CHAPTER VII

338 7 4
                                        

"Akala ko naman ano nangyari sayo" Inis na sabi ni Elyca
"I'm just kidding around haha!" Tuwang tuwa na sagot ni Kyle kay Elyca, inirapan naman siya ni Elyca
"You know what?! Can you please stop pestering me?!" Inis na sambit ni Elyca kay Kyle napahinto sa pagtawa si Kyle tinignan si Elyca at biglang tumawa ulit
"Ahhh nonsense!" Iritang sagot ni Elyca, iniwan niya na sa may sala si Kyle, nagmadali siyang bumalik ng kwarto at nagsarado ng pinto, humiga si Elyca at napabunting hininga.
"Di ko alam bakit ako naapektuhan ng panaginip na iyon, maybe I should try to see a doctor. I need to seek some advice" Nahinto ang pagmumuni muni ni Elyca ng may nagsalitang babae mula sa labas
"Ma'am" Mahinang pagkakasabi ng babae mula sa labas habang siya ay nakatok
"Who's there?!" Pasigaw na sabi ni Elyca
"Si Rosemary po ito ma'am" Tugon ng babae sa labas
"Bakit ba ang-" Napahinto si Elyca ng malaman niyang si Rosemary ang nasa labas kaya dali dali niyang binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Nakangiti si Rosemary pagkabukas ng pintuan ni Elyca
"All right! I know! I know you can help me to get through this stuff" pagmamadaling sabi ni Elyca, agad naman niyang pinapasok si Rosemary sa kwarto niya.
"Ano po iyon ma'am?" Nagtatakang tugon ni Rosemary
"Naalala mo ba last time? When I'm in the garden, may sinabi ka saakin noon at alam kong alam mo kung ano ang napapanaginipan ko at ano ang ibig sabihin ng mga iyon" Hinawakan ni Elyca si Rosemary sa mga braso ng mahigpit.
"T-teka po ma'am, napapahigpit po kayo ng hawak saakin" Tugon ni Rosemary kay Elyca na nasasaktan sa higpit ng pagkakahawak ni Elyca sakaniya, agad naman siyang binitawan ni Elyca
"Okay, okay. So now can you please help me" Pagsusumamo ni Elyca, nagulat si Rosemary dahil hindi naman nanghihingi ng pabor si Elyca sakanila ni kailanman, natahimik saglit si Rosemary at nabalik lamang ang ulirat ng kalabitin siya ni Elyca
"Ah eh, ano po kasi ma'am ah" utal na pagsagot ni Rosemary kay Elyca
"Please Rosemary please" Pagsusumamo ni Elyca, hinawakan niya sa kamay si Rosemary.
"Ma'am hindi ko po maaaring sabihin sayo ng buo pero kung gusto mo po talaga malaman, iisa isahin ko sa abot ng aking makakaya" Nakangiting tugon ni Rosemary kay Elyca
"Bakit hindi kayang sabihin lahat, ano ba iyon Rosemary? Please tell me please!" Pagsusumamo ni Elyca kay Rosemary, napabuntong hininga si Rosemary at hinawakan sa pisngi si Elyca at ngumiti
"Huwag kang magalala Elyca, balang araw maiintindihan mo din, hindi man ngayon paunti unti maiintindihan mo rin" Nakangiting tugon ni Rosemary kay Elyca, nagpaalam na si Rosemary kay Elyca at lumabas ng kwarto.
Hindi man nasagot ang mga tanong na nasa isip ni Elyca pero napanatag ang loob niya nang malaman na may nakakaintindi sakaniya.
Kinabukasan ay agad pumunta si Elyca sa National library para magresearch patungkol sa American era at sa mga tao noong panahon na yun, maraming libro siyang nakita pero wala ni isa doon ang makakasagot sa mga katanungan niya, tinawagan niya si Anne para tulungan siya agad namang pumunta si Anne.
"Anong ginagawa mo diyo Elyca?" Tanong ni Anne kay Elyca na nagaalala dahil nagmamadali siyang papuntahin doon ni Elyca
"I'm doing my research" Pabulong na tugon ni Elyca
"What?!" Malakas na tugon ni Anne narinig ng Librarian kaya agad siyang napatahimik at humingi ng tawad
"Here, in the National library? Are you sure? There's a lot of library out there and also you have internert in your home" Pabulong na tugon ni Anne
"Shhhh gusto ko dito pake mo ba? And also mas marami ditong mga references, kung ayaw mo ako tulungan umalis ka nalang" Pagsusungit ni Elyca kay Anne, napakibit balikat nalang si Anne
"Okay okay, fine" Mariing sagot ni Anne kaya agad silang naghanap pa ng mga libro para mahanap ang mga sagot sa katanungan ni Elyca pero bigo silang makahanap kahit isa ay walang makasagot sa mga tanong niya, napabuntong hininga nalang sila parehas dahil sa pagod. Natigil sila sa paghahanap nang makarinig sila ng may nagbubulungan sa kabilang shelves pinakinggan nila iyon.
"Nasaan na ba si Mr. E" Pabulong na sabi ng nasa kabilang shelves, boses lalaki ito kaya pinakinggan ulit nila ang mga nagbubulungan
"Hinahanap na siya ng iba pang mga kasama natin, akala niya siguro makakatakas na siya"  Tugon naman ng isa pang lalaki na pabulong din magsalita
"Hindi rin magtatagal mababalik saatin iyon" Sagot ng unang lalaki na nagsalita kanina. Napahinto sila sa pakikinig ng may kumalabit sakanilang dalawa, nagulat at kinabahan naman sila Elyca at Anne.
"What are you doing?" Dahan dahang humarap sila Elyca at Anne
"I-ikaw pala June, anong ginagawa mo dito?" Sagot ni Anne.
"Ako unang nagtanong sainyo, at sino ang pinapakinggan niyo diyaan?" Agad namang hinila ni Elyca si June papalayo sa may shelves at hinila niya pa ito papalabas ng Library.
"What are you doing Elyca?" Mariing tanong ni June dahil sa pagkakagulat, naiwan naman si Anne sa loob at inasikaso ang mga librong hihiramin ni Elyca
"May narinig kaming mga lalaki sa may kabilang shelves ng libro" Hingal na pagsabi ni Elyca kay June, napakunot naman ng noo si June at nagtataka sa sinasabi ni Elyca
"Hinahanap ka nila June!" Pasigaw na sabi ni Elyca na hinihingal pa rin
"Nila?" Pagtatakang sagot ni June kay Elyca
"Oo, remember Mr. E?" Tugon ni Elyca kay June na ikinagulat ni June kaya agad niyang tinakpan ang bibig ni Elyca, hinila niya ito papunta papalayo ng National Library papunta sa parking lot at pinapasok niya ito sa loob ng kotse, nagmamadaling magpaandar ng kotse si June.
"Where are we going?!" Kinakabahang sabi ni Elyca
"Basta, stay still!" Umandar papalayo silang dalawa, naiwan si Anne na gulat na gulat dahil biglang nawala sila June at Elyca, napakunot ng noo siya at nainis pero wala siyang nagawa kung hindi dalhin ang mga libro at dalhin sa bahay nila Elyca. Nakarating si Elyca sa pinuntahan nila ni June.
"Nasaan tayo?" Mariing tanong ni Elyca kay June
"Nasa bahay namin" Nakangiting sagot ni June kay Elyca
"What? Anong ginagawa natin dito ha?! Tatawagan ko sila mommy" Kinakabahang tugon ni Elyca, hinawakan naman ni June sa kamay si Elyca na akmang kukunin ang phone sa bag
"Wag Elyca, may ipapakita lang ako sayo para maintindihan mo kung bakit nila ako hinahabol, at saka wala naman sa pilipinas mga magulang mo remember?"Nakangiting tugon ni June kay Elyca, inalis kaagad ni Elyca ang kamay ni June sakaniya
"Okay fine! Pero bibilisan lang natin ha at iuuwi mo agad ako saamin" Mariing tugon ni Elyca kay June
"Pangako, iuuwi kita ng buong buo sa bahay niyo" Nakangiting tugon ni June at agad naman silang pumasok sa loob ng bahay nila. Maganda ang bahay nila June, antigo at gawa sa mga mamahaling kahoy ang kisame, lamesa, hagdanan at iba pang kagamitan sa loob ng bahay nila at higit sa lahat malinis, marami din silang mga katulong at wala ang mga magulang niya dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Umakyat sila sa pangalawang palapag ng bahay nila at dumerecho sa isang kwarto.
"Huwag kang kabahan Elyca, walang mangyayari sayo dito sa bahay namin" Malaking ngiti ang binigay ni June kay Elyca upang hindi ito magalala, napabuntong hininga na lamang si Elyca at tumango. Binuksan ni June ang aparador niya at kinuha ang isang maliit na kahon, dahan dahan niya itong binuksan at pinakita kay Elyca
"S-sing sing?" Biglang napatawa si Elyca dahil sa nakita niya, napakunot naman ng noo si June dahil dito
"Dahil lang sa singsing hinahabol ka nila? So weird!" Patuloy sa pagtawa si Elyca, napakamot sa ulo si June at natahimik, nang mahimasmasan si Elyca ay agad namang nagsalita si June
"Are you done?" Seryosong pagkakasabi ni June kay Elyca, natahimik si Elyca at tumango
"Itong singsing na ito kasi nakuha ko sakanila, natalo ko sila sa pustahan, yup I know it's illegal pero nakipagDeal sila saakin so nung nanalo ako I already expected that the ring will be mine but they're cheaters hindi nila binigay saakin kaya ninakaw ko" Nakangiting pagsabi ni June, nagulat naman si Elyca sa sinabi ni June
"So the night that I saw you ay yung araw na nakipagpustahan ka at tumatakbk sakanila dahil ninakaw mo yang singsing na yan? How ridiculous you are! Bakit kailangan na kailangan mo ba yan? Para pati buhay mo ipagpapalit mo?" Inis na pagkakasabi ni Elyca kay June, nginitian lang siya ni June
"I don't know, there's something in this ring, para niya akong kinakausap that time nung pustahan na kailangan ko siyang kunin at angkinin, I really don't know kaya gumawa ako ng paraan para mapasaakin yung singsing and it's mine now" Masayang tugon ni June
"P-pero" Agad namang pinigil ni June sa pagsasalita si Elyca
"No But's it is mine now, so kahit anong gawin nila hindi nila makukuha saakin ito" Sagot ni June kay Elyca, napabuntong hininga na lamang si Elyca. Pag tapos ipakita ni June kay Elyca yung singsing ay niyaya niya itong iTour sa bahay nila, pumayag naman si Elyca dahil naroon naman na din siya.
"Alam mo ba, pamilyar saakin ang bahay na ito, parang nakita ko na ito noon o nakapunta na ako dito noon, I don't know why pero pamilyar talaga saakin ang bahay mo" Nagtatakang sambit ni Elyca habang naglalakad lakad sila sa loob ng bahay ni June, napatango lang si June at nagkwento
"Alam mo ba na this house it is already a century old, as in" Masayang sambit ni June
"O really? Mukha naman at ang ganda ng pagkakagawa" Nakangiting tugon ni Elyca
"Yup, ang bahay na ito ay ruins doon sa San Francisco doon galing ang bahay na ito according to my grandmother, she also said thay nilipat lang yung bahay from San Francisco papunta dito block by block as in, hindi ito replica but this is the real one in different place nga lang" Nakangiting dagdag na sabi ni June kay Elyca, na ikinamangha din ni Elyca
"Sino daw may ari talaga nitong bahay?" Sambit ni Elyca
"I don't know, di ko pala naitanong yan, sa susunod itatanong ko kila mama, my grandmother died last last month, sakaniya sana mas magandang magpakwento dahil mas marami siyang alam pero ayun nga anyways I will take you home na baka hinahanap ka na ng ng kapatid mo" Nakangiting sabi ni June kay Elyca, pumayag naman si Elyca at hinatid siya ni June sa bahay nila.
Candelaria

"Nandito na tayo sa tahanan ng mga pariente namin mahal ko, hindi na nila tayo madadatnan dito, bagama't kilala nila ang ina, hindi naman nila alam ang apilyido ng papa kaya maaari tayong manatili dito at mamuhay ng payapa" Nakangiting sabi ni Samuel kay Dolores, agad namang niyakap ni Dolores si Samuel

"Siya nga pala mahal ko, pakitago naman nitong singsing ni Ethan, nang dalhin sila sa morge ay agad kong kinuha ang singsing nila ng kapatid ko, binigay ko yung isa kay Leonor at nasa saatin ang isa alam kong pinahalagahan ng sobra ito nila Ethan at alam ko darating ang araw na malaki ang maitutulong nitong singsing na ito sa buhay natin." Sambit ni Samuel na may ngiti sa mga labi, niyakap siyang muli ni Dolores

"Magpapadala ako ng sulat kay Padre Azul, Samuel mahal ko upang malaman niya nasa maayos tayong kalagayan, huwag kang magalala hindi ko ipagbibigay alam ang ating direccion upang hindi tayo matunton ng kahit na sino sa pamilya ko pati na din kila Leonor upang hindi siya magalala sa lagay nating dalawa" Nakangiting sabi ni Dolores, malaking ngiti dinang binigay ni Samuel kay Dolores.

Mahal naming Padre Azul,

Como estas nuestro Padre¿ Le escribo una carta para que sepa que ahora estamos contentos aquí en nuestro nuevo hogar. Lejos de todos, lejos de la injusticia, lejos de mi familia y lejos de las mentiras. No se preocupe por nosotros El Padre Azul, yo, Samuel y nuestro hijo pronto viviremos aquí sanos y salvos. Saludos desde aquí para ustedes, los extrañamos mucho y también a San Francisco.
Hasta pronto nuestro padre y nuestra tierra más querida.

Respetuosamente tuyo,

Dolores Gonzales y Del Olmo

(How are you, our father. I am writing a letter for you so that you will know that we are happy here in our new home. Far from everyone, far from injustice, far from my family and far from lies. Don't worry about us Fr. Azul, me, Samuel and our son soon will live here, safe and sound. Greetings from here to you, we miss you Father and San Francisco a lot.
See you soon our father and our dearest land.

Respectfully yours,

Dolores Gonzales and El Olmo)

"PUÑETA!" Pagdabog na sabi ni Don Rafael, nanlilisik ang mga mata niya at galit na galit siya "Kung hindi ko pa haharangin ang mga Carta na papunta dito sa Iglesia de San Francisco ay hindi ko pa malalaman na may sabwatan kayo ng mga Gonzales! PUÑETA! Ang dami kong donasyon na binigay dito sa simbahan hindi pa ba sapat iyon para maging tapat ka saakin ha Padre Azul!" Agad niya binaling ang tingin niya kay Padre Azul na ngayo'y hawak ng mga guardia niya at punong puno ng pasa at sugat.

"SABIHIN MO PADRE! NASAAN ANG ANAK KO?!" Agad niya nilapitan si Padre Azul at sinakal

"H-hindi ko alam" Hirap na hirap sa pagsagot si Padre Azul dahil sa higpit ng pagkakasakal sakaniya ni Don Rafael

"Pag hindi mo sinabi saakin kung nasaan sila , PAPATAYIN KITA PADRE!" Galit na galit na sambit ni Don Rafael na nakahawak pa rin sa mga leeg ni Padre Azul, na halos hindi na makahinga sa higpit ng pagkakasakal sakaniya

"Na-nag-Nagsasabi ako ng t-t-totoo Don Rafael" Agad namang kinalagan sa pagkakasakal si Padre Azul ni Don Rafael

"Kung gayon, nasaan ang kapatid ni Samuel? SAGOT!" Pasigaw na tanong ni Don Rafael kay Padre Azul, ngunit hindi siya sinagot nito kaya pinabugbog muli ni Don Rafael sa mga tauhan niya si Padre Azul

"Pwes! Kung ayaw mo magsalita. Buscar el Lugar! Andale Arriba!" Sigaw na utos ni Don Rafael sa mga tauhan niya, agad namang naghanap ang mga tauhan niya at may nakita silang kahon na naglalaman ng mga sulat mula kila Leonor at Dolores. Agad itong  pinabasa ni Don Rafael sa mga tauhan niya at nakahanap ng sagot kung saan tumutuloy sila Leonor pati na din si Dolores.

"Ikulong niyo yan! At bugbugin niyo pa ng bugbugin hanggang sa magtanda, huwag niyo din papakainin ng agahan at tanghalian. Tanging cerna lamang ang ipapakain niyo sakaniya. Entendido?!" Agad namang sumagot ang mga guardia at hinila si Padre Azul na hinang hina na ngunit pinilit pa rin mag salita "H-Hinding hindi mo mabibili ang katapatan, p-puri at dangal ko Don Rafael, Hindi ako tuta mo na b-basta mo lang mauutusan at higit sa lahat pa-paapi sayo, hindi man ngayon darating at darating ang panahon na magagapi ka at bababa sa kinalalagyan mo RAFAEL!. MENTIROSO!" sinuntok nila sa tiyan si Padre Azul na nagpahina pa lalo sakaniya para mapatahimik din siya sa pagsasalita at agad nila itong hinila papunta sa kulungan at doon pa mas lalong pinahirapan.

Now That I've Found You Book II: 2018Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon