Pagkarating sa Manila ay agad nag ayos ng mga gamit ang katulong nila Elyca, dali dali nilang kinuha ang mga gamit at damit ni Elyca sa kotse at pagkatapos ay pinaghandaan siya ng makakakain. Nagpaiwan si Elyca sa orchidarium nila, dito palagi namamalagi si Elyca at nagiisip isip. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin ang mga napapanaginipan niya at ang pangalang Esperanza, di niya lubos maisip bakit ito dumadaaan sa panaginip at isip niya kahit hindi naman niya ito kilala. Mayamaya ay dumating ang isa sakanilang katulong na si Rosemary.
"Ma'am, excuse me po pero pinapatawag po kayo ng mommy niyo po" marahang sabi ni Rosemary. Nilingon ni Elyca si Rosemary ng may masamang tingin dahil nagambala ang pagmumunimuni niya.
"You know what? Distorbo ka saakin, puede ba umalis ka na" Pasigaw na sabi ni Elyca kay Rosemary, napayuko si Rosemary pero nakangisi ito, dahan dahan niyang inangat ang kaniyang ulo at marahang sinagot si Elyca.
"Ma'am, alam ko po na distorbo po ako sa pagmumuni muni mo po pero sumusunod lamang po ako sa sinasabi at pinaguutos ng mommy niyo po" Marahang pagsagot ni Rosemary kay Elyca ng nakangiti. Tinignan ulit nang masama ni Elyca si Rosemary.
"Ma'am, kung ayaw niyo po sumama, ay mananatili na lamang po ako dito at hihintayin kita hanggang sa pumayag po kayo na sumama" Marahang sambit ni Rosemary kay Elyca na hanggang ngayon ay naiinis kay Rosemary.
"Hindi ka ba nakakaintindi? O nagibibingi bingihan ka lang? Ilang beses ko ba dapat ulitin sayo na dinidistorbo mo ako? Tagalog naman itong sinasabi ko ha! Hindi naman ito English o kahit ano pang lenguahe, bakit kailangang paulit ulit!" Inis na inis na pagkakasabi ni Elyca kay Rosemary. Yumuko lamang si Rosemary at hindi sinagot si Elyca, pagkatapos ay nginitian niya ito at nagbuntong hininga
"Ma'am alam ko ang naiisip mo ngayon, alam kong hindi ka mapakali sa naiisip mo ngayon, isa lamang ang masasabi ko Ma'am dahan dahan mong yakapin ang mga panaginip na dumadaan at nagpapakita saiyo, iyon ang mabisang paraan upang malaman ang katotohanan na nakatago sa mga panaginip" Ngiting tugon ni Rosemary kay Elyca na hindi mahulugang karayom dahil sa gulat niya sa sinabi ni Rosemary sakaniya, hindi siya nakagalaw at nakapagsalita sa gulat.
"Muli kong uulitin ma'am, pinapatawag po kayo ng inyong mommy" Ngiting pahabol ni Rosemary kay Elyca na hanggang ngayon ay naninigas sa kinakatayuan niya, umalis si Rosemary at bumalik sa bahay nila Elyca. Nang bumalik ang ulirat ni Elyca ay dali dali siyang bumalik sakanilang tahanan.
Pagkarating sakanilang bahay ay nagmamadali siyang hinanap si Rosemary, naghanap siya sa lahat ng sulok ng kanilang bahay pero ni anino ni Rosemary ay hindi niya Nakita. Napagod lang siya at umupo na lamang sa sofa. Maya maya ay may bumatok sakaniya, na ikinagulat niya.
"Hello!" Bigkas ng tao na nasa likuran niya. Napalingon agad si Elyca habang hawak niya ang batok niya.
"O! Kyle! Ang sakit nun ha!" Inis na sabi ni Elyca sa kapatid niya, tinawanan lang siya ni Kyle, kaya para makaganti ay binato niya ng unan si Kyle sa mukha. Nahinto lamang sila nang mapansin nilang nasa likuran na pala nila ang kanilang ina.
"O! Mom! Sorry" Agad silang napaayos ng kilos, napangiti lang ang nanay nila at huminga ng malalim
"It's okay, don't worry" Lumapit ang kanilang ina at niyakap silang dalawa
"My babies, I miss seeing you both playing with each other" Niyakap niyang mahigpit ang dalawa at niyakap din pabalik nila Elyca ang ina nila.
"By the way, Elyca and Kyle, next week pa kami babalik ng Dad niyo" Sambit ng ina nila Elyca
"Okay Mom, nothing to worry about, mabait naman po kami ni Kyle at hindi ko po papabayaan si Kyle na maggala nang maggala" Nakangising tugon ni Elyca sa ina nila, napasama ng tingin si Kyle kay Elyca

BINABASA MO ANG
Now That I've Found You Book II: 2018
Historical Fiction"Do you believe in Reincarnation?" From 1903 to 2018 anong pagbabago ang magaganap sa buhay ng isang maldita, spoiled pero ubod ng talino na si Elyca, paano kung isang araw ay magising ka na may katanungan palang nakatago sa nakaraan na pilit sinas...