoko makakita ng mga basura" Nginitian lang siya ng katulong niya at hinawakan ang kamay ni Elyca, mas lalong nagulat si Elyca sa ginawang paghawak ng katulong niya sa kamay niya
"Naiintindihan ko po ma'am kung bakit ka ganiyan makitungo saamin, kung bakit mo ako sinasabihan ng basura pero kahit ano pong sabihin o pagpapalayo mo saakin ay hindi po kita papakinggan sapagkat ang bilin po ng iyong ina ay sakaniya lamang ako susunod, kaya tara po ma'am ipaghahain kita ng almusal mo" Hawak pa rin ng katulong niya ang kamay ni Elyca, natahimik si Elyca at napasunod na lamang sakaniya papuntang kusina. Umupo siya sa silya at hinintay ang iniluluto ng katulong nila, maya maya pa lamang ay dumating na ang katulong niya dala ang pagkain.
"Ako nga po pala si Rosemary, ang bago niyong mayordoma, higupin niyo po ang sabaw na ito maganda ito para sa hangover mo" ngiti niyang sabi kay Elyca, hindi siya pinansin ni Elyca at kinuha na lamang ang pagkain
"Kumusta ang party niyo kagabi?" Hindi siya pinapansin ni Elyca at hindi niya ito nililingon
"Alam mo ba? Alalang alala-"
"Puede ba tumigil ka na!" Itinulak niya ang inihain na pagkain sakaniya nalaglag ito sa sahig at nabasag, tumayo siya at naglakad paalis, napangiti lang si Rosemary at nilinis ang binasag ni Elyca.
SA COFFEE SHOP
"Sobra siyang nakakairita" Pagdabog ni Elyca
"Kumalma ka haha ano k aba she is just your maid, so intindihin mo na lang baka nagpapadagdag lang ng sweldo sainyo" pagsingit ni Andrea
"What Andrea? Are you effin serious?" sagot ni Anne kay Andrea
"Yeah, bakit totoo naman diba? Marami sakanila ganiyan" Mataray na sagot ni Andrea kay Anne, napabuntong hininga na lang si Anne at binaling ang atensyon kay Elyca
"For me Elyca, siguro gusto ka lang niya makilala talaga since bago pa lang naman siya sa bahay niyo kaya siguro ganun" Ngiting sabi ni Anne kay Elyca, napasipsip na lang ng frappe si Elyca
"Hi guys!" napalingon silang lahat ng makita nila si Gab paparating, pag upo ni Gab ay sinungitan siya kaagad nila Joan
"Gab palagi ka na lang late, tapos na ang chika o, My god Gab" Mataray na sabi ni Joan kay Gab
"What's new? Ever since, Gab is always and forever late" Pagsingit ni Andrea, inirapan naman ni Gab si Andrea at tumingin na kay Elyca, hinawakan niya kamay ni Elyca at nginitian
"Ano nangyari Elyca? Ba't nagpatawag ka ng GT? (girl's time)" Tanong ni Gab kay Elyca
"It's all about her epal maid" Pagsingit ni Joan, tinignan naman ni Gab si Joan
"It's okay Elyca, try to understand your maid na lang, and besides ang lakas makapangit ng ganiyan" Ngiting sabi ni Gab
"Let's go shopping na lang" Pagsingit ni Andrea
"Tama, tama" Sabi naman ni Joan, pumunta ng mall silang lima, naglakad at binili lahat ng gusto nila, simula sa make up hanggang sa damit.
"Wait guys nakikita niyo ba iyon, iba si Mr. Silent Weirdo yun?" Pagsingit ni Andrea habang namimili sila ng mga damit, dumaan si June Philips at nakita nila ito sa may salamin ng shop.
"Pumupunta rin pala ng mall yung weirdo n yun?" Pagsingit ni Joan, napatawa naman si Andrea at nagsalita ulit
"Baka sawa na siya sa pagiging weird" Nagtawanan silang dalawa at nagpatuloy sa pamimili ng mga damit, hindi naalis ang tingin ni Elyca sa labas
"Paano kaya kung sudan natin siya" Biglang sabi ni Gab sakanila dahil napansin niya si Elyca na nakatingin sa direksyon kung saan dumaan si June, nagulat naman si Elyca sa suggestion ni Gab pero hindi na siya napigilan hinila na nila si Elyca papalabas ng Shop at sinundan nila si June sa labas. Sinundan nila si June at napatigil sila ng huminto ito at lumingon kaya nagtago sila, sinilip nila ulit at napansin nilang naglalakad ulit si June at huminto ito sa isang jewelry shop, pumasok siya sa loob at tumingin tingin, paglabas niya ng shop ay mahawak na siyang bag at nagpatuloy sa paglalakad, pumasok sa shop sila Elyca at tinanong sa nagbabantay kung ano ang binili niya, isa daw bracelet ang binili niya mas lalo silang nacurious kaya sinundan ulit nila si June. Nagulat sila ng may babae siyang niyakap at bineso.
"May nagkakagusto pala kay weirdo?" Gulat na sabi ni Joan
"Ano ka ba Joan, guapo naman si June, weird nga lang pero malay natin" Sagot ni Andrea
"Itigl na natin tong pagsunod sakaniya" Napalingon silang lahat ng nagsalita si Elyca na matamlay at walang gana
"Bakit Elyca? Nasasaktan ka ba sa nakikita mo?" Sagot ni Gab kay Elyca natawa naman silang lahat, napasimangot si Elyca at tinaasan ng kilay sila
"Excuse me, NO!, a big no! hindi ako magkakagusto sa weirdo no at isa pa wala naman akong pakeialam kung sino man kasama niya at sakaniya, he is my biggest enemy in acads so wala akong pake, Tara na!" Tumalikod si Elyca at naglakad papalayo nagpatuloy sa tawa sila at pangaasar kay Elyca. Pagdating sa bahay ni Elyca ay agad siyang sinalubong ni Rosemary pero hindi niya ito kinibo diredirecho lang pumunta sa cuarto niya, sinubukan siyang sundan ni Rosemary pero dali dali naman siyang sinarhan ng pintuan ni Elyca.
"Kahit kailan talaga papansin itong bagong mayordoma namin, nakakainis" Inis na sabi ni Elyca at humiga na siya sa kama niya, dahan dahan niyang pinikit ang mata niya at natulog.
"Ate Esperanza hindi!" dali daling pinigilan ni Samuel ang bumaril sakaniyang ate, habang sila Leonor naman ay pinuntahan si Esperanza, binuhat si Esperanza nila Fai Lu at ganoon rin si Ethan, sinubukan nilang dalhin sa malapit na clinica sila Ethan pero huli na ang lahat, mabilis ang pangyayari hindi alam nila Leonor kung ano ang gagawin nila. Maya maya pa ay dumating si Padre Azul at dali daling nakibalita pero hindi niya din nagustuhan ang binalita nila Leonor halos mapaupo sa sahig si Padre Azul ng malaman niyang patay na sila Esperanza at Ethan, hindi niya lubos akalain na sa araw pa ng kasal niya sila mamamatay. Halos lahat ng tayo ay umiiyak at nagluluksa dahil sa nangyaring trahedya, hindi nila alam paano nila uumpisahan ang lahat sa simula ngayong wala na si Esperanza, niyakap ni Leonor si Carlos ng mahigpit at hinalikan sa noo, wala pang kamuwang muwang si Carlos sa mga nangyayari sa paligid niya kaya lubos na nalulungkot si Leonor dahil hindi na maabutan ni Carlos ang kaniyang ina at ang magiging tatay niya sana. Kaya binulungan niya si Carlos na kahit anong mangyari ay hindi niya siya papabayaan at ituturing niya itong parang anak na din niya. Maya maya pa lamang ay may mga dumating na pulisya amerikano at hinatak si Samuel, ikinagulat ng lahat ang ginawa ng mga amerikano kay Samuel, sinubukang pigilan nila Fai Lu ang mga ito ngunit nabigo sila at kinaladkad si Samuel palabas ng Clinica, mas lalong lumuha si Leonor kaya nawalan siya ng malay.
"H-hindi, S-Samuel! Samuel! Bitawan niyo siya! Samuel!"
"Ma'am kakain na daw po ng hapunan"
"Ma'am" Biglang nagising si Elyca at hingal na hingal siya. "S-samuel?" Hindi niya alam pero bumigat ang pakiramdam niya, tumulo ang luha sa mga mata niya ng hindi niya namamalayan. Dahan dahan siyang tumayo at nagayos, habang nagsusuklay siya ay hindi niya lubos maisip ang napanaginipan niya na hindi niya makalimutan, hindi niya alam kung sino si Samuel at bakit siya dinadakip ang tanging alam niya lang ay pagod siya ngayon, nalulungkot at walang gana. Pinilit niyang bumaba at kumain kahit wala siyang gana, pinilit niyang kumilos kahit na ayaw ng katawan niya.
BINABASA MO ANG
Now That I've Found You Book II: 2018
Historical Fiction"Do you believe in Reincarnation?" From 1903 to 2018 anong pagbabago ang magaganap sa buhay ng isang maldita, spoiled pero ubod ng talino na si Elyca, paano kung isang araw ay magising ka na may katanungan palang nakatago sa nakaraan na pilit sinas...
