Pagkabalik nila sa klase ay nagkita muli sina Anne at Elyca pero nagkasalubong lamang sila hindi sila nagkaimikan, tuloy tuloy pa rin sa paglakad si Anne papalayo. Hindi maintindihan ni Elyca ang nararamdaman niya na bakit parang naluluha siya na hindi siya kinausap ni Anne o maski pinansin man lang. Naluluhang nagtuloy sa paglalakad si Elyca, hindi niya maintindihan kung bakit pero parang lumalambot ang puso niyang ni hindi naman nakaramdam ng kahit anong pakealam sa kahit na sino liban sa kaniyang magulang at kay Kyle. Kahit hindi niya aminin ay halatang nasasaktan siya sa sitwasyon nila ni Anne ngayon dahil matagal na din niyang kaibigan si Anne at nikailanman ay wala silang hidwaang dalawa kaya hindi niya lubos maisip na hahantong sila sa ganitong lagay dahil lang sa iisang lalaki.
"Kasalanan ba ang umibig?" Malungkot na tanong ni Elyca sa sarili niya habang naglalakad papalayo. Habang naglalakad ay nakasalubong naman niya sina Gab at Joan. Agad naman siya nginitian ng dalawa at dali dali siyang nilapitan nito.
"Elyca, Hey, How are you?" Pagaalalang tanong ni Gab
"Yeah, we've been texting you and calling you a lot but you didn't even respond" Dagdag no Joan na halatang alalang alala din kay Elyca
"I'm fine" Nakangiti ngunit matipid na sambit ni Elyca
"Are you sure?" Muling dagdag ni Joan, dahil hindi sila naniniwala na okay lang talaga si Elyca
"Yup, I' am" Nakangising sagot ni Elyca, ngumiti na lamang sina Joan at Gab kahit na alam nila na hindi ito nagsasabi ng totoo
"Uhmm let's have some coffee?" Paanyaya ni Gab kina Elyca at Joan, agad namang tumango si Joan kahit hindi pa pumapayag si Elyca ay hinatak na nila agad ito patungo sa coffee shop. Pagkarating sa coffee shop ay kumuha agad sila ng pue-puestuhan.
"Kwento ka naman Elyca, what happened? Bakit hindi ka halos nagparamdam? You missed a lot of qui-" Hindi natuloy ang pagsasalita ni Gab ng siniko siya ni Joan, napa"Aray" naman siya dahil medyo napalakas ang pagsiko ni Joan
"No, it's okay Joan, no need to that. Magkekwento naman ako don't worry, I'm fine" Nakangiting tugon ni Elyca dahil nakita niya ang ginawa ni Joan kay Gab, nginitian naman siya ng dalawa nang malaman nila na magkukwento na si Elyca
"I just need to have some time for myself, hindi ko maGrasp lahat ng ganap. I don't know how and why we ended up like this, especially between us and Anne. I don't know, I really really don't know" Malungkot na kwento ni Elyca kina Joan at Gab, napabuntong hininga naman ang dalawa dahil maski sila hindi nila alam paano sila humantong sa gaanong kalagayan.
"Yeah, I agree. Our bond is stronger than anything but all of the sudden just because of June, we ended up like this" Marahang sambit ni Joan
"Ay dahil pala kay June kaya tayo nagkawatak watak?" Gulat na pagsingit ni Gab, napatingin naman ng masama sina Joan at Elyca
"B-Bakit? May sinabi ba akong mali?" Pagtataka ni Gab, habang nakatingin pa rin ng masama sina Elyca at Joan
"Hay, my gosh Gab. Are you really dumb? Hello are you with me?" Pagsusungit ni Elyca kay Gab, napangiti na lamang si Gab at natawa naman si Joan
"Okay ka na nga talaga" Masayang sambit ni Joan
"I don't know, just because of him? Magkakaganito lahat? I really don't get it" Iritang sambit ni Elyca
"Maiba nga ako" Pagsingit ni Gab, napatingin naman silang dalawa sakaniya
"May gusto ka na din ba sakaniya?" Dagdag pa ni Gab, nagtinginan si Gab at Joan at saka binalik ang tingin kay Elyca, biglang natahimik si Elyca at hindi kumibo pero bakas sa mukha niya na nahihiya siya
BINABASA MO ANG
Now That I've Found You Book II: 2018
Historyczne"Do you believe in Reincarnation?" From 1903 to 2018 anong pagbabago ang magaganap sa buhay ng isang maldita, spoiled pero ubod ng talino na si Elyca, paano kung isang araw ay magising ka na may katanungan palang nakatago sa nakaraan na pilit sinas...