CHAPTER XIII

140 3 4
                                    

Habang nasa loob ng kotse pabalik sa resort ay walang imikan sila Elyca at June hanggang sa nakarating silang dalawa sa resort, habang naglalakad pabalik ay tahimik pa rin silang dalawa kaya binasag na ni June ang namumuong katahimikan sakanilang dalawa.
"Hmm, Elyca, nagustuhan mo bacang pinuntahan natin?" Nakangiting tugon ni June
"Ah eh, yes. Naenjoy ko, maraming salamat nga pala sa breakfast at your grandma, she's so cool" Masayang tugon ni Elyca. Nginitian naman siya ni June at nagpasalamat din at nasiyahan dahil natuwa naman si Elyca sa pagbisita niya sakanilang casa, muli siyang tinanong ni June
"Ah eh naalala ko yung sinabi mo last time, yung may napapanaginipan ka patungkol saan nga ulit iyon?" Pautal na tugon ni June
"Oo nga pala! Before I forgot, naalala ko na ikekwento ko nga pala dapat sa'yo yun" Tugon ni Elyca
"Ano nga ulit iyon? Yun yung-" naputol ang katanungan ni June kay Elyca dahil may biglang lumapit sakanila at sinuntok si June. Agad itong ikinagulat ni June at ni Elyca dahil hindi nila lubos akalain na may magsascandalo habang naglalakad sila.
"J-josh stop!" Sigaw ni Elyca
"Walanghiya ka!" Galit na pasigaw ni Josh, na pilit pa rin gustong sapakin sa mukha si June, aamba naman si June ng suntok pero hindi siya makasuntok dahil pinapagitnaan sila ni Elyca
"Mangaagaw ka!" Galit na sambit ni Josh
"Sino inagaw ko ha? Bakit kayo ba?! Ha!" Pasigaw na tugon ni June, napahinto ng panandalian sa pagaamba si Josh at napaisip pero muli itong nagamba na susuntukin si June.
"Sabing tumigil na kayo!" Sigaw ni Elyca habang pinipilit patigilin silang dalawa pero hindi pa rin sila nahinto. Hanggang lumapit na sakanila ang mga taong nasa paligid nila at nagkaroon ng komosyon. Kahit na pilit na pinahihinto ni Elyca ang dalawa ay nakaganti ng suntok si June kay Josh pero pumagitna muli si Elyca kaya hindi nakabawi si Josh. Nahinto lamang silang dalawan nang pigilan na din sila nila Gab atbp dahil napansin nila ang komosyon na naganap ay agaran silang pumunta para tignan pero nagulat sila nang makita nila sina June, Josh at Elyca kaya dali dali silang tumulong. Agad naman dumating ang guardia ng resort at tumulong din sa paghihinto sakanilang dalawa kaya tuluyan na silang huminto, kinausap naman sila ng guardia at inimbitahan sa police desk para makausap silang dalawa, agaran naman silang pumayag dalawa at sinama din pati sina Elyca. Naayos naman ang hidwaan ng dalawa at nakapagusap at areglo na, nangako sila na di sila muli gagawa ng anumang komosyon sa resort. Bumalik na sa kaniya kaniya nilang tutuluyan silang lahat, pagkarating ni Elyca sa sarili niyang kwarto ay agad siyang nahiga at kinuha ang phone.
"Kumusta?" Pagaalalang type ni Elyca sa cellphone niya pero nagdadalawang isip pa siya i-send ito kaya binura niya
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Akmang i-send niya ito pero muli niyang binura dahil nahihiya at nagaalinlangan siya. Napabuntong hininga na lamang siya at tumingala sa kisame. Maya maya pa lamang ay tumunog ang cellphone niya, dali dali niya itong tinignan at halos napatili siya, tumayo't nagpatalon talon sa kama.
"Kumusta? Nasaktan ka ba kanina? Sorry" Ang mga kataga sa liham na sinend sakaniya, dali dali naman siyang nagreply
"I'm fine, how about you? May sugat ka ba? Panigurado magpapasa yan, I'm sorry" Reply naman ni Elyca, muli siyang nagtitili tili at nagpaikot ikot sa kama. Muling tumunog ang cellphone niya kaya agad naman niya itong binasa.
"Kaya nga eh, nararamdaman ko magpapasa ito pero ayos lang naman. Siya nga pala, dumaan dito si Anne kanina binigyan niya ako ng ice pack, hindi naman siya nagtagal. See you later" Reply ni June sakaniya, nawala bigla ang kilig na nararamdaman niya  at bigla siyang napakunot ng noo, agad naman siyang nagreply
"Ok, see you" Inis na reply ni Elyca kay June, agad naman niya pinatay ang cellphone niya at napabuntong hininga dahil sa inis. Bigla siyang napakunot noo at napasabi ng
"Nagseselos ba ako?"
Kinagabihan ay pumunta sila sa isang bar sa resort. Nagkita kita lahat sila doon nila Gab atbp.
"Kumusta Elyca? Are you okay?" Panimula ni Gab, nakangiting tumango naman si Elyca
"Good, magenjoy lahat tayo tonight! Dahil bukas we will have a game" Masayang tugon ni Gab, napahiyaw naman si Joan sa tuwa. Habang papunta sa may gitna ay nagulat sila nang makita nila si Anne, Andrea at Josh. Nginitian naman ni Gab sina Anne, ganun din naman si Anne kay Gab pero hindi si Elyca dahil si Elyca ay hindi din sila pinansin. Nagpatuloy sila sa may isang puesto. Nalasing ang mga magkakaibigan dahil sa dami ng nainom nilang alak. Maya maya lamang ay umalis sina Gab at iba pa dahil pupunta sila sa gitna upang sumayaw, nahatak o napilit naman nila June, nagpaiwan si Elyca dahil hindi pa daw niya feel ang magsayaw. Nakita ni Anne si Elyca na nagiisa sa puesto kaya, agad niya itong nilapitan. lumapit si Anne kay Elyca at umupo sa tapat nito, nagulat naman si Elyca dahil hindi niya lubos akalain na lalapitan siya ni Anne, pero naiintindihan naman niya na may lakas ito ng loob harapin siya dahil ito ay kasalukuyang lango sa alak.
"Hi, bitch!" Panimula ni Anne na halatang halatang lasing na lasing na, nginitian lang siya ni Elyca bagamat may tama na ng alak ay hindi pa ito ganoon kalasing gaya ni Anne
"You know what? Bitch" Nakangising sabi ni Anne
"I hate you! I really hate you!" sigaw ni anne kay Elyca, hindi naman gaanong rinig dahil sa lakas ng tugtog da paligid. Muli hindi siya kinibo ni Elyca at nginitian lamang siya nito
"Mangaagawa ka! Ahas! Bitch!" muling sambit ni Anne kay Elyca, napangisi lamang si Elyca sa mga narinig niya
"Natatawa ka? Bakit hindi ba totoo? Haha" Mariing sabi ni Anne kay Elyca
"Wala akong inaagaw sayo" Nakangiting tugon ni Elyca kay Anne
"MERON!" Sigaw na tugon ni Anne kay Elyca, napangisi muli si Elyca
"At kung meron nga? Sorry, hindi ko kasalanang mas maganda ako kaysa sayo" Mariing sambit ni Elyca, nairita naman si Anne sa sagot ni Elyca
"You know what? Wala kang kwentang kausap, mangaagaw ka na nga wala ka pang kwenta" Gigil na sagot ni Anne kay Elyca
"Wala pala akong kwenta kausap? Then why are you wasting your time here? Sino ba lumapit para makipagusap? Ako? Joke on you Anne" Mariing sagot ni Elyca kay Anne, na mas lalong ikinairita ni Anne
"Akin lang si June, Elyca! He's mine!" Pasigaw na sagot ni Anne, na kaagad namang ikinagulat ni Elyca dahil ni kailan hindi niya alam na may gusto si Anne kay June
"Kailan pa?" Sagot ni Elyca kay Anne
"Matagal na, kung hindi ka lang umepal edi sana ako na mapapansin niya!" Galit na tugon ni Anne kay Elyca, wala namang maisagot si Elyca dahil alam niya sa sarili niya na wala naman siyang ginagawang mali at wala siyang inagaw mula kay Anne. Nagulat si Elyca nang biglang umiyak si Anne sa harap niya
"Please, Elyca! I'm begging you! Wag mo na agawin saakin si June. Saakin na siya, saakin lang!" Hagulgol na sambit ni Anne
"Stop it! Lasing ka na Anne" Marahang sagot ni Elyca, na naawa kay Anne dahil sa kondisyon niya ngayon
"Please Elyca, please" Akmang luluhod na si Anne sa harapan ni Elyca, ikinagulat naman ito ni Elyca kaya agad niyang pinilit patayuin si Anne, nagsuka bigla si Anne sa sahig pero pinilit pa rin niyang lumuhod at pinipigilan pa rin siya ni Elyca. Nakita naman ito nina Josh kaya agad nilang nilapitan si Anne at kinuha na. Habang kinukuha nila si Anne ay nagsusumamo pa rin ito kay Elyca at patuloy pa rin sa pag iyak. Napabuntong hininga naman si Elyca at nagisip isip
"Mali ba ang ginawa ko? Dapat bang magpaubaya ako? Bakit namin kailangan pagawayan ang iisang lalaki?" Napabuntong hininga na lamang si Elyca at napatingin sa mga sumasayaw, kina June na kitang kita ang mga ngiti niya sa labi.

Now That I've Found You Book II: 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon