CHAPTER IX

253 4 3
                                        

Dahan dahang dinilat ni Elyca ang mata niya, napansin niyang nasa ibang kwarto siya kaya biglang bumalik ang ulirat niya, dali dali siyang tumayo at hinanap ang damit niya dahil naka pajama siya. Pilit niyang inabot ang sapatos niya na nasa ilalim ng kama, pagka angat niya ay bigla siyang nagulat dahil may nagbukas ng pintuan ng kwarto.
"Gising ka na pala Elyca" masayang tugon ni June
"J-June? Anong ginawa mo saakin ha! Bastos ka!" Galit na tugon ni Elyca, hinila niya ang kumot at tinakip sa katawan niya at binato bato niya ng unan si June
"T-Teka! Teka! Uy! Let me explain! Sandali!" Pagsusumamo ni June kay Elyca pero patuloy pa rin siya sa pagbabato bato ng mga unan, kumot atbp. Dahan dahan nilapitan ni June si Elyca at niyakap, napahinto si Elyca habang hawak pa rin niya ang unan na ibabato niya dapat kay June
"Masaya ako na hindi ka napapaano, masaya ako at nandito ka yakap yakap ko" Bulong na pagkakasabi ni June kay Elyca. Biglang natahimik ang paligid, gulat na gulat si Elyca sa mga sinabi ni June. Hindi niya lubos akalain na masasabi ni June ang mga bagay na iyon, tanging tunog ng kanilang puso lamang ang naririnig sa buong paligid. Bigla silang natigil at napabitaw sa pagkakayakap si June kay Elyca nang may kumatok sa pintuang nakabukas sa kwarto.
"Kain na tayo, magaalmusal na tayo mga anak" Nakangising sabi ng mama ni June, agad namang tumayo silang dalawa at nagkaroon ng distansiya, nagunahan silang bumaba habang nakangiti pa rin ang mama ni June. Sa hapagkainan ay nakatahimik ang lahat, nginitian naman ni June si Elyca, iniringan niya si June. Napangisi ang mama ni June at tinignan silang dalawa.
"Bakit kayo nagaaway kayong dalawa" Pagtatanong ng mama ni June habang nakangisi
"Hindi naman po ako nangaaway ma, si Elyca lang naman po" Tugon ni June sakaniyang mama. Tinignan naman ng masama si June bago tumingin sa mama niya at ngumiti
"Hindi po, napuwing lang po ako hehe. Maraming salamat po pala sa pagkain at sa pagpapatuloy po saakin" Nakangiting tugon ni Elyca sa mama ni June
"Walang anuman hija kahit kailan ka pa bumisita dito ay sobrang welcome ka, lalo na't nobya ng aking unico hijo" Nakangiting sabi ng mama ni June, agad naman itong ikinagulat nina June at Elyca, mag papaliwanag sana si Elyca kaso pinahinto sita ni June.
"Naku mama, siguradong masayang masaya si Elyca diba Elyca" Nakangisi si June habang nakatingin kay Elyca, nilakihan naman siya ng mata ni Elyca at tumingin sa mama ni June at ngumiti.
"Opo tita, pasensya po pala at dito po ako nakatulog sainyo" Tugon ni Elyca 
"Huwag ka magalala, it's okay, kumusta na ang lagay mo hija?" Malumanay na tanong ng mama ni June
"I'm okay na po, maganda po ang gising ko" Nakangiting tugon ni Elyca. Pagtapos nilang kumain ay nagpaalam na ang mama ni June dahil meron pa daw siyang pasok sa trabaho.
"What happened last night?" Tanong ni Elyca kay June
"May mga lalaking sumunod sayo at sinubukang hilain ka sa madilim na eskinita and guess what? What a coincidence na napadaan ako doon because I drop by to nearest area" Nakangiting tugon ni June kay Elyca
"Oh really? O baka naman sinadya mo na mangyari para maging hero kuno" Inis na tugon ni Elyca kay June
"What? Naisip mo talaga yan? Ano ka conspiracy theorist?" Tugon ni June na may malakas na tawa.
"Aba'y malay ko ba?" Iniringan ni Elyca si June
"Hay naku! Imbis na magpasalamat nalang kung ano ano pa sinasabi" Tugon ni June habang nagpapacute. Natawa naman si Elyca sa ginawa ni June
"Alam mo hindi ka cute sa ginagawa mo tigil tigilan mo na yan, nakakainis lang" Binatukan si June at napakamot naman sa ulo si June. Pagkatapos magayos ni Elyca ay niyaya naman siya ni June na ihatid siya pauwi, pumayag naman si Elyca dahil wala din siyang dalang kotse at ang cellphone niya ay naiwan sa kotse niya. Si June ang nagmaneho ng habang nasa biyahe ay walang imik ang dalawa, nagkaroon ng panandaliang sulyap silang dalawa pero binaling ulit ang tingin sa kalsada at si Elyca naman ay sa labas ng bintana
"Ehem" Pambasag ni June sa tahimik na biyahe nila ni Elyca, tinignan lang siya ni Elyca at iniringan
"Eheeeeeeeem" Patuloy na pambabasag ni June sa tahimik na paligid pero hindi na siya nilingon ni Elyca
"EHEEEEEEEEEEEEEEEM" Mas pinalakas ni June ang pagiingay, sinamaan siya ng tingin ni Elyca
"Ano ba problema mo?" Pagtataray ni Elyca kay June
"Wala lang hahaha" Pang aasar ni June kay Elyca, kaya nainis si Elyca at iniringan si June
"Anyways here, I give you this one" Nakangiting tingin ni June kay Elyca, sinamaan naman ng tingin ni Elyca si June
"Sige na tanggapin mo na, dali at nagmamaneho ako" Tugon ni June, agad namang kinuha ni Elyca at iniringan si June. Pagtapos ng ilang minutong biyahe, nakarating sila sa bahay nila Elyca.
Pagbukas ng pintuan ni Elyca bago siya tuluyang umalis ay nilungon niya muna si June
"T-Thank you" Nakangiting sabi ni Elyca kay June at tuluyan niya nang sinarado ang pintuan ng kotse, natahimik naman si June at hindi makapaniwala sa narinig niya, hindi niya namamalayan na nakangiti na siya at napangisi

Now That I've Found You Book II: 2018Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon