Lumipas ang mga araw pero hindi ko pinansin o kinausap man lang si June kahit na ilang beses siyang nangungulit saakin ay hindi ko pa rin siya pinansin. May araw na nakakasalubong ko siya pero lumiliko ako sa ibang daan para lang di kami magtagpo ng daan, alam ko masyadong OA ako pero hanggang ngayon kasi naiisip ko pa rin si Anne. May gusto na nga yata ako kay June pero matalik ko ring kaibigan si Anne. Alam ko mas lalo siyang magtatanim ng galit saakin, nakahanda na ako at hindi naman ako natatakot. Ang saakin lang ay mababawasan ako ng kaibigan, noong una ay wala akong pakialam pero ngayon naisip ko na mahalaga din pala sila sa buhay ko kaya naman ito ako nagiisip ano ang pinakamagandang gawin. Ang tuluyan bang mahalin ko si June o kalimutan si June para kay Anne, bakit ba kasi napakakomplikado nito. Ngayon na nga lang ako nagkakagusto ganito pa kaKomplikado.
"Balita ko di mo pinapansin si June ah?" Banggit ni Gab
"Yes, ewan ko ba sobrang lala ko na ba? Masyado na ba akong OA?" Pagtatanong ni Elyca kina Gab
"No, I don't think so. Ayaw mo lang talaga ng gulo but you know how long na di mo siya papansinin?" Tanong ni Joan
"Di ko alam, pag ready na ako ulit harapin siya?" Mahinang tugon ni Elyca
"Pero hanggang kailan nga?" Pangungulit ni Gab, tinitigan naman siya ng masama ni Elyca
"Uulitin ko pa ba?" Pagsusungit ni Elyca
"Hehe, hindi na. Gets ko na hehe" Nakabungisngis na tugon ni Gab, inirapan naman siya ni Elyca, maya maya ay nagulat sila Joan at Gab nang may umakbay sakanila
"How are you ladies?" Nakangiting tugon nito
"J-Josh, ikaw pala! Kala naman namin kung sino" Nakangiting tugon nila Gab
"Hello my love" Nakangiting tugon ni Josh, nginitian naman siya ni Elyca
"How are you?" Masayang sambit ni Josh na para bang walang nangyari
"I'm fine, ikaw?" Nakangiting tugon ni Elyca, napansin naman ni Josh na parang nagiba ang trato ni Elyca sakniya. Naintindihan niya dahil napansin niya na napalingon si Elyca sa may kanan at nakita niya si June na naglalakad papunta sakanila kaya dali daling inakbayan ni Josh si Elyca, ikinagulat naman ito ni Elyca pero di na siya kumibo pa
"H-hi, Elyca" Nakangiting tugon ni June
"Hello" Nakangiting tugon ni Elyca
"P-puede ba kitang makausap kahit saglit lang sana" Napakamot sa ulo si June
"Ano bang problema mo? Kita mo diba? My girlfriend is busy right now, stop pestering her!" Inis na tugon ni Josh, akmang magsasalita sana si Elyca pero tinakpan ni Josh ang bibig niya kaya di na nito nasabi ang gusto niyang sabihin
"Gusto ko lang naman sana siya makausap saglit" Mahinahon na tugon ni June
"Ano bang problema mo ha!" Galit na tugon ni Josh
"Kahit saglit lang sana" Mahinang tugon ni June
"Umalis ka na nga dito!" Tinulak ni Josh si June pero hindi siya inimik ni June, sinulyapan muna muli ni June saglit si Elyca, nagtama ang kanilang mata na para bang nangugusap bago tuluyang umalis si June. Inalis na ni Elyca ang kamay ni Josh na nakaakbay sakaniya.Napabuntong hininga naman si Josh, hindi na siya pinansin ni Elyca dahil tuloy tuloy na siyang umalis sinundan naman siya nina Gab at Joan
Hanggang ngayon lubos pa ring iniisip ni June saan siya nagkamali at patuloy siyang iniiwasan at nilalayuan ni Elyca, gayung nagkakaroon siya ng pagtingin rito. Ilang linggo na rin siyang hindi kinikibo nito at sobrang nasasaktan na din siya kahit sa message ay ni hindi nito maSeen man lang siya. Habang naglalakad ay nakasalubong ni June si Anne
BINABASA MO ANG
Now That I've Found You Book II: 2018
Historical Fiction"Do you believe in Reincarnation?" From 1903 to 2018 anong pagbabago ang magaganap sa buhay ng isang maldita, spoiled pero ubod ng talino na si Elyca, paano kung isang araw ay magising ka na may katanungan palang nakatago sa nakaraan na pilit sinas...
