"Kumusta?" tanong ni Anne kay Elyca
"I'm okay, why?" pagtataka ni Elyca sapagkat hindi naman siya palaging tinatanong ni Anne kahit na sobrang close nila sa isa't isa
"Saan ka napunta? Bigla ka nalang nawala, ilang beses ka naming tinawagan walang sumasagot" Muling sambit ni Anne kay Elyca, napatango naman sila Joan. Nagulat naman si Elyca
"Come on, loosen up! I'm here na, wala na dapat ipag-alala." nakangising tugon ni Elyca kina Anne, na hindi naman ito ikinatuwa nina Anne
"Wala ka bang ikekwento saamin? Come on Elyca! We know you, hindi ka biglang maglalaho ng walang dahilan and besides pinag-alala mo kami ng sobra, okay ka lang ba?" Iritang tugon ni Anne kay Elyca, napatango nalamang sila Joan dahil wala na silang ibang masabi dahil nasabi naman na ni Anne lahat
"Okay, okay kalma, this is what happened" Tugon ni Elyca, nanakangisi kina Anne, makikita naman sa mukha nila Anne na handang handa sila makinig kay Elyca. Kaya napabuntong hininga si Elyca
"Uuwi na dapat ako that time then I've decided na pumunta muna sa malapit na store just to buy some water but I feel someone following me and ayun nga meron nga so sinubukan ko magmadali para di nila ako mahabol and ayun nga nahabol nila ako at sinikmurahan, nawalan ako ng malay but before mawala ang malay ko. I saw someone punching and kicking those men then suddenly everything's black, all over" Kwento ni Elyca, na kinagulat nila Anne. Hindi nila lubos akalain na ganun pala ang nangyari ng gabing iyon na nawala sila Elyca
"Sino naman itong knight in shining armor mo?" Kinikilig na tugon ni Joan
"Si June" Mahinang tugon ni Elyca, na agad namang ikinagulat ng lahat
"S-si June?!" sabay sabay nilang tugon, napatango lang si Elyca
"B-but how?" Tanong ni Gab kay Elyca
"He said he was just passing by in a mear minimart when he saw me tapos ayun na the story goes on" marahang tugon ni Elyca.
"Wow! What a coincidence! Buti at napadaan siya doon, ikaw naman kasi bigla bigla kang umaalis" May pagkairitang pagsingit ni Andrea
"Yes! Tama si Andrea! Bakit kasi bigla bigla kang umaalis ng walang paalam saamin?" Inis na pagsangayon ni Joan. Napakamot at kibit balikat nalang si Elyca pagkatapos nilang magusap usap ay umalis na sila at nagkaniya kaniya na dumerecho sa bahay si Elyca at pati na din sina Gab pero si Anne at Andrea ay dumaan muna pansamantala sa coffee shop. Pagkatapos umorder ay pumuesto sila sa may malapit sa bintana.
"You know what? I think June likes Elyca that's why he's stalking her" Panimula ni Andrea, habang si Anne ay humihigop ng mainit na tsaa, tinignan naman siya ni Anne at ibinababa ang tasa
"I hate her" Sambit ni Anne kay Andrea, hindi naman ito ikinagulat ni Andrea bagkus ay napangiti lamang siya at humigop.
"Pathetic girl! Malandi talaga siya kunwari pa siya na naAbduct siya baka naman nakipag one night stand lang siya kay June!" Inis at iritang dagdag ni Anne, napangisi naman si Andrea
"Talo ka na girl, naunahan ka na ni Elyca" Nakangising pang aasra ni Andrea kay Anne, kaya tinignan siya ng masama ni Anne
"Really? Hindi pa naman tapos ang laban" Iritang sambit ni Anne
"Kakaiba ang fighting spirit, palaban! I love it!" Tugon ni Andrea na may kasamang palakpak
"I will get her out of June" Inis at iritang sambit ni Anne at muling humigop ng mainit na tsaa
Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami lalong lalo na sa grupo nila Elyca ay matagal nang magkakilala sila Anne at Andrea dahil mula elementarya hanggang ngayon ay magkaklase at magkasama sila kaya kilalang kilala ni Andrea si Anne. Naging kaSchoolmate din nila si June noong high school at noon pa man ay may gusto na ito kay June at sinundan niya ito hanggang kung saan ito nag aral.
Sa bahay nila Elyca, habang natutulog siya ay pumasok si Rosemary sa kwarto nito at lumapit kay Elyca at tinitigan ito, napansin niya ang singsing na nakalapag sa may maliit na mesa. Kinuha niya iyon at tinitigan, napangiti naman si Rosemary at tinitigan muli si Elyca.
"Malapit na"San Francisco
Sumama si Lago sa Ayudante, sa isang baro baro sa gitna ng gubat ay nandoon ang anak nila Samuel at Dolores na umiiyak, agad niya itong nilapitan at hinele at ibinaba niya ito ng tumahimik na. Maraming ayudante na nakapaligid at nagaalaga sa sanggol nila, agad naman niyang inutusan at pinagsabihan ang lahat na walang sasabihin sakaniyang ama ang mga taong nandoon na pumunta at dumalaw siya sa anak nila Dolores. Tumango naman ang lahat at nangako na hindi nila ihahabla si Lago, pinalabas niya muna ang ibang ayudante at naiwan sila ng isang ayudante na nagturo sakaniya papunta doon.
"Sino ka?" Mariing tanong ni Lago sa ayudante, dahan dahan namang inalis ng ayudante ang belo. Ikinagulat naman ito ni Lago
"R-Rosalinda? Pero paano?" Pagtataka ni Lago, napatango naman si Rosalinda
"Ako nga po Ginoo" Nakayukong tugon ni Rosalinda kay Lago
"Pero paanong?" Pagtatakang tugon ni Lago kay Rosalinda
"Nakiusap po saakin si Señora Leonor na mamasukan dito sa hacienda po ninyo dahil alam niyang may gagawing masamang hakbang sina Don Rafael sakanilang natitirang magkapatid, alam niya pong ano mang oras ay ipapahanap sila at ipapatay nila ito at walang ititirang pamilya Gonzales sa ibabaw ng lupa" Nakayukong tugon ni Rosalinda kay Lago, napabuntong hininga naman si Lago sa mga nalaman niya
"Sadyang matalino talaga sila Leonor alam nila ang maaaring mangyari kung sakali man, kumusta naman sila?" Marahang tugon ni Lago
"Nasa maayos na kalagayan naman po sila Señor pero hindi ko po maaaring isuplong sainyo kung saan sila nakatira sa ngayon sapagkat maaaring may makaalam at manganib ang buhay nila" Marahang tugon ni Rosalinda habang nakayuko, nginitian naman siya ni Lago
"Huwag ka magalala walang makakaalam at higit sa lahat masaya na ako malaman na nasa maayos silang kalagayan ngayon dahil kahit papaano ay asawa ng namayapang kapatid ko ang ate nila at pati na din ni Dolores ay asawa si Samuel" Nakangiting tugon ni Lago kay Rosalinda
"Maraming salamat po, Señor" Nakayukong sambit ni Rosalinda at para siyang nabunutan ng tinik
"Maraming salamat nga pala sa pagturo saakin kung nasaan ang anak nila Dolores, ako ang magaalaga sakaniya habang wala ang kaniyang magulang" Marahang sambit ni Lago
"Siya nga po pala Ginoo, ito po kunin niyo po ito nakuha ko po ito na nasa loob ng tela ng sanggol" Iniabot ni Rosalinda ang isang maliit na tela, kinuha naman nito ni Lago at dahan dahang inalis ang tela
"Singsing?" Pagtatakang tugon ni Lago
"Opo, Señor sa palagay ko isinadya ni Dolores na iwan yan sa sanggol" Marahang sambit ni Rosalinda
"Pero para saan? Hindi ba ito ang singsing na ibinigay ni Padre Azul kina kuya?" Marahang tanong ni Lago kay Rosalinda at napatango naman si Rosalinda
"Sige, huwag ka magalala ako ang magtatago nito at sisiguraduhin kong hindi mawawala ito. Maraming salamat muli Rosalinda, sa mga susunod na araw ay muli akong bibisita dito upang bigyan ng mga nararapat na pagaalaga ang anak nila" Napabuntong hininga si Lago at dahan dahang lumabas sa baro baro. Hindi na siya nagpasama kay Rosalinda palabas dajil mapanganib daw at baka magtaka pa ang mga ayudante at mga guardia ng casa pag nakita sila magkasama pabalik ng hacienda. Nilapitan naman ni Rosalinda ang sanggol at saka hinawi ang tela na nakataklob dito
"Maguumpisa na, huwag kang magalala muling pagtatagpuin ng tadhana ang hiniwalay nito at sa muli nilang pagtatagpo ay wala nang oras o panahon ang makakapaghiwalay dito. Kaunti nalamang, kaunti nalang" Nakangiting sambit ni Rosalinda habang tinitigan ang sanggol.
BINABASA MO ANG
Now That I've Found You Book II: 2018
Ficción histórica"Do you believe in Reincarnation?" From 1903 to 2018 anong pagbabago ang magaganap sa buhay ng isang maldita, spoiled pero ubod ng talino na si Elyca, paano kung isang araw ay magising ka na may katanungan palang nakatago sa nakaraan na pilit sinas...