Last day of midterms week, abalang abala ang lahat dahil ayaw nilang bumagsak sa exam. Nagdistribute na ng papel ang professor nila Elyca, nakaayos sila ng upuan ngayon, isang dipa ang layo sa bawat isa para siguradong walang magkokopyahan ay dalawang professor ang umiikot sa loob ng classroom. Magkatabi ngayon si Elyca at si June dahil inilagay sila sa may bandang harapan. Bago magumpisa ang pangalawang exam ay nilingon ni June si Elyca, napansin naman ito ni Elyca kaya tinarayan niya si June, ngumisi lang si June at binaling sa iba ang tingin niya. Natapos ang exam at maagang pinauwi ang lahat.
"F*ck the exam" Inis na sabi ni Joan, natawa nalang sila Gab sakaniya, inirapan naman ni Joan sila Gab at nagcross arms
"How about you Elyca? How's the exam?" Pagsingit ni Andrea habang tumatawa sila Gab
"Easy as pie!" Pagyayabang na sagot ni Elyca kila Andrea, tinawanan nalang siya nila Andrea. Naglalakad sila papunta sa may student center, maya maya pa ay biglang dumating si Josh.
"Hey guys!" Masayang pagkaway ni Josh sakanila, kinawayan naman din nila pabalik si Josh, nagmamadaling lumapit sakanila si Josh at nakipagapir, niyakap naman niya si Elyca.
"How are you my baby?" Ngiting tanong ni Josh kay Elyca, inialis naman ni Elyca ang kamay ni Josh sa balikat niya.
"Josh, stop" Iritang sagot ni Elyca kay Josh
"Why my baby? Anong meron? Ayaw mo na ba saakin" Malungkot na pagkakasabi ni Josh, inirapan lang siya ni Elyca at nagpatuloy sa paglalakad
"How about let's go guys to our resort today?" Napangiti naman lahat sila Andrea maliban kay Elyca
"What a good idea, since last day of our exam let's have some fun!" Masayang pagkakasabi ni Andrea
"Yup, Andrea is right, let's have some fun" Masayang tugon din ni Joan at nakipag apir kay Andrea. Nagpatuloy sila sa paglalakad at sinundo si Anne sa student center pumayag naman si Anne sa sinabi ni Josh. Sumakay sila sa kaniya kaniya nilang kotse at dumaan sa mall para mamili ng mga damit. Dumerecho sila sa may batangas, sa resort nila na Josh na exclusive lang sa mga members ng club. Kaya hindi lahat puede makapasok dito, marami pa silang ibang exclusive resorts at meron din namang resort na open sa public. May malaking parking area sa loob ng resort. Isa isang pumasok sa resort sila, nauna ang kotse nila Josh at kagaya ng dati ang nahuli ay si Elyca pa rin. Hiwahiwalay sila ng kwarto lahat, kumpleto sa gamit ang kwarto ng bawat isa dahil iyon ang pinakamahal na mga kwarto sa loob ng resort. Pagkatapos magbihis ay dumerecho sila ng pool at doon nagkitakita.
"Thank you for the idea of going here Josh" Sabi ni Andrea habang nakababad sa sikat ng araw
"I know naman ang hirap ng exams natin so it is a must na lumabas tayo ngayon" Sagot naman ni Josh kay Andrea. Dumating naman si Elyca, napanganga si Josh.
"Wow Elyca, you're so beautiful and sexy" Sabi ni Josh ng lumapit si Elyca sakanila, nginitian lang siya ni Elyca, pinuri naman siya nila Andrea, Gab, Anne at Joan. Pagkatapos sa pool ay napagdesisyunan nilang pumunta sa dagat para doon na lumangoy.
Kinagabihan. Napagisipan ng magkakaibigan na pumunta ng bar, hindi sumama si Elyca, napagpasiyahan niyang maglakad lakad sa may dalampasigan. Naglalakad lakad si Elyca, sinusubukan niyang pagdikit dikitin ang mga napanaginipan niya nitong mga nakaraang linggo. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ganoon at paanong napapanaginipan niya ang mga bagay na hindi naman niya alam kung talaga bang may koneksyon o kinalaman sa buhay niya at sa pagkatao niya.
"Why? I can't even puzzle out all of it" Napabuntong hininga nalang si Elyca habang patuloy sa paglalakad.
"What if. No! It's not!" Inis na pagkakasabi niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad nang may biglang may yumakap sakaniya, agad namang ikinagulat ni Elyca ito.
BINABASA MO ANG
Now That I've Found You Book II: 2018
Fiksi Sejarah"Do you believe in Reincarnation?" From 1903 to 2018 anong pagbabago ang magaganap sa buhay ng isang maldita, spoiled pero ubod ng talino na si Elyca, paano kung isang araw ay magising ka na may katanungan palang nakatago sa nakaraan na pilit sinas...