Sa taas ng pride nina Elyca at Anne ay walang nagsubok na kausapin ang isa't isa. Kaya hindi sila nagbati, pagdating nila sa San francisco magkakaibigan ay doon sila nagkakita ni Anne pero hindi sila nagkaimikan.
"Hindi pa ba kayo magbabating dalawa?" Pag aalalang tanong ni Joan. Hindi naman siya pinansin ni Elyca bagkus ay tuloy tuloy pa rin ito sa paglalakad papunta sa tutuluyan nilang hotel.
"Ang ganda ng view sa labas, kitang kita dito ang ganda ng dagat" Panimula ni Joan dahil sinamahan niya si Elyca papunta ng tinuluyan niya habang ngaayos ang mga katulong nila na, nakatulala si Elyca at nakatingin sa labas ng bintana. Nang magsalita si Joan ay napabuntong hininga naman si Elyca at tinignan lang si Joan at nginitian
"Okay na Joan, you may go, see you later" Nakangiting tugon ni Elyca, nginitian naman siya ni Joan at saka tuluyan na ding umalis
"Tapos na po namin ayusin ang mga gamit mo po ma'am" Sambit ng isa sa mga katulong
"Sige, you can leave na" Nakangiting tugon ni Elyca, umalis naman na ang mga katulong at pumunta na sa kania kanilang kwarto doon din sa hotel na tinutuluyan nilang lahat. Napabuntong hininga muli si Elyca at pinagmasdan ang tanawin sa labas, ang ganda ng asul na dagat, hampas ng mga alon, ang bundok na matatanaw sa hindi kalayuan at ang mga lumilipad na ibon pandagat. Lahat ng iyan ay kaniyang pinagmamasdan, maya maya lamang ay may tumawag sa cellphone niya at sinagot naman niya ito
"Hello, who's this?" Pagtatakang tanong ni Elyca
"Guess who?" Masayang tugon ng nasa kabilang linya
"J-josh?" Tugon naman ni Elyca, na halatang dismayado
"Yes, I am! Are you not happy?" Masayang tugon ni Josh na nasa kabilang linya
"Sino naman ang matutuwa na makausap ka? And beside please stop calling me" Iritang tugon ni Elyca na akmang i-end call na niya
"Wait, wait there! I know you're mad at me dahil sa nangyari but gusto ko bumawi, are you free later?" Marahang pagtatanong ni Josh, hindi naman agad umimik si Elyca
"H-hello?" Muling tanong ni Josh sapagkat hindi siya sinasagot ni Elyca
"S-sorry Josh but I'm busy later, I'll just text you if I have a free time, so please stop pestering me. Thank you" Agad namang binaba ni Elyca ang cellphone at pumunta sa kama at agad nahiga dahil sa irita niya kay Josh. Muli ulit tumunog ang cellphone niya ngunit binabaan niya ulit nang makita niya na si Josh ulit ang tumatawag, nagtext din sakaniya at nagmessage sa application pero hindk naman ito tinugon ni Elyca, sa kada tawag niya ay agad naman itong binabaan ni Elyca. Hanggang sa maya maya pa lamang ay tumigil na din si Josh sa pangungulit, nagpaikot ikot sa kama si Elyca para mawala ang inis at pagkairita niya kay Josh, tumingala siya sa kisame at nagmuni muni. Maya maya lamang ay muling tumunog ang phone niya, hindi niya ito pinansin ng una, ngunit bigla ulit itong tumawag kaya sinilip niya kung sino yung tumatawag, pag tingin niya ay numero lamang at walang nakalagay na pangalan, ibig sabihin ay hindi nakaSave ang numero na tumatawag sakaniya, dahan dahan naman niya itong sinagot at inilapit sa tainga
"H-hello?" Kabang tugon ni Elyca, nagsalita naman ang nasa kabilang linya
"Hello, Elyca" Tugon ng nasa kabilang linya, malalim ang boses nito at pamilyar sakaniya
"Who's this?" Tugon ni Elyca
"June" Mariing bigkas ng nasa kabilang linya
"J-June? But how did you get my number?" Pagtatakang tugon ni Elyca dahil hindi siya makapaniwala na mayroong siyang numero kay June
"I get it from Gab, she gave it to me in exchange of something" Masayang tugon ni June
"Of what?" Pagtatanong ni Elyca kay June
"Nothing, it's just a small thing" Tugon naman ni June sakaniya
"Oh! Okay, why did you call me then?" Pagtataka ni Elyca
"N-nothing, No! I-I mean, gusto lang sana kita yayain later if you're not busy" Pautal utal na sambit ni June, natahimik naman ng panandalian si Elyca
"If you don't want it's-" Hindi natuloy ang sasabihin ni June dahil oumayag naman bigla si Elyca, nagsabi sila ng oras at saan magkikita at pumayag ang isa't isa. Dali daling tumayo si Elyca mula sa pagkakahiga at naghanap ng masusuot na damit, sinubukan niya isa isa ang mga damit na mayroon siya na nilagay sa aparador sa gilid ng kaniyang mga katulong kanina. Inisa isa niya iyon, karamihan sa mga dala niya ay mga damit pang beach sapagkat mayroon silang outing at hindi naman niya inaakala na yayayain siya ni June maggala gala kung saan. Kaya inisa isa niya ang mga damit niya kung alin ang maaari niyang suotin panggala na hindi mukha siyang lalangoy sa dagat. Sa pag isa isa niya ay may nakita na din siyang puedeng puede masuot. Dali dali siyang nagayos at tinawagan ang driver niya upang dalhin siya doon sa lugar kung saan sila magkikita ni June. Pagkababa na pagkababa ng kotse ay nakaabang na si June doon, napakalaki ng ngiti niya, nginitian naman siya pabalik ni Elyca at nagumpisa na sila maglakad lakad
"Saan ba tayo pupunta?" Pagtataka ni Elyca
"Secret, walang clue" Nakangising tugon ni Elyca, nagulat naman si Elyca sa tinugon ni June kaya inirapan niya ito, natawa naman si June sa ginawa ni Elyca
"Hindi nga yung totoo?" Iritang sambit ni Elyca kay June, nginitian naman siya ni June
"Ito naman napakabilis mairita, diyaan lang sa malapit" Nakangising tugon ni June, inirapan nanaman siya ni Elyca dahil sa tinugon niya
"Hindi, we will visit my great parents land, malapit lang yun huwag ka magalala" Nakangiting sambit ni June
"Eh kanina pa tayo naglalakad eh! Nasaan na yung malapit?" Pagtatakang tugon ni Elyca
"Kaunting lakad pa, promise malapit lang" Tugon naman ni June kay Elyca. Nagpatuloy pa rin sila sa paglalakad lakad, ilang minuto na din silang naglalakad
"Alam mo, nakakainis ka! Sabi mo malapit lang eh kanina pa kaya tayo naglalakad!" Irita at inis na sambit ni Elyca kay June, hindi naman siya nito pinansin bagkus ay sumipol sipol lamang, inirapan siya ulit ni Elyca. Naglakad pa sila ng may mapansin si Elyca na lumang bahay, napakaganda nito at napakalaki
"Wow! It's beautiful" Pagmamahang sabi ni Elyca, habang nakatingin sa lumang bahay kahit may kaunting layo ito sakanila dahil mayroon ñang gate at lalakarin pa papasok bago makarating sa lumang casa.
"Kaninong bahay ito?" Pagtatakang tanong ni Elyca kay June
"Ito nag Casa Del Olmo" Tugon naman ni June
"C-casa Del Olmo?" Pagtataka ni Elyca, tinignan naman siya ni June
"Yes, this is Casa Del Olmo. Gusto mo ba pumasok sa loob?" Nakangiting tugon ni June kay Elyca, napatango naman kaagad si Elyca nang yayain siya ni June pumasok sa loob ng Casa, may doorbell sa labas ng gate ng casa dahil nga naman napakalayo ng gate nila sa mismong casa ay kinakailangan na mayroon itong doorbell at cctv sa may gate palang. Maya maya pa ay may natanaw silang papalapit na tao papunta sakanila
"Ano po ang sadya nila?" Pagtatanong ng lalaking lumapit sakanila
"Maaari po ba kaming bumisita?" Pagtatanong ni June sa lalaki. Napansin naman kaagad ng lalaki kung sino ang lalaki
"Sir June? Ikaw po ba yan?" Nakangiting tugon ng nagbabantay
"Opo, Mang Tony" Nakangiting tugon ni June. Agad agad naman siya pinagbuksan ng pintuan ni Mang Tony at sinamahan maglakad papasok ng casa
"Kumusta na po Sir June? At anong napadalaw po kayo dito sa Casa?" Masayang tanong ni Mang Tony
"Wala naman po, niyaya kasi ako ng kaibigan ko na magouting daw dito sa San Francisco, hindi po kasi nila alam din ba taga dito ako" Nakangiting tugon ni June
"Siya po ay si? Ang iyong nobya?"Nakangising pagtatanong ni Mang Tony, na kaagad naman silang umiling dalawa nang sabay, lalong lalo na si Elyca na hindi umiik pero napailing ng kusa sa sinabi ni Mang Tony
"Hindi po, siya po ay kaibigan ko lamang" Sambit ni June kay Mang Tony na pagsahanggang ngayon ay nakangisi pa rin
"I'm Elyca po, nice to meet you" Nakangiting bati ni Elyca kay Mang Tony, nginitian naman siya nito at nagpakilala din
"Magandang umaga po, ako po ay si Mang Tony, ang housekeeper ng Casa Del Olmo, tuloy po kayo sa Casa Del Olmo" Masayang tugon ni Mang Tony, nginitian naman siya ni Elyca. Pagdating sa mismong Casa ay iniwan na sila ni Mang Tony, nagpaalam na ito sapagkat mayroon pa daw iniutos sakaniya ang lola ni June. Tumuloy naman si June at Elyca papasok ng Casa
"Welcome to our humble ancestral house here in San Francisco" Masayang bati ni June kay Elyca. Nginitian naman siya nito
"Thank you sa pagdala mo saakin dito" Tugon naman ni Elyca, maya maya lamang ay may bumababa sa hagdan na isang matandang babae, agad naman itong nilapitan ni June at saka nagmano
"Kumusta apo? At anong napadalaw ka at may kasama ka-" Napahinto naman agad ang lola ni June nang makita si Elyca, halatang nagulat ito at namangha nang makita niya si Elyca, pinagtataka naman ni Elyca ang naging reaksyon ng lola ni June
"Lola, b-bakit? Ano pong meron?" Pag aalalang tugon ni June, habang hawak niya ang kamay ng kaniyang lola
"Nagbalik ka na!" Gulat na tugon ng lola ni June
"P-po?" Pagtataka ni Elyca, hindi niya maintindihan ang nangyayari at reaksyon ng lola ni June, agad naman siyang nilapitan nito at hinawakan sa mga kamay at sa mukha
"Nagbalik ka na nga, ka'y tagal ka naming hinintay bumalik, ngayon ay nandito ka na. Tignan mo nga naman ang tadhana sadyang tuso" Masayang tugon ng lola ni June, ngumiti naman si Elyca pero halatang halata sa mukha niya ang pagtataka.
"Lola, tinatakot niyo na po si Elyca" Marahang sambit ni June sakaniyang lola, nakalma naman ito
"Patawad apo at hija, nabigla lamang ako" Nakangiting tugon ng lola ni June at dahan dahan na niyang inalis ang pagkakahawak sa kamay ni Elyca
"Ako nga pala si Doña Elena, apo ako ni Señor Lago" Nakangiting tugon ni Doña Elena
"Nice to meet you po Doña Elena, ako po si Elyca, kaibigan po ni June" Nakangiting tugon ni Elyca sa lola ni June, nginitian pabalik naman ni Doña Elena si Elyca at niyayang kumain
"Saktong sakto ang dating niyo at kakahanda lamang ng agahan" Masayang sambit ni Doña Elena, hinawakan naman niya sa kamay si Elyca at sinamahan papunta sa hapag kainan nila. Habang kumakain ay nagtanong ng iilang katanungan si Doña Elena patungkol sa family background ni Elyca, magiliw naman itong sinagot ni Elyca lahat
"Tanong ko lamang Elyca ay saan mo nabili ang singsing na suot mo?" Nakangiting tanong ni Doña Elena, nagkatinginan naman si June at si Elyca
"Ah eh sa mall po sa QC" Pautal utal na tugon ni Elyca kay Doña Elena
"Ah ganoon ba? Marahil ay replika o kahawig lamang yan ng nasa isipan ko pero napakagaling ng pagkakareplika" Sambit naman ni Doña Elena
"Excuse me, Lola but after breakfast we have to go, hahanapin ba po siya ng mga kaibigan niya, napadaan lamang po kami dito upang kumustahin kayo, babalik naman po kami kaagad" Nakangiti at marahang tugon ni June, ngitian naman siya ng lola niya at tumango ito bilang hudyat ng sumasangayon siya. Pagkatapos kumain ay agad namang inutusan ni Doña Elena si Mang Tony na ihatid sila pabalik, agad naman itong sinunod ni Mang Tony at tinawag ang driver nila upang maihatid sila pabalik ng resort na lingid sa kaalaman nilang magkakaibigan ay pagmamay-ari din ng pamilya ni June. Nagpaalam na sila June at Elyca ta nangakong babalik pagkatapos ng outing upang mas tumagal pa sila sa Casa Del Olmo, ngumiti naman si Doña Elena habang kumakaway sa papalayong kotse nila
"Napakatuso talaga ng tadhana, siya na mismo ang inilalapit nito, kaunti nalamang ay magwawakas na lahat lahat. Kaunti nalamang" Nakangiting sambit ni Doña Elena
BINABASA MO ANG
Now That I've Found You Book II: 2018
Ficción Histórica"Do you believe in Reincarnation?" From 1903 to 2018 anong pagbabago ang magaganap sa buhay ng isang maldita, spoiled pero ubod ng talino na si Elyca, paano kung isang araw ay magising ka na may katanungan palang nakatago sa nakaraan na pilit sinas...
